Chapter 20

1 0 0
                                    

Chapter 20

Our Broken Hearts

Isabella

"Ate Bella, mukhang nahihilig yang Boss mo na isama ka sa mga lakad niya ah?" Tanong ni Patty habang nakaupo sa gilid ng aking kama. Namimili kasi ako ng damit na isusuot at babaunin para bukas sa pag alis namin papuntang Batangas.

"Uhmm..hindi naman talaga si Sir ang may gustong sumama ako, ang nag imbita sakin ay iyong asawa ng kaibigan niyang bagong kasal.." sagot ko habang sinisipat ang isa sa mga damit na pinag iisipan kong dalhin.

"Ayoko nga sanang sumama, dahil ang totoo niyan, hindi ko naman sila gaanong mga kakilala, maliban lang sa schoolmates ko sila noong highschool kami.." Dagdag ko pa.

"Talaga po? Eh di, pati pala ang Boss mmo ay naging schoolmate mo?" lalo naman itong nag usisa.

"Uhmm..oo, pero isang taon lang naman iyon, dahil first year lang ako at nasa huling taon na sila ng mga panahong iyon..at alam mo na yung kasunod na kwento nun.." Hindi naman lingid sa kanya ang nangyari sa buhay namin, ang hindi ko lang nabanggit ay ito ngang naging schoolmate ko ang grupo noon ni Mr. Lucciano.

"Wow! Anong itsura nya noon, ate?" Namimilog ang matang tanong pa nito. Napaisip naman ako at pili na inalala kung ano nga ba noon si Damien Alexi Lucciano.

"Uhmm..matangkad na siya noon pa, gwapo rin at matalino.." Kinikilig naman na umayos pa ito ng pagkakaupo.

"Talaga? Eh..nagkakilala na ba kayo noon pa, Ate?" Naku..hindi lang nagkakilala, Patty. Gusto ko sanang sabihin. Pero hindi na lang muna dahil tyak hindi ako titigilan ng batang ito.

"Uhmm..Oo. Pero hindi namin tanda ang isa't isa.." ang siya ko na lang sinagot.

"Minsan, nakakabilib din talaga ang tadhana, ano Ate Bella? Biruin mo, ilang taon na ang nakalipas, marami ng nagdaan, at kung saan saan na napadpad ang bawat isa sa kanila, pero nagkita pa rin kayo.." Nagkibit balikat na lang ako sa sinabi nito.

"Hindi kaya..Si Boss ang nakatadhana sayo, Ate Bella?" Gulat na napatingin ako sa kanya. Hindi lang siya ang unang nagsabi nito sakin, pati rin si Charlie ay natukso na rin ako ng ganito. Bigla tuloy ay nag flashback ang eksena noon sa wedding booth, pati na rin ang mga salitang binitawan ng kunwa kunwariang pari. Pero hindi siguro. Hindi ako nababagay sa kanya. Hindi ako tiyak ang tipo niyang babae. Eh hindi ba at kamuntik ka na niyang halikan noon sa ampunan? Nakagat ko tuloy ang labi ko ng maalala iyon.

"Uy...napapaisip ka, Ate..ah? Ano sa tingin mo? May chance po ba?" Nakakalokong ngiti ang aumilay sa kanyang labi, at itinaas baba pa ang kanyang kilay.

"Naku! Patty, kumain ka na at baka lipas gutom lang iyan..tapos ka na bang mag review?" Iniba ko na ang usapan bago pa ako tablan ng kilig.

"Sige na nga..Ate. Pero, naniniwala ako, may something sa tadhana ninyong dalawa ni Boss.." Muling tukso nito bago lumabas ng aking kwarto.

Naiiling naman na ipinagpatuloy ko ang paglalagay ng ilang piraspng damit sa aking tote bag. Hindi pa rin ako masyadong komportable sa lakad na ito, pero dahil si Sapphire naman mismo ang nag imbita sakin, nakakahiya naman kung hindi ako makikisama sa kanila.

"I will pick you up tommorrow at 5 am.." ang nabasa kong text ni Mr. Lucciano ng umilaw ang cellphone ko. Hindi na ako sumagot, dahil wala naman siyang tinanong, kundi ipinaalam lang sa aking kung anong oras niya ako susunduin.

Pagkalipas ng sampung minuto ay naayos ko na ang lahat ng kailangan at dadalhin ko. Nahiga na ako at muling sinilip ang cellphone na ipinatong ko sa aking unan.

"Are you not even gonna answer yes? Or just confirm you've received my message?" napakunot ang noo ko ng makitang may message itong muli. Hala? Eh bakit nagagalit?

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now