Chapter 6: Avery

22.5K 590 29
                                    

FALLON'S POV




'Yung totoo, saan ba nakatago ang balahibo ni Habagat?



Nakatayo na yata lahat ng pwedeng tumayong balahibo sa katawan ko sa sobrang lamig, pero siya parang wala lamang.



"Uhm... sir" bahagyang nangatal pa ako. "Pwede po ba na hinaan 'yung aircon?" tanong ko sa kanya.



Nakaupong parang hari siya sa sofa habang nakataas ang mga paa sa coffee table at busy sa laptop niya. Ako naman ay naninigas na dito habang nag-ba-vacuum ng carpet ng sala.




"Bahala ka. Basta siguraduhin mo na hindi ka maiinitan" tumingin siya sa akin at nakakalokong ngumisi. "Baka kasi maghubad ka pa sa harap ko. Ayoko pang bangungutin" lalo pang lumaki ang ngisi ni g*go.




Pwede ba na ipahigop ko na lamang din siya sa vaccum?!




'Yung ngisi niya, parang gusto ko nang ihalik sa bunganga niya ang dulo nitong hawak ko na vacuum at ibuga lahat ng kalat sa kanya! Nakaka-bwisit talaga!




Hindi na ako kumibo at hinayaan na lamang siya. Pakasaya siya, baka bukas patay na siya. Nakakapag-init lamang talaga ng ulo!




Pumasok na muna ako sa loob ng banyo at tumalun-talon doon.



"Para akong pumasok sa loob ng ref!" naghugas ako ng mga kamay gamit ang warm water. Mabuti na lamang at may hot and cold water dito!



Sarap maging mayaman.



Lumabas na ako ng banyo at bumalik na sa mga nililinis ko. Hindi ko mawari kung paano nakagagawa ng madaming kalat si Habagat sa loob lamang ng ilang oras.




 Nang bumalik ako sa sala ay naabutan ko ang kamahalan na abala sa ginagawa niya sa laptop niya.



In fairness naman, ang gwapo-gwapo pala ni Habagat kapag may suot na salamin at seryoso.



Sa nakikita ko na Eric ngayon, parang hindi gumagawa ng kalokohan at puro trabaho lamang. Mukhang seryoso siya sa ginagawa niya at buong atensyon niya ay nasa trabaho. Nakaka-inlove talaga kapag may nakikita ka na dedicated sa trabaho, sarap mahalin.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon