Chapter 30: Sakit

19.4K 470 59
                                    

Dedicated for her. Thanks sa new covers ng Heart Series ;) Ang gaganda! I love you :*



FALLON'S POV


(I'm so sorry) tunog bigong sabi n'ya

"Ano ka ba. Okay nga lang" pilit ko sa kanya.

Kanina pa s'ya nag-so-sorry dahil hindi n'ya ko maihahatid at masusundo sa university. May mga mahahalaga kasi s'yang dapat asikasuhin sa opisina.

Usually, hindi naman s'ya nag-re-report sa opisina at personal na mina-manage n'ya lang ang mga bar nila. Pero dahil on leave si Troy dahil sa panganganak ni Maine, at nasa Pangasinan si Trent kasama ang pamilya n'ya para asikasuhin ang pinapagawang resort d'on, si Eric lang ang pwedeng mag-asikaso sa opisina nila. Matagal na kasing umalis si Neil at binenta na kay Trent ang shares n'ya.

(Papasundo nalang kita sa driver) sabi n'ya pa.

"'Wag ka na ngang praning, Habagat. Okay lang ako. Sanay naman ako na namamasahe. Saka sasamahan ko pa si Jorgie mamaya para maghanap ng costumes" giit ko. "OA ka lang"

Sinimulan ko nang ipasok sa bag ko ang mga gamit ko na nasa study table.

(Sabi ko naman kasi sa'yo umalis ka na sa dance troupe. Mapapagod ka lang d'yan) yamot na sabi n'ya.

Umirap ako kahit hindi naman n'ya nakikita. "Sabi ko naman din sa'yo, hindi pwede. Sayang din ang allowance ko d'on. 'Wag ka na nga masyadong mag-alala"

Ayoko naman na umasa sa kanya tulad ng gusto n'ya. Iniisip na nga ng mga tao na pineperahan ko s'ya, tapos ganoon pa ang magiging sistema?

Grabe! Ang bata at ang pogi naman n'yang DOM. Ang mga mapanghusga talaga. Akala mo naman ikakayaman nila ang paninira sa kapwa. May naitulong ba ang panghuhusga nila sa pag-unlad ng ekonomiya?

(Bahala ka na nga. Basta mamaya, sa bahay ka umuwi. Saka 'wag masyadong late. Gagabihin ako ng uwi. Walang kasama si Avy) bilin n'ya

"Opo" nakangiting sagot ko. Sa wakas nagpatalo din. "Ingat ka po buong araw. 'Wag kakalimutan kumain"

(I love you. Ingat ka din, 'wag manlalaki) istriktong sabi niya. Na-imagine ko pa ang pagtaas n'ya ng kilay.

Natawa naman ako. "Depende 'yon syempre. Paano kapag niyaya akong mag-date ni James Reid? Syempre papayag ako!"

(What the hell, woman?) inis na sigaw n'ya. Napakagat labi nalang ako para mapigilan ang pagtawa. (James Reid? Sino naman 'yon? Sigurado naman ako na mas gwapo ko d'on!)

Natawa na talaga ako. "Joke lang. Masyado kang seryoso. Sige na ingat ka. I love you"

(Umayos ka, Fallon Therese!) inis pa din na sabi n'ya

"Hindi ka ba makaintindi ng joke? Ang grumpy mo" yamot kong sabi sa kanya

(Ikaw ang landi mo. Sinisira mo araw ko) yamot din na sabi n'ya

"Landi agad? Hindi ba pwedeng nag-a-appreciate lang?" apela ko.

Ang harsh talaga na selection of words nitong lalaking 'to!

(Bahala ka. Kapag ako, nakita ko si Paris Hilton mamaya, yayayain ko 'yong gumawa ng s-ex scandal. Ikaw unang makakapanood. HD pa) sabi n'ya sa malamig na tono

Aba! Ako pa ang malandi ha. Ano s'ya, manyakis?

"Ang laswa mo! Edi d'on ka na!" sigaw ko sa kanya

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon