Chapter 17

1 0 0
                                    

Chapter 17

Our Broken Hearts

Isabella

"Just wear comfortable clothes.." Napangiwi ako ng maalala ang huling sinabi nito kanina bago umuwi. Pinag iisipan ko kung sasama ba ako bukas, o magdadahilan na lang. Hindi yata ako makakatagal na kasama ang kagaya niyang masungit at mainitin ang ulo, lalo pa't kaming dalawa lang.

Napabuntong hininga ako ng maalala ang ginawa nitong pag terminate kay Joey. Ako mismo ay hindi na niniwalang short ang bar, dahil nangunguha si Joey doon. Kilala ko si Joey, at mabait itong bata. Kahit pa sobrang hirap ng kalagayan ng sitwasyon niya, ay alam kong hindi niya iyon magagawa.

Nakakalungkot nga lang dahil totoo ang sinabi ni Mr. Lucciano na napapadalas ang pagliban nito sa trabaho, wala rin siguro siya sa focus dahil sa mga iniisip niyang problema. Pero mali. Mali pa rin na hindi man lamang ito binigyan ng warning, o kinausap man lang ng HR. Sinubukan ko siyang itext ang tawagan pero hindi ito sumasagot. Kung sino pa iyong gipit, ay siya pa ang lalong ginigipit. Paano na lang ang pag aaral ni Joey kung ang nag iisang trabaho na inaasahan niya ay wala na.

Kaya naman wala akong ganang makausap at lalong lalo na ang makasama ang lalaking yun. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko habang kasama siya at baka masungitan ko siya. Pero kahot ganon, ay alam kong trabaho pa rin naman ang pakay namin doon. Haay, wala ba akong magagawa kundi ang sumama? Kapag hindi naman sumipot bukas, malamang ay may nakaabang na parusa. Inis na bumangon ako mula sa pagkakahiga at binuksan ang aking maliit na cabinet, at namili ng maisusuot para bukas. Sige. Tutal trabaho lang naman nga hindi ba? Huwag niya lang akong sasagarin ng husto dahil baka hindi niya magustuhan ang magiging tugon ko.

------------------

Maaga akong naghanda para sa pag alis. Ala sais pa lamang ng umaga ay nasa reception na ako ng Lucciano, sakto naman na si Charlie ang pang gabi, kaya siya ang tao sa reception.

"Kay aga naman ng date ninyo ni Sir? Aba'y bakit naman sa Batangas pa?" Nanunuksong biro nito.

"Anung date? Naku! Hindi mangyayari yun, ano? Meron daw kasi siyang titingnan na property doon, sa tingin ko ay may balak siyang magbukas ng branch sa Batangas. Kung pwede nga lang na hindi sumama sa kanya Charlie. Pero wala naman akong magagawa.." walang kagana ganag kong sagot.

"Nabalitaan ko yung pag terminate kay Joey, kawawa naman ang batang yun, balita ko ay galing mismo kay Mr. Lucciano ang desisyon.." nagbuntong hininga ako ng muli ay maalala si Joey.

"Sinubukan ko siyang tanungin tungkol dyan, pero ang sabi niya may grounds daw para tanggalin si Joey. Nalulungkot lang ako at naaawa sa batang yun, mahirap na nga ang kalagayan, tinanggal pa sa trabaho-"

"Are you ready, Ms. Ortiz?" wala sa loob na napalingon ako habang nakapangalumbaba mula sa pagkakaharap kay Charlie na nasa loob ng reception. Diyos mio! Ka gwapo! Wala bang araw na hindi siya ganito ka gwapo at kalakas ang dating? Napigil ko ang paghinga habang mabilis na pinasadahan ang suot nito. Ngayon ko lang yata na appreciate na bagay pala ang kulay maroon at gray kung pagsasamahin.

"Bella, alis na raw kayo sabi ni Sir.." natauhan na lang ako ng maramdamang niyuyogyog na ako ni Charlie at ng mapansin na nakalabas na ng glassdoor si Mr. Lucciano.

"A-Ah..sige na Charlie, at nagmamadali itong boss natin.." Lakad takbong sumunod na ako rito palabas ng pinto.

"Bella! Mag enjoy ka ah? Kwentuhan mo ko!" pahabol pa nitong sigaw, nilingon ko naman ito saglit at tumango tango. Nang makalabas ng pinto ay agad kong natanaw ang puting sasakyan nito, at naningkit ang aking mga mata ng makitang pamilyar iyon. Tama. Ito nga ang puting sasakyan na bumubusina sa amin ni Joey sa tuwing nagkakasalubong kami sa gilid ng hotel kung saan naroon ang employees entrance exit. Kaya pala nabanggit niya at sinasabi niyang nale-late ako ng dahil sa pakikipag usap kay Joey, ay dahil siya pala ang sakay ng sasakyan na ito. Nadinig kong umuugong na ang makina kaya naman agad kong binuksan ang pinto sa likod ng driver seat, at naupo roon.

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now