Kabanata 4

148 4 1
                                    

Warning: Unedited

I think I should stop

Malalim na ang gabi. Dama ko ang hampas ng malamig na hangin habang nakatayo ako sa balconahe katapat sa aking kwarto paharap sa dalampasigan. Mapait kong tinanaw ang hampas ng alon mula Sa liwanag na buwan na syang nagbigay ng liwanag sa madilim na gabi.

"No need, andito naman yung boyfriend ko"-paulit-ulit itong nag re-replay sa aking isipan.

Isang buntong hininga ang aking pinakawalan ng maramdaman ko ang paninikip ng dibdib. Mabilis kong sinimsim ang alak na nasa aking harapan. Napangiwi ako ng bumaon ang anghang neto sa aking lalamunan.

So iyon ang nagpapatunay na sila na nga. Hindi ko matanggap na mag jowa na sina Dawson at Andrea. Muli akong sumimsim ng alak at hinayaang
pakawalan ang panibagong luha sa aking mga mata.

Sumampa na ako sa sahig at napa-upo na doon. Nakatingala at hinayaan ang sariling yakapin ng malamig na hanging panggabi. Napayuko ako at muling humikbi. Bakit ba kasi pagdating sa kanya ang bilis kong maapektuhan.

Ey syempre long time crush mo Isaiah Yesha. Tapos malaman mong may girlfriend na pala.

Namamaos na ako, sa kakaiyak. Nanunuyo na ang mga labi ko maging ang lalamunan ko. Padarag akong tumayo at inabot ang isang boteng tanduay. Mabilis ko itong nilagok at ibinalik sa lamesa. Tinuko ang aking siko sa railings. Mapait akong napangiti habang tinanaw ang dalampasigan.

"I hate you Villafranca. Fuck you. I hate you emphatically. Sana magsama kayo sa empyerno ng jowa mo" -mariin kong sabi habang nakaharap sa karagatan. Namumuo na naman ang panibagong luha sa aking mga mata. I know this is not right. Sino ba naman ako para pagsabihan sila ng ganito. Pait, sakit, at selos kasi tong naramdam ko ngayon kaya heto ako nagwawaldas.

I hate myself for doing this. I hate myself for loving him. I hate it. I hate it.

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang ulo, siguro'y sa kakainom ko kagabi at dahil sa pag iyak. Ramdam ko pa rin ang paninikip ng aking dibdib. Walang gana akong bumaba sa kama at dumeritso na sa banyo para makaligo. Habang bukas ang shower, mariin kong tinatanaw ang aking repleksyon sa kulay abong tiles ng banyo. Pinasadahan ko ng tingin ang hubog ng aking katawan. I want to grow up fast, para naman kahit paano maabot ko ang gusto ni Dawson sa isang babae.

Pagkatapos maligo ay tumulak na ako sa kwarto para makapagbihis. I wear a green crop top jacket and a black high waist pants. Hindi naman gaanong balandra ang pusod kaya okay lang kong ito ang susuotin ko. Pagkatapos ay humarap na ako sa tukador para ayusin ang sarili. I put some light red liptink on my lips, and a little foundation on my cheeks. I need to apply this, para matakpan ang namumugto kong mukha.

Sinuklay ko ang mala charcoal kong buhok gamit ang aking mga daliri bago lumabas sa kwarto. Wala akong ganang pumasok ngayon, pero kailangan e.

Tinignan ko muna ang aking relo bago makapasok sa gate. Alas otso ey medya, sakto pa. Wala pa si sir Ursonal sa mga oras na'to. Napahalukipkip ako nang makita ko si Dawson na nakaupo sa teacher's table. Seryoso itong nakatingin sa kanyang laptop. May kalumaan na ito pero kapag tingnan oki pa naman. Akala ko ba'y si sir Ursonal ang papasok sa'min ngayon ba't siya ang nandito. Tinignan ko siya ng dalawang beses. Bago nag martsa papunta kay Michael. Kumuha na ako ng papel at nag kukunwaring nagsusulat. Sa gilid ng aking mga mata ay naaninag ko ang madilim nyang paninitig sa akin.

Stop that strict stared Dawson. Dahil alam ko kung ba't ganyan ka makatitig sa akin. Dahil nagkasala ako sa girlfriend mong may ka o-a-han. Nag so sorry na nga ang tao tapos ma pride pa'rin.

"Kompleto na ba kayong lahat"-Aniya.

"Yes Mr. Villafranca. Kompleto na po"

Tumango ito...

Chasing the StarsWhere stories live. Discover now