Chapter 1

39 0 0
                                    

Our Broken Hearts

Chapter 1

Isabella

"Ma? Nandyan na yung sundo natin, halika na po.." Inayos ko muna ang kanyang buhok bago ko siya inalalayan sa pagtayo. Ito na ang pangatlong beses na maglilipat kami ng bahay. Sadyang napakahirap ng kalagayan namin ni Mama ngayon. Bukod sa madalas kinukulang ang kinikita ko, ay wala pa akong mapag iwanan sa kanya sa tuwing papasok ako sa trabaho. Sana naman ngayong nakahanap na ako ng malapit lapit na bahay mula sa Lucciano Hotel ay mas matutukan ko na siya. Hindi nagsasalita si Mama. Kahit kausapin mo siya ay hindi siya sumasagot. Palaging nakatingin sa kawalan. Tatlong taon na rin siyang ganito, mula ng mawala si Papa. Labis siyang nasaktan at hindi niya matanggap ang pagkawala ni Papa. Namatay si Papa sa atake sa puso, dala na rin siguro ng sobrang dami ng problemang dumating sa buhay namin.

Maayos naman at masaya ang buhay namin noon, pero mula na ma engganyo si Papa na iinvest ang kalahati ng savings ng aming pamilya sa isang Investment Company, ay doon na nagsimula ang problema. Na scam si Papa, bukod sa hindi tumubo ang perang ipinasok niya sa kumpanyang iyon, ay hindi na rin naibalik ang capital sa kanya, at ang mga tao sa likod ng kumpanyang yun? Naglaho ng parang bula. Hindi naman kaagad agad nawala sa amin ang lahat, pero dahil may mga properties si Papa na hindi pa naman fully paid, ay nawala ang lahat ng iyon, dumating pa sa punto na ibinenta niya ang mga shares niya sa mga kumpanyang ka sosyo niya, para mabayaran ang mga yun, pero sa laki ng interes ay hindi naman sapat ang perang pangbayad.

Hindi kami mayaman, umunlad lang ang buhay namin dahil sa pagsisikap ni Papa bago pa ako naipanganak. Isa siya noong Manager sa isang bangko, ng magkakilala sila ni Mama. Si Mama naman ay anak ng isang negosyante sa isang probinsya. Hindi tanggap ng mga magulang ni Mama ang naging relasyon niya kay Papa, pero ipinaglabam nila yun, hanggang sa itinakwil si Mama ng sarili niyang pamilya. Mula noon, nagsikap si Papa para mabigyan si Mama ng magandang buhay, nagtagumpay naman si Papa, dahil sa bangko ang trabaho niya ay pinag aralan niya kung paano mag invest at bumili ng mga shares sa ibang negosyo. Katunayan niyan, ay dati rin siyang investor sa ibang kumpanya ng mga Lucciano. Namulat ako sa mundong ito na komportable ang pamumuhay, nakakakain ng masasarap na pagkain, nakakapamasyal, nakapag aral din ako at nakapagtapos hanggang sa college sa mga private school. Ang gusto ko sana ay maging flight attendant, pero dahil sa nangyari sa buhay namin, ay hindi ko na siguro yun matutupad. Buhay pa noon si papa nung magsimulang mawala ang lahat sa amin, ang bahay at lupang naipundar niya, ang dalawang sasakyan, pati ang mga furnitures at appliances. Nasaid ring lahat ang ipon nila sa bangko.

Kitang kita ko kung paano nahirapan si Mama at Papa, narinig ko kung paano umiyak si Mama sa gabi, dahil sa pag aalala at pag iisip sa problema. Gayun pa man, hindi nila iyon ipinahalata sa akin, sa tuwing magtatanong ako ay "ok" lang ang sagot nila. Wala naman daw problema, at maayos naman ang lahat. Pero alam ko sa sarili ko na may problema. Kaya naman nagpasya ako noon na magtrabaho na lang at hindi na ituloy ang pagpasok ko sa isang aviation school, para palawigin pa sana ang pag aaral ko. Masyado na kasing mahal kung ipagpapatuloy ko pa iyon, at alam ko naman na wala na kaming pera para dun. Madali naman akong nakapasok bilang isang receptionist sa Lucciano, dahil pamilyar naman ako sa may ari niyon. Ang mabait na mag asawang Lucciano. Aaminin ko, sinadya ko na doon mag apply dahil dating shareholder si Papa sa Lucciano, kaya alam kong may advantage ako, kahit papano. Hindi ko man gustong gawin yun, dahil alam kong pananamantala yun, pero wala akong pagpipilian. Gusto kong makatulong kay Papa at Mama, kahit nung una ay hindi payag si Papa na magtrabaho ako doon. Hindi naman ako nabigo, dahil nakapasa naman ako sa interview, hindi ko nga lang alam kung iyon ay dahil sa apelido ko o dahil pumasa lang talaga ako sa standards.

Dalawang taon na akong nagtratrabaho sa Lucciano ng mamatay si Papa, twenty four years old lang ako noon, nagpatuloy kasi ang struggle ng pamilya namin, kahit pa may trabaho na ako. Marahil dala ng sobrang stress sa kaiisip ay hindi na kinaya ng katawan niya. Doon na rin nagsimulang magbago si Mama, madalas itong nagkukulong sa kwarto, hindi kumakain, hindi rin naliligo. Minsan kapag kinakausap ko siya, ay bigla na lamang siyang lumuluha. Sa tuwing naiisip ko ang nangyari sa buhay namin, minsan hindi ko na rin mapigilang umiyak. Siguro may mga bagay talaga na hindi mapapa sa iyo habang buhay, at lahat ng bagay sa mundo ay hiram lang, ultimo ang buhay natin.

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now