Kabanata 6

146 4 0
                                    

Warning: Unedited

My fault

Mag isang buwan na mula nung sinagot ko si Ralph Allen. Our relationship is pretty good. Walang selosan, walang sakitan. We're very fine. Iyon nga lang palagi kong ni refused sa tuwing yayahin niya akong mag salagdoong. Midterm na kasi next week. Wala akong panahon mag outing.

"Dapat mag review ka mahirap na pag ika'y babagsak. Napakahirap ng kurso mo kompara sa akin. Ngunit alam ko namang hindi aabot sa ganoon. You're very intelligent and I know you know that"-tugon ko habang naglalakad kami papuntang library. Niyaya ko kasi tong mag review.

"Yes ma'am noted. Bukod sa matalino gwapo rin ang boyfriend mo"-Aniya sabay akbay sa akin.

Inirapan ko lamang siya at napatawa na...

"Kahit kailan, magarbo ka talaga"

Speaking of Michael my gay best friend nandun na naman sa cnphas. Sabay raw silang mag review ni Patrick. Ewan ko sa baklang yun simula nung nakasama niya si Patrick sa Library. Palagi na syang nakabuntot. Si Feliz naman ay andun sa canteen kasama ang boyfriend Ewan ko rin sa babaeng yun puro Conrad ang bukang bibig. Si Vanilla naman ay nauna ng umuwi. Palagi nalang. Mas prefer nyang raw na sa bahay mag review dahil maaliwas raw kompara sa lib.

Speaking of Dawson palagi ko syang nakikita mapa labas man o mapa loob ng campus. Minsan ay kasama niya ang kanyang barkada sila Ares, Jeremiah, at Nicholas. Kadalasan si Andrea. Minsan rin ay nadatnan ko syang mag-isa lang naglalakad sa hallway.

Usap-usapan sa loob ng campus na mas bumuti daw ang naging relasyon nila Dawson at Andrea. Minsan nalang nagpapasundo si Andrea sa kanyang driver dahil mas pinili niya ang sumabay ni Dawson pa uwi. Hinay-hinay narin akong naka move-on kaya di'na ako masyadong naapektuhan.

"Kung hindi ako nag tanong hindi mo sasabihin sa akin na may boyfriend kana pala"-ani Ares sa malalim boses na parang nagtatampo.

"Sorry Ares, nakalimutan kong sabihin sayo"

"So... iyan ang nagpapatunay na agaran mo ng kinalimutan iyong kaibigan ko"

Ang ibig nyang sabihin ba ay agaran ko ng kinalimutan si Dawson ng basta-basta nalang. Bakit? di ba pweding kalimutan ang nakaraan. Gusto ko lang namang makalimutan ang lahat ng sakit na aking nararanasan. Wala na ba akong right para kalimutan siya. Ano pa ba ang magagawa ko kung aking ipagpatuloy. Ayaw kong mag mukhang tanga na naghahabol parin sa kanya kahit alam kong may girlfriend na. Malabo ng ma pa sa'kin.

"Don't tell me ginawa mong panakip butas si Ralph Allen"

Para akong natuklaw ng ahas nang marinig ko iyon. Panakip butas? sa aking naging desisyon, kahit paano ay hindi ko iyon naisip. Dapat ba akong matauhan sa narinig ko. Oo matagal ko ng inamin sa sarili na kung ba't agaran kong sinagot si Ralph. Oo sinagot ko siya para makalimot kay Dawson. Sa aking pananaw ay hindi naman natin iyon matatawag na panakip butas. Dahil minahal ko naman si Ralph allen.

"Ares... Ano pa ba ang magagawa ko. Ayaw ko namang magpabuhol sa taong may nag mamay-ari na. At kahit kailan hindi ko ginawang panakip butas si Ralph Allen"-paos kong sabi.

"Napapagod na kasi ako sa kakahabol sa kanya. Elementary hanggang sa mag high school palagi akong pumunta sa silid aralan niyo para lang mapansin niya. Pero ang labo hindi niya nakita kung gaano ko siya hinahangaan. Don't tell me di niya iyon napapansin. Hanggang sa mag kolehiyo ganoon parin. Iyon ang nagpapatunay na kahit kailan di niya akong magawang gustuhin. Di ako ang tipo niya"-mapait kong sabi. Gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko. Ayokong makita ni Ares na ganito ako kalamya pagdating kay Dawson.

Nung nag second year high school ako naalala ko pa iyong panahon na binigyan ko si Dawson Andrie ng love letter. Araw ng mga puso iyon, kaya di  ako nahiyang magsulat sa kanya at mag confess sa aking nararamdaman. Binasa niya iyon na parang wala lang sa kanya. Kung baga para lang nagbabasa ng walang kwentang mensahe. Hindi ko alam kung san niya yun nilagay. Pero usap-usapan kasi na tinapon niya raw sa basurahan. Nasasaktan ako ng lubusan nang marinig ko iyong chismis. Nag effort ako para magsulat sa pinakamamahal mo tapos iyon lang pala ang kalabasan. Alam kong kahit paano di niya ako magawang magustuhan. Pero tinapangan ko ang sarili ko. Hindi parin ako nag give up. Kung anu-ano nalang ang ginawa ko pero di parin niya iyon nakita....

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now