Chapter 11

2 0 0
                                    

Chapter 11

Our Broken Hearts

Isabella

Aantok antok pa akong pnaglalakad patungo sa employees entrance sa likod ng hotel. Ikaw ba naman ang hindi makatulog dahil sa dami ng mga nangyari ng nakaraang gabi. Pero ang totoo, ay hindi ko alam kung napuyat ba ako dahil sa pagkirot ng sugat sa tuhod ko, o dahil sa paulit ulit na pagsulpot ng gwapong mukha ni Mr. Lucciano sa isip ko. Ipinilig ko ang ulo ko at saglit na pumikit. Mali ang isipin ko siya. Isa pa, nagkataon lang naman na nainvolve siya sa nangyari kagabi.

Dinukot ko ang cellphone sa aking bag, nag riring na naman iyon pero naka silent naman at naka vibrate lang. Si Red. Tumatawag na naman ito. Mas pinili ko na lang na huwag nang sagutin ang mgavtawag at text niya. Hindi ko na kasi sigurado kung gusto ko pa siyang makita o makausap. Aaminin ko na matapos niya akong daanin sa dahas kagabi, ay biglang nagbago ang tingin ko sa kanya, at ang dating magandang pagtingin ko para sa kanya ay unti unti ng nawawala.

"Tigilan mo na ako, Red. Hindi na ako makikipagkita at makikipag usap sayo." sa dinami dami ng mga text niya, ay ito lang ang naisip kong ireply sa kanya. Sa ngayon, gusto ko na munang ipahinga ang isip ko mula sa mga gabi na puro pag iisip at pag iyak lang ang nararanasan ko dahil sa kanya. Gusto ko nang makalaya sa nakakasakal na relasyon namin.

"Mam Bella! Good Morning!" Magiliw na bati ni Joey. Malamang ay pauwi na ito mula sa magdamag na duty.

"Oh! Joey, pauwi ka na? Anong oras ang pasok mo?" Saglit rin akong huminto ng inihinto nito ang kanyang motor.

"Hindi Mam, dederetso po ako sa school, may exam po kasi kami, maaga.." Kita mo nga naman ang hirap ng pagiging isang working student. Mag tratrabaho sa gabi, sa umaga naman ay papasok, kaunti lang ang pahinga kung tutuusin.

"Ganun ba? Teka, kumain ka ba? Dapat kumain ka para may lakas ka sa exam.." mabilis kong kinalkal ang loob ng aking bag para hanapin ang food coupons na kakabigay lang sa amin kahapon.

"Teka, ito oh, kumain ka sa restaurant saglit.." mabilis kong iniabot sa kanya ang mga coupons.

"Ah..naku! Huwag na po Mam, may isa pa po ako dito, kaso hindi na po daw ako pwede kumain dun sa resto eh.." kamot ulong tanggi nito.

"Ha? Bakit daw?" Kunot noong tanong ko.

"Hindi na daw po transferable yung coupon, kung kanino nakapangalan, siya na lang daw po ang pwedeng gumamit.." naningkit ang mata ko sa pag iisip. Kailan pa binago ang terms and conditions?

"Ganun? Sige tatanungin ko muna sa office kung anong nangyari, baka kasi may pagkakamali lang..oh, ito na lang kunin mo, kumain ka muna bago ka mag exam, okay?" inabutan ko siya ng buong isang daan.

"Salamat, Mam Bella. Sakto po ito, wala pa pong sahod eh, kinapos na sa budget.." Alanganing ngumiti ito at nagpasalamat. Lalo tuloy akong nahabag sa kanya. Sabay pa kaming napalingon ng may puting kotseng bumusina sa amin. Mabilis namang iginilid ni Joey ang kanyang moto.

"Sige, tumuloy ka na, magingat ka sa byahe mo, galingan mo sa exams ha!" kumaway na ako sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Bella! Bilisan mo may ibabalita ako sayo.." parating palang ako sa reception ay nakita ko ng kumakaway si Charlie, napabilis tuloy ako sa paglalakad.

"Ano ba yun, Charlie? At ang layo layo ko pa ay nagsisigaw ka na dyan?" takang tanong ko ng makalapit dito.

"Si Vera, terminated na.." bigla ay humina naman ang boses nito at halos pabulong na sinabi ang balita niya.

"H-Ha? bakit? Anong nangyari?" Kahit naman hindi kami gaanong malapit ni Vera, at ang katotohanan na nagkikita sila ni Red, ay mabait naman itong katrabaho.

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now