Kabanata 5

137 4 0
                                    

Warning: Unedited

Boyfriend

I entertain all my suitors wala akong pinalagpas ni isa. Ang dami nila pero kay Ralph Allen lang pala ang bagsak ko. Hindi ko siya tipo noon pero ngayon ay unti-unti na akong nahulog sa kanya. Una ko syang sinagot sa selpon. Last week, Monday niligawan niya ulit ako sa personal. Pumunta kami sa salagdoong beach at iyon...

Pansin ko sa mga mata ni Ralph Allen kung gaano siya kasaya at ka sincere sa akin. Agaran niya akong binuhat sabay sigaw ng YES pagkatapos ay hinalikan niya ako sa mga labi. Soft and very passionate. Iyong normal lang at walang halong dila. Siya ang kaunahan kong jowa, but not my first kiss. Nakuha ang una kong halik sa isang stranger at pangalawa kay Nicholas. Anyways si Ralph Allen na ang boyfriend ko. Simula ngayon siya lang ang may permisyong humalik sa akin.

Hindi makapaniwala sila Feliz, Vanilla, at Michael ng kinwento ko sa kanila ang namamagitan samin ni Ralph.

"Really? You're not joking right?"-ani Feliz.

"Yah I'm not"

"Mabuti kung ganoon. Totoo talaga iyong kasabihan na the more you hate, the more you love"

"I can't believe it! for how many years si Dawson ang bukang bibig mo. You are literally crazy for that guy–"

"Move on na ako"

"At totoo bang naka move on kana?"-ani Michael sa makahulugang boses.

"Yes"-ningitaan ko si Michael para ma prove niya na, naka move on na ako

Pero sa totoo lang hindi pa literal. May konti pang natira sa kalooban ko. Si Dawson lang ang nag-iisang lalaking hinahangaan ko simula   elementarya. Kaya mahirap kalimutan. It takes a year, bago ko pa iyon tuluyang makalimutan. Pero sinikap ko ang sarili na hindi aabot sa ganoon.

Nandito ako ngayon sa CAS Lounge nag-aantay kay Ralp Allen. Uwian na at siya ang taga hatid sa akin pauwi. Gusto niya na sa hm lounge lang ako mag-aantay o sa gym para di na raw ako mahirapan. Ngunit nag i-insist ako mas gustuhin ko dito.

"Diba iyon ang girlfriend ni Ralp Allen? Ang ganda naman"-bulong ng Isang babae sa kanyang katabi.

Nagkukunwari kuno ako na hindi ko narinig. Pero sa kalooban ko kinikilig ako sa papuna nila.

"Ang ganda nga. Girl bagay na bagay sila as in"-sabi ng babaeng naka ponytail ang buhok. Pareho silang naka uniporme ng bio. Baka kaklase ni Dawson sa ibang sub o mga ka senior niya.

Pumuslit muna ako sa'king selpon habang nag-aantay kay Ralp Allen. Busy ako sa kaka scroll ng may biglang umakbay sa'kin.

Ang masayang mukha ni Ralph Allen ang bumalandra sa akin, "Good afternoon! love! kanina ka lang ba nag-aantay sa'kin dito?"-Aniya sabay halik sa'king pisngi.

May mga estudyanteng nakatingin sa amin sabay bulong sa katabi.

"Hindi. Bago pa ako dito"

"Are you sure?"-at hinalikan ako sa noo.

"Oo. Ang clingy mo. Tara na nga at marami pang makakita sa'tin dito"-umayos na ako sa pagkatayo.

He smirk at pinagsiklop ang aming mga daliri habang naglalakad sa hallway.

"Saan tayo dadaan love? Gate 1 o sa Gate 3?"

"Sa Gate 3 tayo love. Andun naka park yung kotse ko"

Sa gilid ng hallway ay maraming nakatingin sa'min. Mga gropo iyon ng accountancy at bsba. Hindi ko alam kong andun ba ang gropo nilang Dawson.

Nagpatuloy kami sa paglalakad habang magka interwined ang mga kamay namin.

"Don't forget to wear your seatbelt love"

Chasing the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon