Kabanata 10

152 3 6
                                    

Warning: Unedited

Palihim

Mag alas onse y medya nalang ay hindi parin ako makatulog. Kahit ano nalang ang naging posisyon ko ay hindi parin tumalab. Lahat-lahat nalang ginagawa ko. Uminom ako ng sleeping peels, ito nalang ang tanging paraan.

Apektadong-apektado ako pagdating kay Dawson. Maging sa pagtulog ay hindi ko magawa. Sa tuwing makikita ko siya sa campus, sa mansyon, and the way his cold light brown eyes looking on mine, I feel like I'm drowning at gusto ko ng mahimatay. Ang lakas ng epekto niya sa akin and hell! am I crazy right now. Simula grade school ay siya lang ang nag-iisang crush ko, espesyal sya sa mga mata ko.

Naalala ko pa iyong panahon  na sobrang saya ko nung nalaman ko na sa Larena State College  ako mag ko-kolehiyo. Nagpapasalamat ako kay panginoon, at sa lahat ng santo dahil sa huli ay nakumbinsi ko sila mom at dad. Ayaw ko kasing mang ibang bansa para dun ipagpatuloy ang pag-aaral. Bukod sa andito ang pinakamamahal ko napamahal na rin ako sa probinsya ko. Sa LSC kasi nag-aaral si Dawson kaya sobrang saya ko nang pinayagan ako. Same kami ng department, pero ni minsan ko lang siyang  nakikita. I really admired him. Just so you know, for me he is the stars that I'm chasing on, pero ayaw magpakuha. Pero nung nalaman ko ang lahat huminto na ako.

Naka moved na daw ako, and I'm grateful for it. Iyon palagi ang pinamumukha ko sa karamihan. Pero ngayon, di'ko na alam kung totoo ba iyong sinasabi ko noon. Kahit ako ay di'ko na lubusang  nakilala ang aking sarili. Lutang parin ako habang bumibili ng mga ingredients para sa lab namin mamayang hapon.

"Yesh, ako nalang magbabayad neto lahat sa counter. Ililibre kita ngayon"
-nangingiting sabi ni Vanilla.

Good mood ah... ano kaya ang nakakain netong mokong toh. May pera  naman ako. Pero, libre na'to kaya I won't refuse.

Maagang natapos ang lab namin. Si Vanilla ay nauna ng umuwi kasama ang boyfriend. Umuwi na'rin si Feliz at Michael. As usual di pa ako makauwi. Kailangan na namin matapos ang aming research ngayon. Dahil bukod dito marami pa kaming gagawing activities, proyekto, both minor and major sub. Nagpahatid ako kay Ralph Allen kina Zayn.

Dalawang oras lang ang tagal at natapos kaagad namin. Pa book bind nalang ang kulang. Ipapasa lang namin at di na raw e defense. Maaga akong nakauwi sa bahay. Sinundo ako ni Ralp Allen. Magkasabay kaming pumasok sa amin at pangalawang beses niya na ngayon.

Madalasan na ang pagdalaw ni Ralph Allen sa amin. Palagi niya akong dinadalhan ng bouquet, kulay red na roses may fav flower. May chocolates din and some sweets. Palagi rin kaming lumabas kumakain sa mamahaling restaurants. Sobrang enjoy ko sa mga araw na'yun.

And in the next day, pareho kaming may vacant sa hapon. Pumunta kami sa salagdoong beach. Napakasaya namin. Gusto pa naman ni Ralp Allen mag scuba diving. Di kasi ako marunong lumangoy kaya di natuloy. We taked pictures at kung saan-saan nalang. Ang ganda kasi ng view, at ang clear pa ng tubig dagat. And yah, I recommend this beach. Gusto ni Ralp Allen  na dun lang matulog. Para mag night swimming. May Dala pa nga syang tent. Na halos magmamakaawa siya na dun kami magpalipas ng gabi. Bawat kumbinsi nya ay tinatanggihan ko. Bukod sa di ako papayagan nina mom and dad. Ayoko ring  kasama ang boyfriend sa pagtulog. You know boys, madali lang ma temp. Di naman sa assuming ako na may mangyayari. Iniiwasan ko lang. Hanggang sa nag-iba na ang reaksyon ng kanyang mukha, napipikon siya sa'kin. But in the end ako parin ang panalo.

"Kain na tayo  guys. Naluluto na iyong barbecue"- nangingiting sabi ni Michael.

May dalang malaking paryo si Vanilla at iyon na ang hinuklad ni Michael sa natutuyong mga dahon ng tipolo para paglagyan ng aming mga pagkain. Pumunta na si Michael sa grill agaran naman itong dinaluhan ni Vanilla at tinulungan sa pagkuha ng barbecue at inihaw na isda. Naiinitan siguro si Michael, kaya bahagyang hinubad ang kanyang kulay puting t-shirt. Bumabalandra na naman ang 6 packs abs niya. Napahinto ako sa paglalagay ng kanin, at pinagmamasdan ang dalawa. Napapansin ko kong paano nag-iba ang mukha ni Vanilla sa ginawa ni Michael. May halong hiya iyon. Napayuko ito at agaran itong naglalakad papunta sa amin. Seryoso naman nakasunod ang bakla. Napangisi ako sa nakikita. Ang cute nilang tignan.

Chasing the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon