Kabanata 15

141 3 0
                                    

Warning: Unedited

Nakakapikon

Nagising ako sa masamang panaginip. Hagulhol ng isang babae ang aking napanaginipan. Di'ko alam kung sino iyon. Hindi ko kasi masyadong naaninag ang kanyang imahe. But then, I remember ka boses niya ako. Kaya hanggang ngayon naghuhumarentido parin ang puso ko. But it's just an imagination, nothing more. Ang panaginip ay likha lang ng ating isipan, kadalasang nangyayari ito kapag nagkakaroon tayo ng mahimbing na tulog. Dreams aren't real.

Humikab ako bago bumaba sa kama. Di naman masyadong masakit ang aking ulo dahil wine lang ang ininom ko kagabi. Maraming alcoholic drinks gusto ko ngang uminom, but I remembered what my mom told me "Alcohol is not good for your health, kaya wag mong gawing bitamina"–palagi itong nag re-replay sa isipan ko whenever I saw hundreds of drinks. Minsan pasaway ako, pero kahit paano marunong naman akong sumunod.

Pagkatapos humarap sa salamin, ay dumeritso na ako sa banyo para makaligo. Gustuhin ko mang magsuot ng maiikling damit. Pero itong si mommy binabantaan na naman ako. Kailangan ko daw magsuot ng pormal dahil pupunta ang mga tauhan ni dad samin mamaya. Kaya heto na naman ako with my t-shirt and pants. Marahan kong sinuklay ang mala charcoal kong buhok. Humarap na ako sa tukador para mag-ayos.

Nakaharap ako ngayon sa glass window ng aking kwarto. Hinay-hinay kong hinawi ang puting kurtina na nakasabit at dumungaw na doon. Nakita ko si dad kasama ang kanyang mga tauhan. Nagtagal ang aking mga tingin kay Dawson. Nakaupo sila sa kulay puting  upuan. Nag-uusap at panay na rin ang tawanan. Bumaba na ako at dumeritso na sa kusina para  tulungan si ante Natasha sa paghanda ng meryenda. Mukhang handa na ang lahat. Juice na lang ang kulang kaya iyon na ang aking pinagkakaabalahan.Nginitian ako ni mommy na kasulukayang nakaupo sa sofa nanunuod ng paborito nyang palabas.  Inayos ko ang sarili ko bago kinuha ang juice sa lamesa.

Tahimik akong nakasunod kay Ante Natasha palabas. Napahinto sila sa pag-uusap nang makita nilang papalapit na kami. Lagkit akong tinitigan ng mga trabahador. Hindi ko na nilingon si Dawson, dahil alam ko naman na di siya nakatingin sa akin. Dahan-dahan kong nilapag ang juice sa bilog na lamesa, nilapag na'rin ni ante ang burger.

Tahimik lang akong nakatayo sa gilid ni dad. Kundi ako pinakilala ni dad sa mga tauhan niya ay hindi rin ako mananatili.

"By the way Bicoy, Amer, Bernales, at Francisco. This is my one and only daughter, her name is Isaiah Yesha. Nasa bible ang first name netong anak namin ni Letizha. Pero napakalasinggera neto"-halakhak ni daddy.

Napawi ang mga ngiti ko sa sinabi ni dad. Literally, lasinggera ako. Pero ang aking pagkalasinggera ay nilagay ko naman sa tamang lugar. I'm not the type of person na kung makainom ay magdabog agad. I'm not like that. And also di na ako masyadong uminom dahil binantaan na ako ni mama Letizha.

Mas lalong naghalakhakan ang mga trabahador. Si Dawson lang ang hindi sumali. Seryoso syang nakaupo habang madilim akong tinitigan. Hindi ko kayang manatili dito. Ako nalang mag-isang nakatayo dito dahil si ante Natasha ay nauna ng pumasok sa loob.

Anong nakakatawa dun, wala namang nakakatawa.

"Talaga ba? Sir? ang batang-bata pa ng  anak niyo sir para uminom"-pinasadahan ako ng tingin mula paa hanggang ulo sa tauhan ni dad na nag ngangalang Amer. With his look I think mag ka edad lang sila ni Yongyong.

Mas lalo akong napahalukipkip.

"Ang ganda pala ng anak niyo sir daig pa ang artista"-puna ni Francisco sa akin sabay ngisi.

"Pwede naman ang uminom but with limitation. Mas lalong gumanda ang isang babae pag walang bisyo"-Ani Amer na ngayo'y nagsalin ng juice sa baso.

Tumango naman iyong nag ngangalang Bicoy, at Bernales sa sinabi ni Amer.

Chasing the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon