Chapter 6

3 0 0
                                    

Chapter 6

Our Broken Hearts

Isabella

Patuloy na bumabangka sa kwentuhan itong si Carl. Medyo tinatamaan na siguro ito ng alak na iniinom, hindi naman na bumalik si Mr. Lucciano sa aming mesa, dahil halos palipat lipat ito at nakikipag kamustahan sa kanyang mga bisita. Ako naman ay kanina pa hindi mapakali sa aking kinauupuan, hindi dahil sa nakakailang silang kasama, ang totoo nga nyan ay komportable ang pakiramdam ko sa kanila, lalo na sa dalawang babae, pero pangiti ngiti lang ako at kung minsan ay nagsasalita lang kapag tinatanong ako, dahil kahit naman nakaupo akong kasama nila, ay hindi pa rin ako isa sa kanila. Kung baga ay sabit lang ako.
Nang sa wakas ay naka kuha na ako ng tyempo para makapag paalam sa grupo ay casual na akong naglakad papunta sa pinto, pero bago dumeretso doon, ay naisipan kong daanan si Joey, para magpaalam rito.

"Joey, out na ko, mag ingat ka sa pag momotor pauwi, anong oras ang pasok mo bukas?" naisipan kong tanong.

"Ah, bukas 7 am yung pasok ko, Mam Bella..ingat ka rin pauwi Mam.." sumaludo pa ito habang nakangiti, gumanti na rin ako ng ngiti at kumaway sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad, bumilis namang bigla ang tibok ng puso ko ng maaninag kung sino ang kasalubong ko. Pumormal ako sa paglakad, at kiming itong nginitian.

"Uhmm..Isabella, right?" nakapamulsa itong huminto ng magkatapat kami, at sinambit ang pangalan ko.

"Yes, Sir.." inilagay ko ang dalawang kamay ko sa aking likuran.

"Okay, listen, I think you should go back to your post. You're not supposed to be here.." Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi niya. Bigla yatang namawis ang mga palad ko. Pero nabigla man, ay nakuha ko pa rin namang maitaas ang dalawa kong kilay, tanda ng pag sang ayon. Pagkatapos ay mataman ko siyang tinitigan sa mata, habang nakatingala sa gwapo, pero seryoso nitong mukha.

"O-Ofcourse..actually, I'm on my way out, I do apologize..Sir.." Yumuko ako at umisang hakbang paatras. Pero nag uumapaw ang damdamin ko, kaya nagsalita akong muli.

"I know, I don't belong here.." at tumalikod na ako, na halos ma out of balance pa, pero kinaya namang makarating sa pinto ng hindi napapatid.

Makailang ulit akong nagbuntong hininga. Sabi ko na nga ba..sabi ko na nga ba! Dapat hindi na lang ako pumayag na pumasok sa loob. Nakakahiya talaga. Mantakin mong palayasin ako ng lalaking yun? Akala naman niya gustong gusto kong makisalamuha sa kanila? Anung tingin niya sakin social climber?

"Pero bakit ako naiiyak?" Inis na pinahid ko ang mga luha sa aking mata. Nakakasama ng loob, nananahimik naman ako eh, ayoko ngang mapansin nila ako, ako na nga ang umiwas, hindi ba? Ayoko ng ganitong pakiramdam. Pakiramdam ko ay nanliliit ako, at lumiliit ang mundo ko. Kaya siguro ganun na lang kung tingnan niya ako, iyon pala ay hindi niya gusto na nandoon ako.

Mabilis kong kinolekta ang gamit ko sa loob ng locker at nagmamadaling umalis. Mabuti na lang at off ko bukas, kahit papano ay makakalma ko ang sarili ko.

-----------

2:30 Am. Sige pa rin sa pag flashback sa isip ko ang tagpo kanina sa function room, habang dilat na dilat ang mga mata kong nakatitig sa kisame ng aking maliit na kwarto, na mayroong iba't ibang ilaw na kumikinang, kung meron mang makapag papakalma sa pagod kong katawan, ito ay ang aking pailaw, na nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa tuwing binubuksan ko.

"He's heart was broken that time, kaya naisipan namin ipahuli siya sa mga committee..for fun..and he actually don't like the idea, wala lang siyang lakas tumanggi, since he has hangover the other night.." ang sabi ni Carl.

Heart broken? Ibig sabihin, busted siya nung time na yun? O galing siya sa isang break up? Sabagay, noon pa naman ay gwapo na ito, at marami talagang naghahabol sa bawat isa sa grupo nila, kaya hindi malayong may kanya kanya na silang girlfriend kahit highschool pa lang. Pero talagang hindi ko inaasahan ang nalaman ko. Kung hindi pa dahil kay Xavier, hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nakapareha ko sa wedding booth na iyon. Sa totoo lang ay hindi naman na iyon malaking bagay para sa akin, dahil matagal ng panahon ang lumipas, at gaya nga ng akala ko noon, ay inisip kong imposible ng malaman ko pa kung sino ang lalaking yun.

Our Broken HeartsKde žijí příběhy. Začni objevovat