Kabanata 11

151 4 7
                                    

Warning: Unedited

Vacation

May, 1st week deadline ng aming research. Tapos na kaming pumasa. Magkasabay kaming naglalakad  ni Katya palabas ng campus. Seryoso akong naglalakad nang biglang may sinasabi siya sa akin.

"Alam mo ba, Yesh. Maganda si Andrea pero sa tingin koy di sila bagay ni Dawson"-Ani Katya, naglalamang sa kanyang boses kung gaano nya ka hate si Andrea.

Nagkibit balikat ako nang marinig ko iyon kay Katya. Saan bang banda ang hindi bagay. Pareho naman silang achievers, may kagandahan. Epal talaga tong babaeng to at alam ko kung bakit.

"Bakit, naman. Gusto mong ikaw ang jowain no?"-Pabiro kong sabi.

Napasinghap siya at pinaikot ng dalawang beses ang kanyang mga mata "Aaminin ko patay na patay ako kay Dawson. Pero hindi ko naman ininda na maging akin siya. Dahil, una sa lahat alam kung wala kaming label"-aniya sa seryosong boses.

"Alam mo ba kung ba't nasabi ko iyon. Dahil ang bait lang ni Dawson. Wala silang label sa ingratang yun. Mas deserve, niya ang mabait"-at bahagya syang lumingon sa akin "katulad mo"
-she smiled, and pointed my nose. "May dalawang lunal ka pala sa ilong, Yesh. Mas lalo kang gumanda nyan"-namamanghang sabi niya. At bahagya nyang pinisil  ang aking ilong.

Mabait? Kailan ba naging mabait si Dawson.

Na e-speechless ako sa mga sinasabi ni Katya.

"Bye, Yesh"-she wave her hand bago pumasok sa kotse.

Napahawak ako sa aking ilong shit ang sakit. Hanggang sa pag-uwi ay nag re-replay parin sa isipan ko iyong mga sinasabi ni Katya. Mas bagay raw kami ni Dawson, is she joking. Napangisi ako habang naiisip iyon. Agad ko namang tinikom nang matauhan ako. Humarap ako sa salamin at dahan-dahang hinawakan ang dalawang lunal ng aking ilong. Is this attractive. Naalala ko yung pagkatapos naming maghalikan ni Dawson. Hinawakan niya ang mga ito and it feels nice.

Nang mag 3rd week ng May ay finals na namin. Bago pa mag exam ay marami kaming ginawang proyekto, may pinapagawang advertisement, activities, film showing, at laboratory. Di na ako nagpahatid ni Ralp Allen dahil, naging busy narin siya. Ayokong magpabigat sa kanya Lalo na't paparating na ang finals. Nagpapasundo nalang ako kay Mang Erneng. Maaga akong umuwi sa bahay para makapag review. Sumasakit na ang ulo ko sa kakapuyat. Pero di'ko na ininda ang sakit. Bahala na toh ang importante ay makapasa sa finals.

Speaking of Dawson, last ko syang nakita sa gym, pagkatapos nun ay wala na. Hindi na'rin sya pumunta sa amin. Di na'rin ako nagtatanong kay dad. Baka busy sa pag re-review. Malapit na kasi ang finals. Studios yun paniguradong inilaan ang oras nun sa pag re-review.

Naging thankful ako dahil napasa ko lahat ng sub. Masaya akong umuwi para ibalita iyon nila mom, dad, Ante, at syaka ni mang Erneng.

Nang mag summer ay nagyaya si mommy at daddy na magtravel kami sa palawan. Dalawang linggo iyon, kaya ayokong sumama. Mas gustuhin ko pa ang mag talayong falls nalang kaysa magtravel. Nabasa nilang mom at dad kong ano ang nasa isipan ko. Ginawa nilang isang linggo ang pagbabakasyon doon. Kaya pumayag ako at nag impake na ng mga dapat dalhin.

Inayos ko ang kulay black na bathing suit at umupo na sa sun lounger para maglagay ng sun screen. Mariin akong napapikit ng matamaan ako sa sinag ng araw. Ang hapdi ng balat ko. Nagkaroon kasi ako ng sunburned. Nag island hopping kasi kami kahapon.

Napagala ang mga mata ko kina mom at dad na ngayo'y masayang naliligo. Nilagay ko ang sunscreen sa pouch at dumalo na doon. Kahit nagkasunburn, ay ang sarap paring maligo. Ang linaw kasi ng dagat.

Hinaplos ko ang malinaw na dagat. Nakikita ko ang mga isda na naglalanguyan doon. Sinubukan kong sikupin pero ayaw magpahuli.

"Gayahin mo ako nak"-natatawang sabi ni dad habang nag flo- floating sa dagat.

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now