Chapter 9

2 0 0
                                    

Chapter 9

Our Broken Hearts

Isabella

"You heard her? She said, let go." Kapwa kami natigilan ni Red ng marinig na may nagsalita. Sabay rin namin itong nilingon. Si Mr. Lucciano. Bakit naman sa lahat ng tao ay siya pa ang makakakita sa ganitong kalagayan ko?

"Who are you!?" Hingal na tanong ni Red.

"It's not for you to know." casual na sagot naman nito, habang nakapasok ng isang kamay sa harapang bulsa ng kanyang pantalon.

"She's my girlfriend! Stay away from here.." Nagbabantang asik ni Red. Wala namang reaksyon ang mukha nito, bagkus ay mataman lang itong nakatitig sa akin.

"Really? Then why are you hurting her?" dumako ang matatalim na tingin nito kay Red.

"I said, stay away from here!" tinangka ni Red na hilahin akong muli, pero nagmatigas ako. Nakakahiya sa lalaking nanonood, pero talagang ayokong sumama sa kanya. Natatakot ako na baka kung ano na ang gawin niya sa akin, lalo pa at pakiramdam kong ubos na ang pasensya niya.

"T-Tama na, Red! Hindi ako sasama sayo! Umalis ka na rito!" muling piglas ko.

"Stop being stubborn, Isabella! Get...in..the..car..!" Nang muli nito akong lingunin, ay tila hindi na ito si Red. Isang lalaking puno ng galit at pagkabalisa ang nakikita ko sa kanya ngayon. Sa buong pwersang paghila nito ay nawalan na ako ng balanse at nabuwal sa pagkakatayo.

"Ahh!" gumuhit ang sakit at hapdi sa kanang tuhod ko na siyang unang tumama sa sementadong lupa. Pagkatapos niyon ay isang mabilis na pagkilos ang hindi ko na namalayan. Narinig ko na lang ang pag bunggo ng katawan ni Red sa pinto ng kanyang kotse, habang hawak ni Mr. Lucciano ang kanyang kwelyo.

"Listen here! You idiot! This is not the first time I saw you're trying to hurt her! So you better go! Cause just like the first time, I won't let it happen infront of me!" Sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ng makitang halos ihagis nito si Red, na hindi na nakapagsalita pa. Maya maya pa ay parang hanging umangat na lang ako mula sa lupa ng maramdaman ang kamay nito sa aking beywang at sa ilalim ng aking dalawang tuhod.

"S-Sir..!" Tutol ko at tinangkang pumiglas.

"Shut up!" agad naman nitong bulyaw ng hindi man lamang ako tinatapunan ng tingin. Salubong ang mga kilay nito at madilim ang mga mata.

"Hindi pa tayo tapos Isabella!" Napakislot ako at bahagyang napakubli sa didib ni Mr. Lucciano ng muling marinig ang boses ni Red, ang boses na hindi ko na yata hihilingin pang marinig uli.

"Fucking coward!" Nagvibrate naman ang dibdib nito ng muling bumulong.

--------------

Matapos ang ilang minutong paglalakad, ay narating namin ang parking area sa groundfloor ng hotel. Marahan ako nitong ibinaba sa tapat ng isang magarang sasakyan, bago kinuha ang tila remote nito sa kanyang bulsa. Dahil ilang minuto rin na nakabaluktot ang may sugat kong tuhod ay napangiwi na lamang ako ng itukod iyon. Noon ko lang rin napansin na nabutas pala ang suot kong stockings. Nang bumukas ang pinto ay sinenyasan nito akong maupo sa passenger seat na katabi ng driver seat. Agad ko namang sinunod dahil makirot talaga ang sugat.

Bahagya pa akong nagulat ng maramdamang inihagis nito sa kandungan ko ang isang maliit na first aid bag at sumandal sa pinto ng passenger seat sa likuran. Kahit kailan talaga walang modo. Gusto nitong gamutin ko ang sarili ko. Nagdadalawang isip na tinitigan ko ang mga laman niyon. Unang unang nakita ko ay ang alcohol. Naku po! Dahan dahan kong binuksan ang zipper niyon at nag aatubiling kumuha ng bulak. Ilang segundo pa ang lumipas bago ako muling kumilos at kinuha ang alcohol. Tipikal lang naman sa maliliit o ordinaryong sugat ay hindi na nilalagyan nito, pero pakiramdam ko ay kailangan kong gawin dahil ito ang gusto ng lalaking nagligtas sa akin. Binuksan ko ang takip niyon at mabagal pa sa pagong na pinisil iyon papunta sa bulak. Pero ng matapos ay hindi ko naman magawang idampi ang basang bulak sa sugat ko, dahil sino ba naman ang matapang na haharapin ang hapding idudulot niyon?

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now