Chapter 38: Role Model

23K 531 25
                                    

NOTE: Tuloy-tuloy na kalandian :p


FALLON'S POV

"What do you want to eat?" malambing na tanong ni Eric nang mailapag ang susi ng kotse n'ya sa coffee table. Naghubad din s'ya ng coat at isinampay iyon sa sandalan ng sofa.

"Kahit ano. Ikaw na ba magluluto?" tanong ko din sa kanya. Umupo ako sa sofa at ni-relax ko ang katawan ko.

Tumabi s'ya ng upo sakin at umakbay. "Let me do the cooking. You focus on your studies" mabilis na humalik s'ya sa pisngi ko at tumayo na para pumasok sa kwarto.

Huminga ako nang malalim bago ko inabot ang bag ko at inilabas ang mga papel na kakailanganin ko.

Kailangan ko gumawa ng one hundred questions about Differential Equations. Ito na ang magiging finals ko. Na-exempt kasi ako ng prof ko dahil perfect ko ang tatlong naunang major exams. At babayaran n'ya ako ng two thousand para dito. Hindi na din masama.

Ang bilis ng panahon. Fourth year college na agad ako. At next year, ikakasal na kami ni Eric. Hindi ko alam kung saan ako mas na-e-excite. Sa graduation ko ba o sa kasal namin.

Habang abala ako sa paggawa ng mga questions, abala naman si Eric sa kusina.

Nakaka-twenty questions palang ako ay tinatawag na ako ni Eric para sa dinner namin.

"Pahinga na muna d'yan. Kain na muna tayo" masuyong sabi n'ya at minasahe pa ang mga balikat at batok ko. Napaungol naman ako sa sarap.

"Ni hindi ka muna nagbihis" puna n'ya at hinawakan ang panga ko at pinihit ang ulo ko patingala. Dahil nasa likod s'ya ng sofa, yumuko s'ya para halikan ako.

Magaan lang ang halik n'ya at masuyo ang paghaplos ng labi n'ya sakin.

"I'll never get tired of kissing you" nakangiting sabi n'ya.

Hinila na n'ya ko patayo at hinatak na patungo sa kusina.

"Sunog naman 'yong ulam natin" reklamo ko nang makita ang mga nasa mesa.

Inirapan naman n'ya ko. It's not a manly act, but he made it look sexy.

"'Yong kalahati lang naman" apela n'ya pa

Umupo na ako sa upuan ko at umupo naman s'ya sa harap ko.

"Prito na nga lang kaya mong lutuin, palpak pa" asar ko sa kanya.

Sinamaan n'ya ko ng tingin. "Edi ako nalang kainin mo. Hindi ako sunog. Mas sunog ka pa nga sakin. Negra"

Nag-palpitate naman ang kilay ko sa sinabi n'ya. "FYI, Mr. Jacobs, morena ang tawag sa kutis ko, hindi negra" Inirapan ko s'ya. "Ikaw na anak araw"

Ngumisi s'ya sakin. "'Pag nagka-anak tayo, dapat sakin makuha ang kulay"

"Oo. Sa'yo na lahat ng physical appearance, sakin na utak" ganti ko sa kanya

Tinaasan n'ya ko ng kilay. "Mas matalino ako sa'yo. Nagkataon lang na mas masipag ka mag-aral"

Tinawanan ko nalang s'ya. Na-kwento n'ya kasi na almost twenty-five na s'ya nang maka-graduate. Panay kasi ang repeat n'ya ng mga subjects.

Kinuha ko na ang lalagyan ng kanin at sinalinan na muna ang plato n'ya bago ang akin. S'ya naman ang kumuha ng mga ulam. Hinati n'ya ang hotdog. 'Yong sunog, nilagay n'ya sa plato n'ya at 'yong okay ang sa akin. Sa itlog naman, akin ang yellow at puti lang ang kanya. Nalalansahan daw kasi s'ya sa egg yolk. Swerteng maayos naman ang pagkakaluto n'ya sa nuggets dahil de-oven 'yon.

Impish HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon