Chapter 21

4 0 0
                                    

Chapter 21

Our Broken Hearts

Isabella

"What happened?" Takang tanong ni Giovanni ng makapasok kami sa loob ng Villa.

"Eh..hindi ko rin alam? Baka napagod lang sa pagmamaneho.." Kimi akong ngumiti rito at nagkibit balikat naman ito. Inilibot ko ang paningin sa loob ng malaking bahay.

"I think they're in the kitchen.." itinuro nito ang pasilyo patungo sa kusina, bago naupo sa isa sa mga couch.

Agad naman akong naglakad patungo roon, at bago pa man ako nakarating ay dinig ko na ang boses ni Sapphire.

"Oh! Were half way there..oh..livin on a prayer..!!" Kumakanta ito.

"Good Morning.." Nahihiyang bati ko habang nakasilip sa pintuang nakabukas.

"Ayyy! Nandito na si ganda!" Siya namang tili ni Sapphire.

"Bella! Mabuti naman at nakasama ka? Nasaan si Damien?" maaliwalas na mukha ni Daniah ang bumungad sa gawing kanan ng counter top.

"Ah..dumeretso na sa kwarto niya.."sagot ko rito.

"Ano?ready ka na bang mag enjoy? Maya maya lang lalabas na tayo.." Namimilog ang mga matang sabi ni Sapphire.

"Hindi ka naman marunong lumangoy, sabi mo hindi ba?" natatawang biro ni Daniah rito.

"Oo nga, dun lang naman ako sa pangpang eh, maglalaro lang ng buhangin.." pareho naman kaming natawa ni Daniah sa sinabi nito. Magaan naman ang loob ko sa kanilang dalawa, pansin ko ay simpleng babae lang nman din sila, kahit pa may sinasabi sa buhay ang mga asawa nila.

"Nag almusal ka na ba? Halika ka na, maupo ka na rito at kakain na tayo..ihahatid ko lang itong kape ni Xavier.." nag excuse si Daniah bitbit ng tasa ng kape pata sa kanyang asawa.

"Si Giovanni nandoon sa sala.." sabi ko kay Sapphire ng maiwan kaming dalawa.

"Ah..oo maaga nagigising iyon eh, mahilig siyang magmuni muni lalo sa ganitong mga lugar..ewan ko ba, hindi mahilig mag almusal ang magkakaibigan na yun.." anito sabay kagat ng malaki sa tinapay na hawak. Napangiti naman ako.

"Iyan bang si Damien ay nag aalmusal?" natigilan naman ako sa tanong nito. Paano kong malalaman? At bakit ako ang tinatanong niya?

"Ah..sa opisina, hindi naman siya kumakain sa umaga..kape lang ang madalas niyang hinihingi.." pero ni minsan nga ay hindi ko pa ito nakitang nag almusal.

"Kita mo na? Magkakaibigan talaga sila diba-"

"Hello! Ladies!"

Nagkasabay pa kaming nagulat ni Sapphire ng biglang bumungad mula sa pinto si Carlisle. Mukhang bagong dating lang rin ito.

"Carl! Akala ko hindi ka makakapunta?" Natutuwang lumapit si Sapphire rito at niyakap ito.

"Syempre, makakatanggi ba ako sa mag asawang DeAntonio? Ofcourse not.." tuloy tuloy itong nagtungo sa coffee maker para sana magsalin ng kape.

"Ako ng gagawa ng kape mo, Sir.." pigil ko rito.

"What? No! I can do this..hey? I'm glad you're here.." Ngumiti ito at pinagpatuloy ang ginagawa.

"Eh kasi, parang ayaw sumama ni Damien nung pinuntahan namin siya eh, kaya naisip kong isama itong destiny niya.." nanunuksong sinulyapan ako ni Sapphire at mapang asar na ngumit.

"Really? And where is that man?" Tanong nito.

"Nasa kwarto yata, napagod sa byahe.." naupo ako sa high chair, ngayon ko lang napansin na glass wall pala ito at kita ang ganda ng tanawin sa labas.

Bạn đã đọc hết các phần đã được đăng tải.

⏰ Cập nhật Lần cuối: Feb 26 ⏰

Thêm truyện này vào Thư viện của bạn để nhận thông báo chương mới!

Our Broken HeartsNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ