Kabanata 19

130 4 0
                                    

Warning: Unedited

Malagsa Falls

Nagpumilit si Dawson na ihatid ako sa amin. Kahit gusto ng kalooban ko ang ganung offer. But still, I refused. Alam ko kasing marami pa syang gagawin, ayokong makaabala pa.

Kagat labi kong tinignan ang sarili sa salamin. I'm  petite. Pangarap ng karamihan ang katawan ko. Ngunit di parin ako marunong ma kontento. I want the perfect body. Body like an hourglass. Iyon ang gusto ko. Yun nga lang tamad akong mag ehersisyo. Mas gustuhin ko ang pumunta kina Dawson kaysa, pumunta sa gym. Ang paglalakad ay matawag ring ehersisyo. So no need. Iyon nalang ang gagawin ko.

Sa susunod na buwan balik eskwela na naman. Nasa huling baitang na ni Dawson sa kolehiyo, marami na syang responsibilities at proyekto na kailangang tapusin. Sa panahong yun pa minsan nalang ang aming pagkikita. Kadalasan kapag weekends, at kung pareho kaming may vacant time.

Nung pangatlong punta ko sa kanila ay yung kinuha ko ang naiwan kong damit. Abot langit ang hiya ko nung  malaman kong nilabhan niya pala ito. Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa nang makita ko ang panloob ko na nakasampay sa labas ng kanilang bahay.

"Ba't mo toh nilabhan?"–napasapo ako sa aking ulo at napapikit ng mariin.

Seryoso niya akong tinignan, "Bakit? May mali ba sa ginagawa ko?"–he pursed his lips bago magsalita ulit, "It's too late to have that kind of reaction. Nagawa ko na. So don't be shy"–he smirked while poking my forehead.

Pati ba sa ganitong bagay parang wala lang sa kanya. Sinipat ko siya ng tingin at dali-dali kong kinuha ang underwear at nilagay sa bag. Kinuha ko na'rin ang damit ko at nilagay na doon. Pagkatapos ay napayuko ako.

He chuckled, "I said, don't be shy. Wala iyong malisya sa akin. I'm just doing what is right. Ayoko namang hayaan iyon sa banyo hanggang sa maamoy kulob. Don't worry, your underwear is clean."–halos pabulong ang kanyang pagkasabi sa panghuling pangungusap.

Shock plastered on my face. This is so fucking embarrassing. Kasalanan ko naman kung ba't nakalimutan ko 'yon dalhin. Sana ay di'ko kinalimutan. When he noticed my embarrassment, dali-dali niya akong nilapitan at hinawakan ang aking panga upang maigaya sa kanyang mga mata.

"Kalimutan mo na yun. Halika't pasok tayo sa loob. Nagprito si tatay ng saging."

Pagkapasok namin sa loob ay agad kong naamoy ang pritong saging sa kanilang kusina. Nagugutom tuloy ako. Dinaluhan ko kaagad ang kanyang tatay para tulungan sa ginagawa.

Matakaw ako pagdating sa ganitong meryenda.Panay ang kain ko. Hindi naman nakakahiyang kumuha sa harapan ng mag ama kaya panay ang kuha ko at subo. Pagkauwi ko'y halos di'ko na mahawakan ang tyan ko sa sakit. Nasobrahan yata ako ng kain.

Dumalas ang aking pagpunta kina Dawson. Naging malapit na'rin kami sa isa't-isa. Grateful ako sa mga pinaggagawa ko. Hindi ko  pinagsisihan ang madalas na pagpunta ko sa kanilang bahay o sa site. Dahil para sa akin ang mapabilang sa kanyang friend lists ay isang napakalaking achievement sa buhay ko. Noon paman, pinangarap ko ng mapalapit sa kanya.

Dawson with his sweet smiles, especially when he throws some jokes that make you laugh. Hindi mo akalain na may parte pala siyang ganoon. Kilalang-kilala siya sa paaralan, baryo na strikto, at palaging seryoso. Naniniwala naman ako, iyon naman kasi ang palagi nyang ipinapakita.

I'm wearing a white dress. Sa ilalim neto ay isang black fixed tie side brazilian bikini. Nakaharap ako sa salamin habang inaayos ito. Gusto ko sanang maglagay ng konting make-up, naalala ko na sa falls pala ang punta namin ni Dawson, useless lang kung maglalagay ako. Iniisip ko palang ang aming pupuntahan na e-excite na ako.

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now