Chapter 5

2 0 0
                                    

Our Broken Hearts

Chapter 5

Isabella

"Three hundred sixty four..." ito na ang pang huling padyak ng paa ko, habang nakatayo sa cocktail bar malapit sa pinto. Sa totoo lang kanina ko pa gustong liparin ang pinto sa gawing kabila ng makalabas at makaalis na. May labinglimang minuto nang umalis si Carl, at hindi ko alam kung nasaan na ba siya, dahil nahihiya naman akong igala ang mga mata ko. Dapat talaga hindi na ako nagpapilit sa kanya.

"Mam Bella, okay ka lang? Gusto mo ba ng maiinom?" pangatlong lapit na rin ito ni Joey, na bartender sa bar and restaurant sa ibaba. Working student itong si Joey, sa umaga ay pumapasok sa school, at pang gabi naman siya rito sa Lucciano. Pag ganitong may mga event kasi, may naka assign rin na mga bar tenders at waiters para sa pag serve sa mga bisita.

"Okay lang ako Joey, naghihintay lang ako ng tyempo para makaalis..alam mo naman iyong si Mr. Depuesto, masyadong makulit, kaya napilit akong pumasok.." Ayoko rin namang umalis ng walang paalam kay sa kanya, dahil nakakahiya naman rin dahil inimbita niya ako dito.

"Eh nasaan na ba si Sir?" Mabuti na lang at naisipan nitong tumanaw tanaw para hagilapin ang lalakinh yun.

"Ah! Ayun na pala, pabalik na!" Bumalik nanito sa pagtratrabaho ng makitang papalapit na si Carl.

"I'm sorry, naharang kasi ako sa kabilang table..by the way, come! Join us there.." Sabay turo nito ng table kung saan nakapalibot ang mga taong gustong gusto ko sanang iwasan. Naku naman! Nananadya ka ba talaga, Carl? Hindi makapaniwalang bulalas ko sa isip.

"A-Ah..Sir, k-kailangan ko na po kasing umuwi.." Tama. Gusto ko naman na talagang umuwi, isa pa inaalala ko kung ano ng kalagayan ni Mama doon sa bahay.

"Just for a few minutes, you know them naman, and they know you..come on.." Marahan ako nitong hinila palayo sa bar, gusto ko sanang pumalag, kaya lang baka naman mapahiya ito. Kimi na lang tuloy akong sumunod dito.

"Hey, guys! Here's my date for tonight, Isabella! Have a sit, Bella.." inalalayan pa ako nitong maupo, hindi ko naman malaman kung kanino titingin, o kanino ngingiti. Nasa punto ako, na mas gugustuhin ko na lang lumubog sa kinauupuan ko ngayon.

"Oh! Si ganda! Isabella pala ang pangalan mo?" Agad na bati ng naka ngiting si Sapphire. Natuwa naman ako sa pa indian sit na pag upo nito, habang enjoy na kumakain ng cake. So natupad naman pala ang cravings niya sa cake.

"Yes, Mam, Isabella Ortiz po.." kimi kong sagot sa kanya habang inaayos ko ang aking pag upo.

"Naku! Pwede bang Sapphire na lang? O kaya Sapi, yun ang tawag sakin ng karamihan, huwag ng Mam-Oops!" Sinubukan pa niyang habuling saluin ang piraso ng cake na nahulog mula sa kanyang tinidor, pero hindi niya na ito nahabol, at tuluyang nalaglag sa kanyang cute green dress.

"Sorry.." Nahihiyang paumanhin nito sa mga nakakita. To the rescue naman agad si Giovanni at inabutan ito ng tissue.

"Be careful, please.." sambit nito.

"Mabuti naman at inaya mo siyang pumasok, Carl.." Kung parang batang nakaupo itong si Sapphire, ay siya namang prim and proper itong si Daniah, kimi lang rin itong nakaupo katabi ni Sapphire at ng kanyang asawang si Xavier.

"I thought it was a good idea, since you know, schoolmate din namin siya nung highschool, I wonder if Damien recognized her..by the way, where is he- Oh! Here he is.. Damien!" kaagad niya itong kinawayan ng makitang tumayo na ito mula sa mesa ng isang grupo, ngumiti naman ito at gumanti ng kaway sa grupo namin. Ganun pala ang itsura niya kapag nakangiti? Bakit parang na star struck ako sa pag ngiti niyang iyon? Pero kahit ganun, ay napalitan ng kaba ang nararamdaman ko ng makitang papalapit na ito.

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now