Chapter 45: No Choice

16.2K 489 32
                                    

FALLON'S POV


Isang linggo palang si Lola sa ospital pero lubog na lubog na ako. Sobrang mahal ng mga gamot at mahal ang bayad sa ospital. Hindi ko na alam kung kanino pa ba ako lalapit. Lahat ng mga kaibigan ko ay nautangan ko na.

"Pasensya na, Fallon. Naipadala ko na kila Nanay ang lahat ng pera ko. Nag-me-maintain din kasi si Nanay ng gamot n'ya. Diabetic kasi" malungkot ang boses na sabi ni Sofia.

Matamlay na ngumiti ako sa kanya. "Okay lang. Hiyang-hiya na nga ako sa'yo. Kailan lang tayo naging magkaibigan pero ang laki na ng utang na loob ko sa'yo"

Kinabig n'ya ako at niyakap. "'Wag ka mag-alala, kapag nagkapera ako, pahihiramin kita"

Yumakap nalang ako pabalik sa kanya. Naiiyak ako sa kabaitan n'ya pero pagod na pagod na yata ang mga mata ko sa kakaiyak. Wala ng luha na lumalabas.

"Tuloy na ko, Sofia" paalam ko sa kanya nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

Hinatid na n'ya ko sa pinto ng apartment na tinutuluyan n'ya.

Nag-iisip ako habang naglalakad-lakad.

Kinakapa ko ang singsing na nasa daliri ko. Mabigat sa kalooban ko ang gagawin ko. Alam ko na mas ikagagalit 'to ni Eric. Pero sa tingin ko ay maiintindihan naman n'ya ko. Wala lang akong choice.

Sa mabibigat na mga paa ay tinungo ko ang pawnshop. Halos manginig ang mga daliri ko habang inaabot sa babae ang engagement ring ko. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga mata ko. Ang sakit-sakit sakin na gawin 'to. Pero wala naman akong choice. Buhay na ni Lola ang nakasalalay.

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang sinabi ng babae sakin ang presyo ng singsing ko. Sobrang laki, to think na sanla lang naman. Ibig sabihin ay mahal ang pagkakabili ni Eric.

Sorry, Eric.

Pinipigilan ko ang maiyak habang sinasagutan ang papel na inabot ng babae. Pero bigo ako. May isang patak ng luha na tumulo sa papel na sinasagutan ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at pinahid ang mga luha ko. Pilit na kinalma ko ang sarili ko.

"'Wag ka mag-alala, Miss. Mababawi mo pa naman 'to" pagpapalakas ng babae sa loob ko.

Tipis na ngumiti ako sa kanya at inabot na ang papel. Binilang n'ya ang pera sa harap ko at inabot na 'yon sakin.

Parang may pumipiga sa puso ko nang lisanin ko ang pawnshop. Ang sakit na wala akong magawa. Buhay na kasi ni Lola ang nakasalalay.

Ingat na ingat ako sa pera habang nasa byahe ako. Salamat sa Diyos at ligtas na nakarating ako sa ospital. Agad na binili ko ang mga kailangan.

"Uwi na muna ako, Fallon. Dadalan na din kita ng hapunan mamaya" paalam sakin ni Karen.

Natanggap at napatawad na si Karen ng mga magulang n'ya kaya doon na s'ya umuuwi. Doon n'ya din iniiwan si Joy. At masaya ako na hindi n'ya ako pinapabayaan. Sa umaga ay s'ya ang nakabantay kay Lola sa ospital habang nasa eskwela ako. S'ya din ang nagdadala ng pagkain namin ospital.

Halos hindi na ako nakakauwi sa bahay. Sa bahay ni Sofia nalang ako nakikiligo at nakikibihis dahil malapit 'yon sa university. Saka malungkot sa bahay.

Tumango ako sa kanya at lumipat sa upuan sa tabi ng kama ni Lola nang makaalis si Karen. Ginagap ko ang kamay ng Lola Delfina.

"Lola, pangako gagawin ko ang lahat para sa inyo. Kaya lumaban ho kayo. Palakas ho kayo. Mahal na mahal kita, Lola" hinalikan ko ang kamay ni Lola.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon