Kabanata 24

97 2 0
                                    

Warning: Unedited

Girlfriend

"Himala! Maagang dumating! Inspired ba?-sa banayad na boses, "Mag chika ka naman dyan oh...Kumusta nga pala yung date mo kahapon? Ayos ba?"-sunod sunod nitong tanong e wala nga akong sinasabi. Wala akong kinumpirma. Kinakati talaga tong babaeng 'to.

Nagngising aso itong tumabi sa akin. Halatang nag-aantay sa isasagot ko. Kunot noo ko syang binalingan

"Ano bang pinagsasabi mo dyan. May pinuntahan lang naman ako kahapon."-sinikap kong hindi mapangisi.

"Duh..Yesha hindi ako naniniwala sayo."

Kung sasabihin ko sa kanya ang totoo na si Dawson ang kinita ko kahapon. Ano kaya ang maging reaksyon ni Vanilla. Iyon kasi ang inaalala ko. Pero ba't ko naman itatago e hindi naman totoong may girlfriend si Dawson. Wala akong dapat ikakatakot.

Hapsay kong iginala ang mga mata ko sa loob ng silid-aralan. Kaming dalawa pa lang ni Vanilla ang nandito. Hindi pa dumating 'yong mga kaklase namin maging ang dalawang kaibigan namin.

"Ahm..Kumain kami sa labas ni Dawson kahapon."-paos kong sabi.

Nanlaki ang kanyang mga matang nakatingin sa akin. "Oh my gosh! Oh my gosh!"-napatayo ito sa inuupuan sabay yugyog sa akin."Paano nangyari Yesha? 'Di ba di kayo close? Tapos..Iniwasan mo naman talaga yun? Paano nangyari?"

Nagtaas siya ng isang kilay.

"Anyway, wag mo nang sagutin mga katanungan ko."

"Kaya pala 'di ka sumama sa amin kagabi. Dahil nakipagdate ka pala sa isang Villafranca."-aniya sa makahulugang boses.

"Kumain lang naman kami sa labas Vanilla. It's not a da-."

"Hmm..Hindi raw..Hindi raw."-she said playfully.

"Diba girlfriend niya yung magandang achiever din. Si Andrea?"

"Hindi daw. Hindi daw siya nanligaw nun."-paos kong sabi.

Pabagsak itong umupo sa tabi ko, "Ohh my..So 'di totoo yung rumored? May pag-asa ka na Yesha. May pag-asa ka na kay Dawson. E grab mo na'yan."

Para talaga tong baliw. Sinipat ko siya ng tingin.

"Mahirap iwasan 'no? lalo na't trabahador ng daddy mo. Walang araw na 'di mo nakikita "-aniya sa makahulugang boses, "Kilalang-kilala kita. Kahit anong deny mo na wala kanang nararamdaman para sa kanya. Hindi ako naniniwala sayo. Kapag matagal mo nang crush ang isang tao, mahirap talaga kalimutan."

Kahit kailan hindi ko magawang kalimutan si Dawson.

Kahit may gurong nagdidiscuss sa harapan namin 'di parin inalis ni Vanilla ang mapabirong tingin niya sa akin. Paglabas, ay kinwento niya lahat lahat kina Feliz at Michael. Panay ang tilian ng tatlo. Inaasar nila ako. Sinikap ko talagang hindi mapangisi. tinikom ko ang bibig ko. Pero hindi ko parin maiwasan. Grabe na kasi kung makapang-asar. Kahit anong pigil nagugustuhan ko naman. Napangisi ako sa huli.

"Babalik at babalik talaga."-ani Michael.

"Lalo na at hindi totoo ang rumored."

"Nung bakasyon..Hula ko si Dawson ang pinunta mo sa site hindi si tito. Ano? Tama ako 'no?"

Napailing ako sabay tawa.

"Asus! May pailing-iling ka pang nalalaman. Besto ka na"-Naghagikgikan ang tatlo.

Pagkahapon ay kumain na naman kami ni Dawson sa Boulevard. Kay Mang Tomas parin kami bumibili ng barbecue. Iyong matandang binilhan namin noong nakaraang araw. Naging suki na siguro 'to ni Dawson. Masarap naman kasi ang kanyang barbecue. Hindi pa nagkulang ng sauce kaya pala maraming customer.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now