Kabanata 21

100 3 0
                                    


Warning: Unedited

I don't have one

Really, she ruined everything last night. Deserve niya ang matapunan ng chocolate cake. Pabida kasi, e wala naman akong ginagawang masama sa kanya. 'Yan tuloy natapunan.

Nakatingin ako sa Ceiling ng kwarto ko habang pilit kong inaalala ang mga sinasabi ni Andrea kagabi. Tungkol kay Ralph Allen.Gusto niya palang mambabae e sana nakipag break nalang siya sa'kin. Nag ca-call off kami. Hindi 'yon sapat na dahilan para lokohin niya ako ng patago. Ayokong umabot 'to sa malalang sitwasyon. Agad kong kinuha ang selpon ko sa kama. I need to do this.

Me :

I don't want to beat around the bush. Nakita ka ng kaibigan ko last week sa mix. Kahalikan mo raw si Antonia. At sinabi ni Andrea kagabi na kayo na raw. Call off pa ba ang tawag sa atin? o pinaglalaruan mo lang ako. Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang nangyari sayo. Hindi ko lang kayang ibigay ang gusto mong mangyari satin nagkaganyan ka na agad. Text ng text ako sayo di ka naman nag rereply. Di mo man lang ako naiisip sa panahong iyon. Sabi mo pag-uusapan natin kinaumagahan pero di ka naman sumipot. At ngayon malalaman kong may iba ka na. Gusto ko lang linawin. I want to make things clear. Makipaghiwalay na ako sayo, Ralph.

Tinignan ko ulit ang mensahe at napa-buntong hininga. Wala akong reply na natanggap.

Ano kaya ang maging reaksyon ng mga magulang ko kapag malaman nila na hiwalay na kami ni Raph Allen. Lalo na si mommy. Alam kung magagalit 'yun sa akin.

Pinaglalaruan ko ang bino sa loob ng wine glass. Kanina lang ako nakatitig dito, ang hirap lunukin. Kumikinang ito ng matamaan ng sinag ng araw. Umiling ako at nilagay ko ito sa lamesa. Ayokong uminom ngayon.

Mariin akong sinulyapan ni Vanilla

"Aysus kung di ako sinabihan ni Feliz, Isaiah. Hindi ko malalaman ang tungkol sa inyo ni Ralph Allen"

"Why do you have to keep it a secret? We all know that it shouldn't be."-Aniya sa galit na boses.

"Walang hiya! Ang bababoy niya. Nasuntok ko na sana yun. Sayang at ngayon ko lang nalaman."-walang tigil na mura ni Vanilla. Alam niya na kasi ang punot dulo kung ba't humantong kami sa ganitong sitwasyon.

"Virginity is a treasure. Inaalagaan mo yan. Hindi yan basta-bastang makuha"-huminto siya sa pagsasalita at naglagay ng bino sa baso. Three shots at naubos agad.

Naglagay rin si Feliz sa baso at binigay kay Michael na kaaahon lang galing dagat.

"Stop being problematic. We're here to enjoy"-ani Michael sabay lahad ng inumin na agad ko rin namang inilingan, "Oh c'mon just one shot and no more."-he chuckled.

Napanguso ako bago tinanggap ito. Pagkatapos ay pumunta ako sa sun lounger para mahiga. Iginala ko ang mga mata ko sa mga turistang masayang naliligo. Talagang nag eenjoy sila. Kagat labi kong nilingon ang tatlo na nag-iinuman. Nagtaas ng baso si Feliz sa'kin. Umiling ako at muli kong tinanaw ang mga taong naliligo. Gusto ko rin maligo. I already wear a bikini. Binuksan ko ang pouch ko at kinuha na roon ang sunscreen. Masinsinan ko itong nilagay sa makinis kong balat.

Tumayo ako at nilingon ulit ang tatlo, "Hey! Let's swim."-masuyo nila akong tinitigan. Si Feliz lang gustong sumama sa akin. Sina Michael at Vanilla ay nanatili lang nakaupo sa cottage.

Hindi na ako mahihiya neto dahil marunong na akong lumangoy.

Nagising na lang ako sa malakas na katok ng kwarto ko. Nakapikit at walang ganang bumangon para tignan kung sino ang nasa labas. Kalahati pa lang ang nabuksan pero alam ko na kung sino. Nakahilig si daddy sa tapat ng kwarto ko.

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now