Kabanata 17

161 3 0
                                    

Warning: Unedited

I want an explanation

My dad is the engineer of Siquijor's biggest construction company, the SSCE, owned by the Bonocan family. Siquijor State Construction Engineering, started in 2012, is a solely owned company and is also one of the leading and best construction companies in the province, country, and Asia. Aside from their construction business, they also have nuts and bolts manufacturing, real estate, and mining manufacturers.

I hate dust, ito ang dahilan kung ba't nakatungtong  nalang ako ng koliheyo ay hindi parin ako nakabisita sa site na iyon. Gusto kong pumunta para bisitahin si dad, ipag prepare ng snack, at kung anu-ano pa, na sa tingin ko'y makatulong sa kanya. Ngunit hindi ito ang tunay na dahilan, gusto ko lang talagang makita si Dawson doon.

Lumabas ako ng sasakyan at pinasadahan ng tingin ang buong gusali. Sa lungsod ng Larena ito itinatayo. Halos Limang palapag ang taas neto. Isang gusaling nakakamangha dahil sa disenyo at sa  napakagandang istraktura na meron ito. Kung ikaw iyong kliyente na gustong magpagawa ng bahay, o kung ano pa. You will not make the mistake of hiring the SSCE.

"Isaiah.. sigurado ka ba sa gagawin mo?"nag-alalang sabi ni Michael nang umamba na akong pumasok sa loob.

"I can do this, Michael"-matabang kong sabi at tumulak na.

"Bahala ka, basta a.. mag-ingat ka dun"

Maalikabok man at maraming metal, at kung anu-ano pang materyales na nakaharang, nagpapatuloy parin ako sa paglalakad. Huminto ako sa kabilang banda nang makita ko ang isang gropo ng mga trabahador na abala sa kanilang ginagawa. Nang malaman kong wala si Dawson sa gropong iyon ay nagpapatuloy ako sa paglalakad nang may isang pamilyar na boses akong narinig na tumawag sa pangalan ko.

In one turn, I saw Amer's face, nangingiti ito habang naglalakad papunta sa akin. "Sinong sadya mo rito, maam? Si Engr. Clarkson po ba?"

Di agad ako nakasagot, e di naman kasi si dad ang sadya ko rito,"Oo"-sa paos na boses.

"Kung ganoon, andun po sa 3rd floor ang opisina ng daddy mo, maam. Delikado ho dito, sasamahan kita ma'am, kung gusto mo"

"No need, kaya ko naman.."-agap ko.

Napatango naman siya at agad bumalik sa ginagawa. Nagpaalam muna ako kay Amer bago tumulak pa 2nd floor. I'm not wearing any heels kaya dina ako nahirapan sa pag-akyat. Agad kong inayos ang sarili ko nang tumuntong ako sa pangalawang palapag. Napahinto ako sa mga hollow blocks na naka-file at sumilip sa mga trabahador na nandoon.Their laughs lit up the area. Napatingin ako kay Dawson na nakisabay na rin sa tawanan.

Nakaupo siya sa sakong semento habang nakasandal sa pader. May bitbit syang isang tinapay at isang bote ng tubig. Madungis, pawisan na Yongyong ang nadatnan ko. Pero kahit paano gwapo parin. He was wearing black old pants paired with black old boots. Before I could let out a sigh, he found my eyes. 

I felt my heart beating. It was fast and ready to explode. Nahihirapan akong huminga na kinailangan kong  humagip ng hangin. Unti-unti  syang tumayo at naglakad papunta sa'kin. Calm down, Isaiah, wag kang masyadong magpadala. Diba nga ito ang 'yong gusto? Ang makita siya?

He is so handsome. Hindi ko alam kung kailan ako magsasawa sa kanya. Pang long-term yata toh. He looked damn hot in his old dress. Ang kanyang kayumangging mata ay bumagay sa bronse nyang balat. Ang gandang pagmasdan. He looks so manly with his beard and messy hair. With that, para akong nanunuod ng turkish drama. Iyong leading man nila, kamukhang-kamukha ni Dawson. hi

Para akong nabunutan ng tinik sa mata nang humarap siya sa akin.

His light brown eyes were staring into my eyes, "Anong ginagawa mo rito?"-he asked in a husky, deep voice.

Chasing the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon