Chapter 49: Masungit

22.1K 651 53
                                    

Lamig ng panahon, 'no? Painitin natin! hihihi

NOTE: Malanding chapter


_________________________

FALLON'S POV


Inis na tinignan ko si Eric. Sobrang laki ng pagkakangisi n'ya sakin. Parang gusto ko nang burahin 'yong mukha n'ya. Ang lakas talaga mang-asar ng Habagat na 'to. 'Yong tipong pikon na pikon ka na, pero s'ya parang wala pa sa kalahati ng pang-aasar n'ya.

"Tumigil ka na nga sa kakangisi mo! Mukha ka nang aso!" inis na sigaw ko sa kanya.

Mas lumapad lang 'yong ngisi n'ya. Tumaas-taas pa 'yong mga kilay n'ya.

Nag-simula na s'yang mag-hum.

"Isa!" saway ko sa kanya.

Umindak-indak pa s'ya sa pag-hum n'ya.

Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko sa pinag-halong hiya at inis.

"'Di na virgin, na-touch ko na ng one hundred one times. 'Di viiiiiirgin. Nakikita, sa balakang" pakantang sabi n'ya sa tono ng 'Like a Virgin' ni Madonna

Malakas na tumili ako to shut him up.

Bwisit talaga!

Kanina kasi sa park, habang nag-pi-picnic kami nila Lola at Avy, may isang weird na babae na lumapit samin at sinabing nakikita daw sa balakang ng babae kapag hindi na V. At pinangalandakan n'ya pa talaga na halatang 'di na ko V! 

Pareho kaming nabigla ni Eric. Nang makabawi ako ay napahawak ako sa balakang ko. Ang damuho naman, tumawa nang malakas. 

Susungitan ko sana 'yong babae kaso umalis na s'ya agad.

Golly, hiyang-hiya ako sa mga taong nakarinig. Lahat sila, nakangisi sa akin.

Inakbayan lang ako ni Eric at sumipol-sipol pa na tila walang pakielam. 

"'Wag ka nang mahiya. Pogi naman 'yong kumuha" nakangising sabi n'ya at muling humalakhak.

Sa inis ko ay nag-walk out ako. At napaaga ang uwi namin.

At hanggang ngayon na nakauwi na kami, inaasar pa rin ako ni Eric!


Malakas na humalakhak s'ya at niyakap ako. Inikot-ikot n'ya ko sa ere at bumagsak kami sa kama. Nasa ibabaw ko s'ya. Tinukod n'ya ang mga kamay sa magkabilang gilid ko. 

Masama pa din ang tingin ko sa kanya at s'ya ay malaki pa din ang pagkakangisi.

Pinaluguan n'ya ng matutunog na halik ang buong mukha ko. Hagang sa parang manok na s'yang tumutuka sa labi ko. Kaya napapangiti nalang ako. 

"Pahiyang-pahiya ka kanina" natatawang sabi n'ya.

Muli ay sumimangot ako. "Sige. Ulit-ulitin mo pa"

He chuckled. "Halata naman talaga. Ang pogi ko kaya. Sino'ng hindi bibigay sakin?"

Tinampal ko ang braso n'ya. Inirapan ko pa s'ya. "Yabang mo Habagat!"

"Mahal mo naman ako" mayabang na sabi n'ya at tumuka-tuka ulit sa labi ko. 

Hilig n'ya sa ganyan. 'Yong mabibilis at sunud-sunod na halik sa labi. Matunog  pa. 

At shet na malagkit, sobrang nakakayanig ng mundo! Feeling ko malulusaw na ko sa sobrang kilig.

Pinatulis ko din ang nguso ko at sumabay sa kanya. 

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon