Kabanata 12

128 4 0
                                    

Warning: Unedited

I realized

Tulala ako habang nakatingin sa ceiling ng aking kwarto bakas parin sa aking alaala ang mga pangyayari kahapon. Isang buntong hininga ang aking pinakawalan ng maramdaman ko ang paninikip ng aking dibdib.

ginala ko ang aking mga mata sa mga bulaklak na nakalantad sa mumunting kong table. Bumuhos ang mga luha ko sa mga mata at hindi ko na iyon napigilan. Ang iyakin ko naman pagdating sa ganitong mga pangyayari

Ralph Allen got me flowers and chocolates. I never received flowers ever and it was the most thoughtful, beautiful thing I've ever had happen to me. Ang saya ko sa mga panahong iyon. I thought men gave you flowers, to showcase their love for you. Pero nagkakamali ako, hindi pala lahat. Kung talagang minahal niya ako ba't nagawa niya iyon sa akin. He didn't respect me as her girlfriend.

Chi-neck ko ang selpon ko kung may mensahe ba galing kay Ralph. Napasinghap ako nang makita kong, wala. He got so pissed. Napipikon siya dahil sa hindi ko pag payag sa gusto nyang mangyari. I know boys  iyon ang patama nila pag gustong-gusto na nila. Ayaw kong mag-away kami nang dahil lang dun. Dali-dali akong nagtipa ng mensahe sa kanya. Pumikit muna ako, nakahilig sa headboard habang nag-aantay sa kanyang reply. Mag alas dose ey medya nalang ay wala parin akong natanggap. Ganoon ba talaga kalalim ang galit niya sa akin.

Halo-halo natong laman ng isipan ko. Nagkaroon kami ng problema kay Ralp Allen at hindi ko alam kung paano susuyuin. And at the same time lumilipad rin ang isipan ko kay Dawson. Di'ko alam kung nag fli-flirt ba siya o talagang concern lang dahilan kung ba't ganoon ang naging trato niya sa'kin kanina. E sino ba naman ang hindi maging concern sayo kung iyon ang madadatnan niya sa'kin.

Nang mag merkules ay maaga akong nagising. Che-neck ko kaagad ang selpon, kung may reply ba galing kay Ralph. Napanguso ako nang makita kong wala. Nagtipa ulit ako at ganoon parin hindi ako ni re-replayan. Nasaan na ba yung sinasabi niya na ngayon kami mag-uusap. Ey mismong  chat, di magawang mag reply.

And in the next day, nagyaya na naman ang tatlo na mag talayong falls. Sinama pa nga ni Feliz at Vanilla ang mga shupapi nila. Palaging nakadikit si Feliz kay Conrad at kung saan-saan nalang naghahalikan. Ang clingy nga e. Si Vanilla na normal lang nakipag kwentuhan sa boyfriend.

"Wala naman sa usapan na magsama ng jowa"-ani Michael sa malamig  na boses.

Bahagya akong napatingin sa kanya. "Ba't di mo sinama si, Patrick?"

Werdo niya akong tinignan na para bang nandidiri  "Don't mention his name, Yesh"

Nanliit ang mga mata ko sa kanyang naging sagot. Ba't naman. Baka may tampuhan.

Tumango ako at nagsimula ng lumangoy. Sumisid ako ng pangatlong beses bago kumalas. Nadatnan ko si Michael na madilim na nakatingin kay Vanilla at Dwen na ngayo'y naghahalikan na sa may tipolo. Nang mapansin niya ako ay agad nyang pinakawalan iyon. Lumangoy siya at umahon sa harapan ko.

"What about you, Yesh. Ba't hindi sinama ang boyfriend?"-sa makahulugang boses.

I sighed, bago iyon sinagot "Were not okay"

Nag-iba ang expresyon ng kanyang mukha nang marinig niya iyon.

Bago pa makasagot si Michael ay iniba ko na ang usapan. Dahil alam ko kung saan to papatungo. At ayaw kong malaman niya ang tunay na dahilan.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. I do household chores. Palagi nga akong pinapagalitan ni Ante Natasha sa tuwing tutulong ako sa gawaing bahay. Sermon siya ng sermon hindi ko naman pinapakinggan kaya sa huli ako parin ang nanaig.

Minsan naman ay nagbabasa ako ng nobela. Kung tatanungin niyo kung anong genre ang gusto ko. Well sasagutin ko iyan. I love romance. Pagkatapos kong magbasa ay bumaba na ako para tingnan sa lamesa kung may lanzones pa bang natira. Nang makita kong, ubos na ay dumeritso na ako sa kusina at kumain na lang ng bread. Matatamis kasi ang mga iyon kaya di ako nagtataka kong ba't naubos agad.

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now