Chapter 15

7 0 0
                                    

Chapter 15

Our Broken Hearts

Isabella

"Patty, ikaw na ang bahala kay Mama, ha? Baka kasi gabi na ako makauwi, medyo malayo kasi ang pupuntahan naming bahay ampunan. Nakapag luto na rin naman ako, initin mo na lang kapag kakain na kayo.." bilin ko kay Patty habang inihahanda ang mga gamit na dadalhin ko, nagbaon na rin ako ng pagkain para hindi gutumin sa byahe, dahil aabutin din kami ng halos apat na oras papunta pa lamang. Alas singko ng umaga ang call time namin, kaya alas kwatro ay naghahanda na ako.

Nagpaalam itong sisilipin muna si mama sa kanyang kwarto. Habang ako naman ay nagsimula ng mag asikaso at maghanda para sa pag alis.

Nang masigurong maayos na ang mga iiwanan, at mga bilin kay Patty, ay umalis na ako patungo sa Lucciano's. Doon kasi ang tagpuan ng mga kasama, at doon din maghihintay ang shuttle bus na siyang maghahatid sasakyan namin papuntang Quezon. Gaya ng naunng desisyon, ay iilang head lamang ng mga department ang kasama, at ang karamihan ay mga staff lamang.

"Sayang naman at hindi nakasama si Charlie, Bella..pagkakataon na sana nating makpag relax man lang.." May panghihinayang na sabi ni Hannah, ng makaupo na kami sa aming upuan. Hindi kasi pinayagan na makasama si Charlie dahil bukod sakin, ay siya lang naman ang senior sa mga receptionist ng Lucciano, kaya mas kailangan siyang mag duty.

"Oo nga, Hannah. Hindi bale, pwede naman tayong mag set ng lakad na para lang satin. Mangyayari rin yun.." Kahit ako man ay nanghihinayang na hindi ito makakasama, pero gaya nga ng sinabi ko, alam kong magkakaroon din kami ng pagkakataon na magkakasama ng hindi lamang sa loob ng trabaho.

Nang makomportable kami sa aming upuan ay inilabas ko ang kopya ng program ng activities na gagawin para mamaya. Nasa mahigit limampung bata ang kinukupkop ng Sunshine Orphan Home, mula sa mga bagong silang na sanggol hanggang sa edad na lima. Malayo pa man din ang byahe, ay excited na akong makarating sa lugar, at makasalamuha ang mga bata. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, kung ano ang daratnan namin doon, pero isa lang ang tinitiyak ko, gagawin namin ang lahat para mapasaya sila.
Base sa mga nababasa at napapanood ko, hindi raw magaganda ang mga pasilidad ng mga ampunan, luma at maliliit lang ang mga espasyo ng mga ito, at ang mga bata ay hindi gaanong natututukan at naaalagaan. Ito ang naglalaro sa isip ko, paano kung ganun nga ang madatnan namin? Parang umiikot tuloy ang sikmura ko sa nararamdaman ko. Ang totoo, ay ayokong isipin na gagawin namin ito para maramdaman sa aming mga sarili na maswerte kami. Hindi ko gustong isipin na nakalalamang kami sa iba, ang gusto ko ay ang maipadama sa mga bata, kung paano maging masaya, sa kabila ng kawalan nila ng sariling pamilya.

"Gifts okay na, food packs okay na rin, food supply at bottled waters on the way na. Medical team..on the way na.." inisa isa kong pasadahan ang mga mahahalagang bagay na dapat naming dalhin o gawin sa listahan ko. Ang medical team ay dalawang nurse lang naman at isang doktor, mabuti na lang at may nakapag bigay ng ideya na magsama kami ng doktor para makonsulta ang mga bata, dahil hindi nan sila nakakalabas sa bahay ampunan.
Ang food supply ay mga groceries gaya ng ilang sakong bigas, mga gatas at iba pang pagkain na makakatulong sa pang araw araw ng mga bata, kasama na rin dito ang mga pangunahing pangangailangan nila gaya ng mga hygiene products at mga laundry soap, diapers at lampin para sa mga sanggol, mga laruan at marami pang iba. Kaya naman lumulutang sa pagkasabik ang puso ko habang iniisip kung anong magiging reaksyon nila pag nakita nila ang mga ito. Lahat ng ito ay nalikom at nabuo namin sa pamamagitan ng solicitation sa samahan ng mga hoteliers sa loob lamang ng dalawang linggo mula ng aprubahan ni Mr. Lucciano ang Sunshine Orphan Home bilang benefeciary. Syempre hindi naman mawawala ang pinaka malaking donation galing sa mga Lucciano. Noong una nga ay balak sanang sumama ng mag asawa, pero dahil sa layo ng byahe at may katandaan na rin ang mga ito ay mas minabuti na lang nilang huwag na.

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now