Kabanata 8

145 4 0
                                    

Warning: Unedited

Im sorry

Dalawang linggo na ang nakalipas  simula nung niyaya ni Dad si Dawson at ang tatay niya na sa amin maghapunan. Hanggang ngayon ay hindi parin ako naka move on sa nagawa ko. Nahihiya parin talaga ako. Sa tuwing isasama ni Dad ang mag ama ay hindi na ako nagpapakita. Nakakulong lang ako sa loob ng kwarto ko. Until my mom and dad noticed it, kahit ano nalang alibi ko para di nila ako mahuli na iniiwasan ko si Dawson.

Dahan-dahan kong binuksan ang glass window at dumungaw na doon. Nakita ko si Dawson at si dad sa labas na nag-uusap. Siya lang ba mag-isang pumunta dito akala ko kasama iyong tatay niya. Naliwanagan ang mukha niya sa  katapat nitong poste seryoso itong nakikinig kay dad. Malinaw sa mga mata ko ang damit at paa niyang naliliguan ng pulbo-pulbong semento. Ang kanyang buhok ay basang-basa ng pawis kahit ganoon ay gwapo parin. Napasinghap ako sa aking nakikita. Ningitian niya si dad at  nagpaalam na. Tumalikod na ito at deritso ang paglalakad. Bumibigat ang  damdamin ko sa nakikita. Hindi ba nag offer si dad na ihatid si Dawson. Talagang maglalakad lang siya pauwi. Malayo pa naman ang nonoc at syaka gabi na ngayon. Dali-dali akong lumabas sa kwarto at pinuntahan si Dad sa sala.

Seryoso akong pinagmasdan ni Dad habang naglalakad ako papunta sa kanya.

"Dad... hindi ka ba nag o-offer na ihatid iyong tauhan mo"-paos kong tanong.

He paused bago niya ako sinagot "Si Yongyong, ba ang tinutukoy mo anak?"

Napa-iglip ako sa sinabi ni dad. Yongyong pala iyong palayaw kay Dawson. Hindi ko alam kung alam ba ni dad ang totoong pangalan neto.

"Yongyong"-halos pabulong kong sabi.

Ngumisi ito habang tinitignan ako "Oo anak ,Yongyong pangalan nun. Iyong anak ni Austien. Alam mo bang siya yung pinaka masipag sa lahat ng mga tauhan ko"-pagarbong sabi ni dad.

I sighed "dad..iba yung tinatanong ko"

Iniba ang channel ng kanyang pinanood bago humarap sa akin "I offered him nak but he refused"

"Still he refused? I remembered the night when I offered him a ride but then.. he refused.

"He refused, dahil may susundo raw sa kanya"

May sundo? Nagtataka ako kung sino man iyong sundo niya. Is it his father or it's Andrea. Napa-iling ako sa naiisip ko.

"By the way dad nasaan iyong tatay niya? bat di sumama?"

"Absent, anak, mataas ang lagnat. Nagmamadali na'rin si Yongyong dahil mag-isa lang yung tatay niya at walang nagbabantay"

Napasinghap ako sa narinig ko "what about his Mother hindi ba bina-" he cut me off.

"Yesha, anak, matagal ng patay yung nanay ni Yongyong"

"Talaga? Nakakaawa naman"

Nakakunot noo si dad habang nakatitig sa akin, "Teka, anak, why did you ask?"-nag ngising aso ito. Ano na naman ba tong iniisip ni dad. Baka anu-ano na naman ang sasabihin nito kaya inunahan ko na.

"Dad, wala akong intensyon. Masama bang magtanong "-deritso kong sabi at naglalakad na papunta sa kwarto"

Nang makapasok na ay agad kong binagsak ang aking katawan sa malalambot kong kama. I sighed bago dinilat ang mga mata. Nagmamadali si Dawson dahil walang nagbabantay sa tatay niya, so ibig sabihin ba na... si Andrea nga ang susundo sa kanya. May sasakyan iyon kaya paniguradong totoo tong hinala ko. Nagtataka ako kung may pa goodbye kiss ba silang dalawa bago magpaalam sa isa't-isa. Napapikit ako sa naiisip ko.

Tumayo ako at kinuha ang selpon sa maliliit kong table. Sakto at kaka-text lang ni Ralph Allen.

Ralp Allen:

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now