Kabanata 22

92 3 0
                                    

Warning: Unedited

Number

Bumuti naman ang kalagayan ng ama ni Dawson. Hindi na siya nilalagnat. Sinulyapan ko si daddy habang nagmamaneho pauwi. Magaan na ang kanyang mukha. His thick brows are already in the right place. Nang malaman niyang bumuti na ang kalagayan ng kanyang kaibigan. I can see in his eyes, kung gaano siya kapanatag ngayon. Talagang mahal na mahal ni daddy ang ama ni Dawson. Ang sweet lang tignan at isipin na ganoon sila sa isa't-isa.

Madaling hapon na kami nakauwi. Doon  na kami nananghalian. Nagluluto si Dawson ng gulay, tsaka may pritong isda rin. Hindi na kami tumanggi, nagugutom na rin kami.

"Deritso tayo ng boulevard anak. Bibili tayo ng barbecue, panghapunan."

Sinulyapan niya ako sa side mirror. Dalawa lang kami sa loob. Pero ayoko talagang umupo sa front seat 'pag si daddy ang kasama. Noon kasi palagi niya akong binibiro ng kung ano-ano nalang pag magkatabi kami sa front seat. Kaya siguro hindi ko na nahiligan ang umupo doon

"Okay..dad"

Iginala ko ang mga mata ko sa nagtitinda ng barbecue sa labas. Nag-aantay lang si dad sa loob. Ako na ang lumabas para bumili. Naglalakad ako papunta roon. Nakita ko ang isang magandang dalaga na pilit ni entertain ang mga taong napadaan sa kanyang stall. Dedma lang, walang lumingon sa kanya, o kaya'y bumili man lang. Kalaunan ay napahinto ito, baka napagod na sa kakaentertain at wala paring bumibili.

"Wag kayong bibili dyan. Anak yan ng mangkukulam"

"May lason ang paninda nyan kaya walang bumibili"

"Nung isang araw may bumili ng kanyang paninda, bigla lang sumakit ang tyan. Agad dinala sa hospital."

"Ang kapal talaga ng mukha ng batang yan."

"Anak ng mangkukulam. Sayang ang itsura."

Usap-usapan ng mga tao. Pero nagpapatuloy parin ako sa paglalakad papunta doon. Napangisi ito nang makita akong papalapit sa kanyang paninda.

"Magandang hapon, maam. Bili po kayo."–ngiting sabi neto.

"Magkano 'yan lahat?"

"Ahmm.. Ikaw na lang ang bahala sa presyo, maam.Tatanggapin ko kahit magkano pa 'yang ibibigay mo. Hapon na kasi at malayo pa ang uuwian ko"

Okay

"Bibilhin ko iyan lahat. Para di yan masayang, at makauwi ka ng maaga sa inyo."

"Maraming salamat ho.Salamat Panginoon at dininig mo ang aking panalangin."

Napatingin ako sa kanya na paulit-ulit na tumingala sa langit. At parang may dinadasal. Grabe naman kung makapanghusga tong mga tao dito. Porket taga Siquijor, mangkukulam agad. E..may mangkukulam ba na marunong magdasal, makadiyos. Mas marunong pa siguro to magdasal, manalangin kaysa sa mga taong grabe kung makapanghusga ng kapwa mamamayan. At di naman talaga yun totoo. Black magic doesn't fucking exist.

"Here"–sabay bigay ko ng bayad.

Ilan minuto niya itong tinitigan, "Dalawang daan?"–her almond eyes widen. " Sumobra ho. Hindi ko yata yan matatanggap, maam."

"Advance pamasko ko 'yan sayo. Sige na..tanggapin mo na. Para makauwi ka ng maaga sa inyo."

"Maraming salamat talaga maam, hulog kayo ng langit."

I just gave her a sweet looked.

Pinagmamasdan ko siya habang naglalagay ng sauce sa barbecue.

"Nga pala, wag mo na akong tawaging, ma'am. Isaiah nalang"

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now