Chapter 8

2 0 0
                                    

Our Broken Hearts

Chapter 8

Isabella

"Naku, maraming salamat po, Aling Rowena. Mapapanatag na po ang loob ko ngayong may makakasama na si Mama kapag wala ako.." kapitbahay namin si Aling Rowena sa dating bahay na tinutuluyan namin, abot langit ang pasasalamat ko ng sa wakas ay nakahanap na ako ng kasama ni Mama sa bahay, meron raw kasing pamangkin itong si Aling Rowena na galing sa probinsya, at naghahanap ng matutuluyan, habang nagrereview para sa kanyang licensure exam. Kahit pansamantala lang ay pwede na rin, isa pa ay hindi naman raw nito kailangan ng sahod, ang importante lang ay may matuluyan siya habang narito sa Tagaytay.

Makalipas ang dalawang araw ay dumating ito sa bahay. Mabait naman ito at magalang, maayos rin sa bahay, kaya sa tingin ko ay wala namang magiging problema.

"Patty, ikaw na ang bahala kay Mama, pakainin mo na lang sa oras ng kainan, marunong naman siyang maligong mag isa, matagal nga lang siyang lumabas ng banyo, nagluto na rin ako ng pagkain ninyo, kung may kailangan kang bilhin sa labas, may iniwan akong pera sa gilid ng tv. May number naman ako sayo, mag text ka lang kung may kailangan ka ha?" Bilin ko sa kanya.

"Okay Ate Bella, huwag ka pong mag alala kay Tita, ako na pong bahala sa kanya, makakapag focus ka na sa work mo ate.." sa tingin ko ay magkakasundo naman kami ni Patty, nineteen years old na raw siya, at may pagka madaldal.

"Oh, sige. Aalis na ko, salamat, Patty.." kumaway pa ako labas ng bintana kung saan kita kong nakatanaw si Mama.
Dahil maaga pa naman, nagpasya akong maglakad na lamang papuntang Lucciano. Ngayon pa lang yata ang unang beses na hindi ako nagmamadali, mula ng kaming dalawa na lang ni Mama. Bago kasi ako makaalis ay tripleng pag check muna ang ginagawa ko sa bahay at kay Mama. Meron pa akong thirty minutes para mag relax habang naglalakad. Bahagya kong inayos ang suot kong jaket ng umihip ang malamig na hangin. Ito ang gusto ko sa klima rito, kahit sumikat na ang haring araw ay malamig pa rin.

"Mam Bella!" Malapit na ako sa hotel ng marinig na may tumawag sa pangalan ko. Si Joey iyon, malamang ay pauwi na ito mula sa kanyang duty kagabi.

"Oh..Joey, kamusta? Pauwi ka na?" Tanong ko at bahagyang huminto, sa harap ng kanyang motor.

"Opo, Mam, gusto mo bang ihatid muna kita?" Alok nito. Pero kahit gustuhin ko man, ay maaga pa naman, kaya nga ginusto kong maglakad, at hindi ako sanay sumakay sa motor.

"Naku! Huwag na ano, gusto ko nga maglakad eh..umuwi ka na at ng makatulog ka na.." taboy ko sa kanya.

"Sigurado ka Mam? Oo nga pala, salamat sa coupon na binigay mo kahapon, nabusog na naman ako.." Tinutukoy nito ang meal coupon na ibinibigay sa aming mga staff ng admin. Free meal iyon sa aming restaurant, kung saan maari kang kumain sa loob niyon gamit ang coupon. Meron kaming limang coupon bawat buwan. Pero hindi ko gaanong nagagamit ang sakin dahil hindi ko naman hilig magpunta sa restaurant, minsan lang kapag naaaya ako ni Charlie, o ni Myka. Madalas kong bigyan si Joey, bilang tulong na rin dahil nga working student ito, atleast man lang ay makakain siya bago pumasok sa eskwelahan, o bago mag simula ang duty niya sa Lucciano.

"Ah..wala yun, pag binigay na yung para sa susunod na buwan, bibigyan kita uli..sige na umuwi ka na, at tutuloy na rin ako.." kumaway na ako sa kanya at nagpatuloy sa paglalakad.
10:45. Palapit na ako sa reception ng Spa, ng mapansing may nakatayo roon. Palihim akong umirap ng makilala kung sino iyon. Ang ganda naman talaga ng bungad ko sa umaga.

"Where's the flyers for the new spa promotions?" Kunot noong tanong nito. Bakit ang aga aga nitong mag rounds? Tapos inuuna pang mag check dito sa spa?

"As of now, wala pa pong dumarating, Sir. Good Morning.." pormal kong sagot at bati sa kanya.

Our Broken HeartsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora