Kabanata 16

139 5 1
                                    

Warning: Unedited

You don't have to be sorry

Masipag na tao si Dawson.Walang pinipiling trabaho, lahat pinapasukan. Upang makatulong sa pamilya. Achievers pagdating sa pag-aaral, kinamuhian pagdating sa physical appearance, trabahante sa lahat ng bagay. Hindi ako nagtataka kung ba't maraming nagkagusto sa kanya. And he deserves that liked.

Minsan nga maitanong ko sa sarili kung ano kaya ang feeling pag galing ka sa mahirap na pamilya. Gusto ko rin maranasan iyon. Sa nakikita ko kay Dawson na lahat sinasakripisyo para sa pamilya kung pwede lang mag swap pagdating sa status. Handa ako para palitan siya. Para manlang makaranas siya ng maranyang pamumuhay. 

Alas tres y medya na siya nakauwi  kahapon. Pagkatapos tanggapin ang sahod ay agad ng nagpaalam. May kinakailangan pa raw syang puntahan. Iyong hinanda naming meryenda para sa kanya, hindi na nakain. Nag offer ng ride si daddy Clarkson para mas mapadali siya pero ayon nag refused na naman. Baka nahihiya siya, o may sundo ba, o nasanay na rin sa pag ha-hike.

Dawson is a great guy iyon nga lang ang high standard pagdating sa babae. Maliban sa achievers, mala model ang pangangatawan, gusto niya rin ng may talento. Like Andrea that's why he loved that much. Matanong ko lang..Ano na kaya ang status ng dalawa? Mas bumuti ba? Mabuti kung ganoon. Napaisip tuloy ako kay Ralp mag isang buwan na syang walang paramdam sa akin.

Nung dumalas ang pagpunta ni Dawson sa mansyon, pinapahirapan ko ang sarili ko. Hindi ako komportable na makita siya palagi sa mansyon namin. Nagmukmok ako sa kwarto tsaka lang lalabas pag umuwi na siya. Pero ngayon, ibang-iba na sa noon. Sabik na sabik akong makita siya palagi. I missed his smile, his aura, and his light brown eyes, I missed everything about him. Minsan ma'y nakakapikon ang kanyang pakikitungo sa'kin but I'm still grateful.

"Yesha..."–Nakangiting tawag ni Vanilla sa'kin.

Hinagod ko siya ng tingin mula paa hanggang ulo. Suot niya yung t-shirt tsaka sapatos, regalo namin ni Michael sa kaarawan niya. Bumagay sa kanya, she looks more beautiful.

"Bagay ba?"

"Oo"- muli ko siyang hinagod ng tingin. My gaze stopped at her neck. She wears a silver necklace na may infinite na pendant.

"May bago sayo a. Sinong nagbigay niyan? si Dwen ba?"-diko maiwasan ang mapatanong.

"This one?"-sabay turo ng kanyang kwintas. Buti alam mo kung alin ang tinutukoy ko.

She smiled "It's not him"–asik neto. "Ito yung bigay ni Dwen sa akin."–sabay pataas ng kaliwang pulso. It's a silver bracelet. Mamahalin rin.

"Kung ganon kanino galing yang necklace na yan?"

Her cheeks turned red, "Kay Michael."

A big smile planted on my lips. Talaga, akala ko sapatos lang yun binili ni Michael.

"Iba rin si Michael noh?"-nakangiti kong bungad.

Tumango siya bilang sagot at hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi.

Umupo muna kami sa terrace habang inaantay ang dalawa. We'll round, libutin buong Siquijor. Siquijor is a small Island, kayang libutin ang anim na lungsod sa loob ng isang araw. Napatayo na kami nang may narinig na busina ng sasakyan. Sa tunog palang alam namin na SUV 'yon ni kurdapyo. Bumungad ang malaking ngisi ni Feliz habang ang isa ay seryosong nakatuon ang mga tingin sa harapan. Nilingon muna kami ni Michael bago pinaandar ang sasakyan.

Pinasadahan ko ng tingin ang bawat tanawin na aming nadaanan. Panay ang selfie ng tatlo, ako lang ang hindi. I'm not fond of taking pictures. Mas gustuhin ko ang igugol ang sarili sa ibang bagay. Huminto kami sa simbahan ng Larena to have a short prayer. Tumingala ako sa kabuuan ng simbahan. Marami ng nagbago. Dati wala itong pintura, may sementong sahig. Ngayon tiles na. I remember my elementary years. Dito palagi ang punta ko pagkatapos ng klase para magdasal. Pinagdarasal ko na sana kami ni Dawson ang magkatuluyan sa bandang huli. Dito kami ikakasal. Bubuo kami ng masayang pamilya. Tapos aanakan niya ako ng marami. Gusto ko iyon para happy family. At ngayong malaki na ako, nakakasuka pala iyong pinaggagawa ko noon. Di'ko naman sinisisi ang sarili ko, bata pa ako nun.

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now