Kabanata 18

146 4 1
                                    

Warning: Unedited

Loyal

Malinaw parin sa isipan ko ang mga nangyayari kahapon. Para akong baliw na nangingiti mag-isa sa loob ng kwarto. Ganito pala ang maramdaman pagmahawakan mo ang kamay ng lalaking sobrang mahal mo.

I remember what my mom told me. Nung nalaman nyang nagkaroon ako ng boyfriend. Ayaw niyang makita akong nasasaktan ng dahil lang sa isang lalaki. Dahilan kung ba't binaon ko sa sarili ang namamagitan sa amin ni Ralp Allen. I'm afraid of how she might react. Ayokong madamay pati sina mom at dad sa sarili kong problema. Maging sa kaibigan ko si Michael lang ang nakakaalam. Pinili kong manahimik. Ilang buwan na syang walang paramdam sa akin. Nahihiya na rin akong mag text.. Baka ma dedma ulit.

As the wind blows, hinahayaan kong sumayaw ang mala charcoal kong buhok sa hangin habang tinanaw ang tanawin ng Cang-agong. Uminom ako ng kaunti sa orange juice kong dala, habang nakaupo sa nakahandusay na niyog. Ang boring sa mansyon, dagdagan pa ng walang kuryente, tapos mga kaibigan ko parehong busy sa love life. Nakakainggit nga e. May date si Feliz at Vanilla. Ewan ko kay Michael. Tinext ko kanina, pero walang reply. Kaya dito ako dinala ng mga paa ko. Linggo ngayon, araw ng pahinga. Rest day ng mga trabahador. Buo na ang desisyon ko ang pumunta ulit kina Dawson. Gusto ko syang makita.

Wearing a dark blue high-waisted short paired with pink spaghetti. Nagsimula akong maglakad sa makipot na daanan. Napagala ang mga mata ko sa nag-aawitang ibon sa himpapawid, sa mga bubuyog at paru-parong masayang umaaligid sa ligaw'ng bulaklak. Ang gandang pagmasdan. Para akong nasa paraiso.

Nadaanan ko ulit ang ektaryang lupain na tinataniman ng kalabasa, kamote, at mais. Napatingin ako sa nagbundok na pakaw ng mais. Na syang nagpapatunay na tapos na itong maani. Sayang at di'ko naabutan, gusto ko pa namang kumain ng linagang mais.

I spread my arms wide, habang sinasalubong ang bawat hampas ng hangin. Ang lamig ay nanunuot sa aking makinis na balat. Napatingala ako sa kalangitang kasing dilim ng gabi. Mukhang uulan nga. Binilisan ko ang aking paglalakad upang di maabutan at mabasa ng ulan.

Nang makaabot sa punong narra ay biglang bumagsak ang malakas na ulan. Basang-basa ako. Nanginginig ako sa lamig. Hinaplos ko ng pangalawang beses ang aking mukha upang matanaw ang bahay ni Dawson sa di kalayuan. Umaasang makita siya at maki silong sa mumunti nilang tahanan. At hindi ako nabigo, nakita ko syang nagmamadaling lumabas sa kanilang bahay may dalang dalawang balde. Agad niya itong sinentro sa ulan na dumadaloy sa kanilang bubong. I was about to call him, nang biglang umangat ang kanyang mga tingin sa kinaroroonan ko. Halong pagkabigla at galit ang dumaan sa mapupungay nyang mga mata. I really like that kind of reaction Dawson, kung alam mo lang.

Nagmamadali niya akong nilapitan at hindi nagdalawang-isip na hilahin ako papasok sa loob ng kanilang bahay. Madilim niya akong tinitigan bago pumasok sa kanyang kwarto. Pagkalabas, ay may dala syang puting tuwalya at isang malaking puting T-shirt.

"Maligo ka muna, tsaka mo'to suotin kase basa kana ng ulan, kailangan mong sundin ang payo ko"

Saan ako maliligo sa cr nila? Anong gagamitin kong sabon? Sa kanya?

"Wag kang mag-alala. Hindi pa nagamit iyong shampoo at sabon ko. Kakalagay ko lang yun kanina."

Hindi ako nag-inarte sadyang nahihiya lang ako. Hindi ako sanay na makigamit sa personal na gamit ng ibang tao. Iyon ang punto ko, Dawson.

"Go..."-sabay lahad ng tuwalya at damit sakin.

"Wala kaming shower..bath tub.. wala rin kaming aumatic na inidoro... Pasensya kana."

Kunot-noo ko syang tinignan. Wala akong pake, Dawson. Hindi ako katulad sa mga kilala mong mayayamang, ang aarte. Napanguso na lang ako at tuluyan ng pumasok sa banyo.

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now