Kabanata 1

181 4 0
                                    

Warning: Unedited

Kawawa naman

Nangingiti ako habang tinitignan sa selpon iyong pikyur namin ni Dawson. Ang gwapo niya talaga. Sa pikyur palang ramdam na ang kahihiyan ko. I'm standing straight beside him. Tipid akong ngumiti haysst.. bahala na basta iyong babyluvs ko panay ang ngisi.

Nauna na akong umuwi sa mga kaibigan ko. Ti-next ko na si mommy na hindi na ako magpasundo kay mang Erneng. Mag ta-tricycle nalang ako. Dahil bibili pa ako ng mga ingredients para sa laboratory namin. Paniguradong matagalan ako. ayaw ko namang pahintayin si mang Erneng. Kawawa naman. Alibi ko. Ang totoo ay sa kodak ang punta ko para ipa develop iyong pikyur namin tapos bibili na'rin ako ng Frame.

Next next week pa naman iyong lab namin.

I'm a great liar.....

"Boyfriend mo miss?"

Hindi ko maiwasan ang 'di mapangisi "Ayy..hindi po. Kaibigan lang po."

"Talaga ba? parang di kasi."-sa makahulugang boses. Na para bang nag i-insist si kuya na boyfriend ko iyon.

Kung iyan man ang pananaw mo kuya. Sana ay magkatotoo yan balang araw.

Baka san pa 'to mapadpad kaya iniba ko na ang usapan.

"Kuya, magkano po ang bayad?"

"15 lang, basta ikaw miss."

Dahan-dahan akong tumango at kumuha na ng 1k sa pitaka "keep the change."-I smiled.

His almond eyes widen "talaga miss, sumobra na'to a. Quense lang naman ang hinihingi ko."

"Kaya nga, keep the change"-Ngiti kong sabi "Sige nah..sayo na yan kuya. Alis na ako"

Pumunta na'rin ako sa hypermart para bumili ng frame.

Pagkauwi ay dumiretso na ako sa kwarto. Umupo na ako sa kama. Nilabas ko na iyong pikyur at dahan-dahan kong nilagay sa frame. Napangisi ako habang tinitigan ito. It's just so perfect. Marahan ko itong hinawakan. Ang ganda namin, dito tingnan. Pagkatapos, ay lumabas na ako para mamimintas ng mga bulaklak. Ilagay ko ang mga iyon sa flower vase at itatabi ko sa may frame.

"You know what my. Si Dawson po iyong nanalo sa pageant kahapon"-masaya kong kwento kay mommy Letizha habang kumakain kami ng dinner.

Madalas ko ng kinwento si Dawson kay Mommy. Matagal  niya ng alam na may gusto ako kay Dawson. Si dad lang talaga ang hindi pa nakakaalam. Wala pa kasi akong lakas para magsabi kay dad. 

Grateful nga ako dahil di ako pinagbabawalan. Kung sino man iyong magugustuhan ko. Di naman kasi, binabasi sa status.

"Talaga ba anak. Matalino kasi ang papa ng batang yun. Magkaklase kami simula grade school to high school. He's always on the top list."-Sayang at hindi nakapagtapos sa pag-aaral. Malungkot na sabi ni mom.

Napahinto ako sa pagsubo "Talaga my. Ba't po napahinto."

"You seem to be interested with the topic,huh?"

Mom chuckled softly...

"High school  palang si Austien ng namatay ang mga magulang niya. Galing fiesta tapos nagmamaneho kahit lasing. Sakay yung mama niya. Not knowing na may aksidenting mangyayari. Dead on arrival. Ang saya pa ni Austien nang nalaman niyang perfect siya sa bio at chem. Pero sa isang iglap napawi lahat nang may naghatid ng balita, sa paaralan na wala na raw yung mga magulang niya"-kwento ni mom, sa paos na boses.

"Kaya napili nyang huminto nalang sa pag-aaral at mag trabaho nalang"

Nagbabara sa lalamunan ko ang aking kinakain. Di ko na iyon manguya nang marinig ko iyon. Really? Kawawa naman iyong papa ni Dawson.

Chasing the Starsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें