Prologue Our Broken Hearts Dahil sa unti unting pagkalugi ng negosyo ng kanilang pamilya at pagkamatay ng kanyang ama ay napilitang magtrabaho si Isabella para matustusan ang pangangailangan nila ng kanyang ina. Nagtrabaho siya bilang isang receptionist sa isang sikat na hotel na pag mamay ari ng mga Lucciano, kung saan may investment ang kanyang ama noong nabubuhay pa ito. Maayos man ang kanyang simpleng buhay, ay hindi naman maganda ang kalagayan ng kanyang puso, sa abusadong kasintahan. Damien Alexi Lucciano, ang gwapo at masungit na tagapag mana ng Lucciano Hotel and Resorts Spa. Mula sa ilang taon na paninirahan sa ibang bansa ay nagpasya itong tutukan at pamahalaan na ang kanilang negosyo upang makalimot, matapos talikuran ng babaeng kanya sanang pakakasalan, at dito magtatagpo ang kanilang landas. Paano paglalapitin ng tadhana ang dalawang pusong sugatan? Kaya bang hilumin ng mga ito ang bawat isa?