Kabanata 13

135 4 0
                                    

Warning: Unedited

My fav. fruit

Nagising ako na masakit ang ulo. Nakahilig ako sa headboard ng aking kama habang diniin ang sakit. More than 10 shots, ang naubos ko kagabi. Pagkatapos naming magsayawan ay bumalik na ako sa aming upuan at natulog. Sinundan ako nila Michael at dinala sa kanyang kotse. And damn nasukahan ko iyong kotse niya. Pagkauwi ay binuhat ako sa dalawa papuntang kwarto ko tapos nasukahan ko na si Vanilla. Napasinghap ako sa naalala nakakahiya.

Ba't ba ako naglasing kagabi. Sinikap kong huklatin ang ala-ala. Napa-untog ako sa kama nang malaman ko ang dahilan. Nahihilo pa ako nagmamadali na akong lumabas at dumeritso na sa banyo para makasuka. Mga walong minuto ako sa banyo kaya napagpasyahan ko nalang na maligo. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko na iyong selpon ko para manghingi ng sorry nina Michael at Vanilla sa nagawa ko kagabi.

Dali-dali na akong bumaba. Nahagip ko si ante Natasha na nagluluto ng ginataang gulay sa kusina.

"Malapit na ba yan maluto te?"-tanong ko habang tiningnan ang niloto.

"Malapit na, hija"-ngiting sagot ni Ante Natasha.

Ningitian ko si Ante at tumalikod na para maglagay ng kanin sa lamesa. Nagtimpla na'rin ako ng juice. Sinusundan ko siya ng tingin habang papalapit sa hapag-kainan. Dala ang isang bowl ng ginataan.

"Damihan mo ang pag kain neto hija. Para naman ma masmasan yang sakit ng ulo mo.

"Perfect toh sa mga taong may hangover"-ante whispered to my ears.

"totoo ho?"

Ngumiti ako at sumunod na kay ante sa kusina. Tinulungan ko siya sa pagkuha ng plato at kung anu-ano pa. Pinuntahan ko na'rin si mom at dad sa kwarto. Tinawag ko na'rin si mang Erneng sa may garahe na nag wa-washing ng sasakyan.

"Sige hija, salamat"

Tumabi na ako kay dad. Naglagay ako ng kanin sa plato at kumuha na'rin ako ng sabaw ng ginataang gulay. Mabilisan ko itong hinigop kumuha na namang ako ng pangalawang beses at humigop. Totoo nga iyong sinabi ni Ante sa akin. Unti-unting nawala ang sakit ng  ulo ko at lubusan akong pinapawisan.

"Hang over, anak?"-ani dad

Dahan-dahan akong tumango.

"Damihan mo ang paghigop ng sabaw"–dad in a concerned tone.

Matalim akong tinitigan ni mommy...

"Dahan-dahan lang sa pag inom anak. Alcohol is not healthy for your body kaya wag mo yang gawing bitamina. Bata ka pa pero masyado ka ng alcoholic"-Ani mom sa malamig na boses.

Napatikhim ako at napahinto sa pagsubo. Totoo naman ang sinabi ni mom. Masyado pa akong bata para uminom. Hindi naman ako ganito dati. Nagkaganito lang ako simula nang malaman kong mag boyfriend na sina Dawson at Andrea. Oo at sinubukan kong mag move-on pero parang di tumalab.

Hating gabi na at hindi parin ako makatulog. Hinay-hinay akong bumaba sa engrande naming hagdanan. Nang makalabas na ay dumeritso na ako sa likuran ng aming mansyon kung san kitang-kita ang tanawin ng Cang-agong, maagahan. Umupo  ako sa nakahandusay na niyog habang dinama ang bawat hampas ng malamig na hanging pang gabi. Sa kalangitan ay tanaw ko ang buwan na pinapaligiran ng mga bituin, sila yung nagbigay ng liwanag sa makulimlim na kalangitan.

Ang bituin ay may sariling liwanag ang mga planeta ay mga celestial na katawan na walang sariling liwanag at pinaliliwanagan ng mga may sariling liwanag. Sa parehong kahulugan, pagdating sa mga lalaki, ito ay tinawag na isang bituin. Matalinhaga, ang ibig sabihin ng bituin ay tadhana, swerte, at gabay. Pero tila ni isa ay hindi ako nadiligan. Napasinghap ako sa naiisip. Tumingin ako sa kalangitang napapaligiran ng kumikinang, bituin. Ang gandang pagmasdan. Dahan-dahan akong pumikit at humiling. Sana naman magkatotoo ang lahat ng ito. Nilingon ko ang maliit na daanan papunta kina Dawson bago ako umuwi.

Chasing the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon