Kabanata 14

142 3 0
                                    

Warning: Unedited

Kaarawan

"lansones is your favorite fruit, Isaiah. Simula nung mag 4 years old ka. Naalala ko pa ang mga panahon na bumili ako sa market nyan. Tapos wala pang tatlong  araw ubos agad. Pinapagalitan pa nga ako ni mama mo dahil ba't hinayaan kitang kumain ng marami. Dahil di raw mabuti yan pag madamihan ang bata sa pagkain. Kasi matagal daw yan ma digest sa tyan."

Seryosong kwento ni dad. Sapnay ko ang isang Tupperware ng lansones dito sa aming balconahe. Panay ang aking subo habang tinanaw ang dalampasigan sa malayo. Bata pa ako nun kaya di'ko naalala na ganoon pala ako katakaw pagdating sa ganitong prutas. Napangisi ako sa naging kwento ni dad sa akin.

"Talaga, ba dad?"

Dad smiled,"Yup"

Nagpatuloy ako sa pagbalat. Napangisi ako sa naalala. Ang bait ni Dawson talagang naglaan siya ng dalawang basket para sa amin. Kahapon sa kusina bigla lang syang nawala akala ko pinuntahan ang girlfriend. San kaya siya galing sa mga oras kong ganoon. Sa ilalim ng punong kahoy, nagkaroon kami ng manormalang pag-uusap. Ang gentleman niya. Hindi lang ako makapaniwala na iyong lalaking palaging cold sa akin, biglang nag iba.  Pero baka ganoon lang siya sa akin dahil anak ako ni Clarkson Millarez.

"That gown looks good on you"-papuri ko kay Vanilla habang sinukat niya ang kulay dilaw na gown. Plain lang iyon pero ang gandang tingnan pag itoy suotin. Di naman nakakapagtaka, Vanilla is sexy and fit parang modelo ng victoria secret. Kaya kahit anong suotin babagay talaga.

Andito pala kami sa walk in closet ng mga Lomoljo. Nagsusukat si Vanilla  ng gown para sa kanyang  19th birthday, ngayong papalapit na sabado. Di kasi siya nakapag debut last year sa 18th birthday niya dahil timing rin na, na diagnosed ang kanyang dad sa sakit na diabetes. Malaki ang gastusin, at wala naring panahon para sa mga ganoong celebrasyon. Kaya  napag-usapan ng kanyang mga magulang na sa kanyang  19th birthday na lang mag celebrate.

Seryoso kong tiningnan si Vanilla habang ibinalik ang gown  sa walk in closet. Vanilla sighed at umupo na sa tabi ko.

"Sa tingin mo.. papayag ba si Michael na maging last dance ko?"-Aniya sa malamig na boses.

Bahagya akong napatawa sa katanungan ni Vanilla. Ba't naman hindi.

"Why not, Vanilla?"

Tumikhim siya at humarap sa akin. "Parang hindi e..."-paos nyang sabi.

"Is that a joke? Magkaibigan kayo, talagang papayag yan."

"He's a gay. Paniguradong mandidiri yan. Marami na akong napanood sa palabas, may nasaksihan rin ako sa totoong buhay. Nah..nandidiri yung bakla habang kasayaw niya iyong babae"

"Vanilla wag mong ihalintulad si Michael sa kanila. He's different at paniguradong hindi niya iyon magagawa sayo  at saka magkaibigan kayo. Espesyal yan, tapos mag refuse pa.

"Sa bagay..."-Aniya

"Teka lang.. kung si Michael ang last dance mo? What about your boyfriend?"

"First dance..."-direkta nyang sagot.

Kabaliktaran yata yun dapat si Dwen ang last dance niya. Tapos si Michael ang first dance, or second dance.

"Mas prefer ko na si Dwen ang last tapos si Michael naman ang First. After all..He's your boyfriend kaya–"

"It's just the same..."-putol niya sakin.

Is just the same? Sa bagay, she has a point pero mas maganda kasi kung si Dwen sana ang maging last dance niya. But anyway it's her decision, kaya di'na ako mangungulit pa.

Chasing the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon