Chapter 4

3 0 0
                                    

Our Broken Hearts

Chapter 4

Isabella

"Bella, my dear I'm sorry that I have to change your shift for tomorrow, nag advice itong si Vera na hindi na naman siya makakapasok bukas ng gabi..so we have no choice since off din ni charlie..mid shift lang naman para kahit papaano ay makauwi ka ng hatinggabi.." kunot noong nakatitig ako sa screen ng aking cellphone, ganito si Ms. Kate kapag may favor na kailangan. Malambing pa sa boyfriend mo. Pang gabi ako bukas? Paano na si Mama kung papasok ako ng gabi? Haay. Pero wala naman akong magagawa.

"Okay Ms. Kate.." Maiksi kong reply.

"And, you and Hanah will be at the function room entrance at 9pm, remember bukas na ang event ni Mr. Lucciano. We need you to assist his guests, upon entrance lang naman.." Haah? Hala naman! Bakit ako na naman? Bigla tuloy parang sasakit ang ulo ko. Kung kami ang magrerecieve ng mga bisita, hindi malayong makilala ako ng ilan sa kanila. Haay! Isabella, trabaho mo yan, ngayon ka pa mahihiya, samantalang araw araw ka ngang expose dun sa reception. Tssk. Oo nga pala.

"Okay po, Ms. Kate.." Matapos replyan si Ms. Kate ay napabuntong hininga ako. Saglit lang naman iyon, eh di kung may makakilala sakin, eh di hello. Kung wala, eh di good. Pero sana walang makapansin, kahit pa ilang beses na kaming nagkita ni Xavier at Carlisle, napa kulit pa naman nitong si Carl, lalo na noong una kaming magkita uli, naka reserve sila noon ng dinner kasama niya si Xavier at iba pang mga kalalakihan, hindi ko alam kung paano niya ako natandaan, pero ang sabi niya, hindi naman daw gaano nagbago ang mukha ko, at tanda pa rin daw niya ang itsura at pangalan ko dahil minsan akong naging muse noon ng aming school fair. Mula noon ay feeling close na ito, pero harmless at maginoo naman at hindi naman nangbabastos.

Parang hindi tuloy ako mkakatulog nito, nadagdagan pa yata ang anxiety ko. Haay. Naisipan kong bumangon saglit para silipin si mama sa kanyang kwarto. Hindi ko pinapatay ang ilaw sa kanyang kwarto, ng sa ganun ay mabilis kong makita kung nasaan siya, at kung ano ang ginagawa niya. Nitong mga nakaraang araw ay napansin kong mas napapadalas ang paglakad o pagkilos nito. Minsan nakatayo na siya habang nakatanaw sa labas ng kanyang bintana. Minsan naman ay paulit ulit niyang inaayos ang kanyang mga damit kahit maayos naman ang pagkakatupi nito. Marahan akong naglakad patungo sa kanyang kama at naupo roon habang pinagmamasdan siya.

"Siguro mas masaya kung nandito pa rin si Papa, at baka hindi ka palaging malungkot Ma. Pero okay lang, nandito naman ako para alalayan ka at samahan ka sa lahat. Magpakatatag lang tayo Mama, magiging stable din ang buhay nating dalawa. Sana bumalik ka na sa dati, miss na miss na kita Mama.." tumingala ako para pigiling maiyak, tsaka ko siya hinalikan sa kanyang pisngi. Naniniwala akong darating ang araw na babalik rin ang dating sigla mo Mama, bulong ko sa aking isip.

-------------

"Okay, I'll take over here, you two..umakyat na kayo sa function room, maya maya sigurado akong may darating ng mga bisita si Mr. Lucciano..wala naman kayong ibang gagawin doon kundi i welcome lang ang mga guests, the rest ay hindi nyo na trabaho.." Sabay pa kaming tumango ni Hanah ng dumating si Ms. Kate para mag relieve sa reception. Pero sa totoo lang ay parang nanghihina yung mga tuhod ko. Bakit ba ako kinakabahan? Para namang first time kong mag event? Isa pa hindi naman kami magtatagal, dahil once kumpleto na at nasa loob na lahat ng guests ay tapos na ang trabaho namin.

"Bella! Huy!" Naramdaman ko na lamang na may yumuyugyog sa balikat ko.

"H-Ha?" Gulat na lingon ko kay Hanah.

"Ang sabi ko kung kilala mo ba lahat ng bisita ni Mr. Lucciano? Kasi hindi ba at ka schoolmate mo siya noong highschool? Balita ko kasi karamihan ay mga kababata niya ang mga imbitado eh.." curious na tanong nito.

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now