Chapter 14

2 0 0
                                    

Chapter 14

Our Broken Hearts

Isabella

"Ate Bella, kanina pa po nag riring yung cellphone mo.." Agad sumalubong si Patty pagkalabas ko ng cr, iniabot nito ang aking cellphone. Si Red. Napabuntong hininga tuloy ako. Marami pa rin akong natatanggap na texts mula sa kanya, at palagi rin itong tumatawag, minsan ay nagmamakaawa ito sa mga text niya at humihingi ng tawad, minsan naman galit ito at kung ano ano ang sinasabi at isinusumbat sakin. Dahilan para lalo akong mawalan ng gana sa kanya. Mabuti na lamang at hindi na nito naiisipan na puntahan ako sa Lucciano's. Isa pa, ay hindi naman na niya ako makikita doon dahil nasa opisina na ako ngayon. Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng huli kaming magkita, at aaminin kong nasasanay na ako sa ganito. Al ko naman na darating at darating ang araw na kailangan ko siyang harapin para magkaroon na ng closure ang lahat.

"Ate, nakahanda na po pala yung lunch bag mo, nasa lamesa na po.." ngumiti ako kay Patty, sobrang laking tulong niya para sakin. Kaya nangako ako na kapag nakuha ko na ang increase sa sahod ko ay aabutan ko siya, para naman kahit paano ay masuklian ko ang mga tulong niya sa amin, lalo na kay Mama.

"Sana maaga akong makauwi mamaya, para mapalitan kita sa pagbabantay kay Mama, at para makalabas ka naman.." sabi ko rito habang sinusuklay ang basa kong buhok.

"Naku, ayos lang naman ate, ayoko rin naman lumabas, dahil baka makalimutan ko yung mga nirereview ko kapag makakita ako ng pogi sa labas.." humagikgik pa ito.

"Ikaw talagang bata ka..ikaw na ang bahala kay Mama ha? Kamusta pala yung mga coloring books niya?" si Patty rin ang nakaisip na turuan si Mama na magkulay, at hindi ko inakala na positibo ang magiging kalabasan noon. Iyong makita kong tahimik itong nagkukulay, talaga namang maluha luha ako sa galak. Kahit hindi pa rin nagsasalita si Mama, ay ayos lang..ang mahalaga ay nakikitaan ko siya ng kaunting pagbabago. Malaki ang tiwala ko na babalik rin sa dati ang mama ko.

"Kahapon, nakapag kulay si Tita ng tatlong page, pero nung tanghali hindi na niya pinansin yung coloring book ate, baka nagsawa o napagod.." sagot naman nito habang nagtitimpla ng kape.

"Ayos lang yun, atleast nagkukulay pa rin siya at naeexercise ang isip niya..ikaw na ang bahala kay Mama, ha? Kakayod muna ako.." biro ko sa kanya, napangiti naman ito.

"Sana makita ko yung Boss mong sinasabi mong pogi, pero masungit, Ate Bella.." Sa tuwing aalis ako papasok ay madalas niyang nababaggit iyon. Naikwento ko kasi iyon sa kanya ng minsang magtanong siya kung anong itsura ng bago kong Boss, at mula noon ay curious na siyang makita at makilala ito.

---------------

"Joey! Kamusta ka na? Parang ang tagal kitang hindi nakita ah?" napabilis ang lakad ko ng makitang kasalubong ko si Joey. Nakakapagtaka na wala itong dalang motor ngayon.

"Good Morning, Mam Bella. Ah..napa absent po kasi ako ng ilang araw.." takang tiningnan ko siya.

"Nagkaroon kasi ng problema sa bahay.." tumango tango ako sa kanya.

"Bakit wala kang motor ngayon? Sira ba?" muli kong tanong. Bumakas naman ang lungkot sa mukha nito.

"Wala na po akong motor, Mam. Naibenta na po gawa ng matinding pangangailangan, si Tatay po kasi, na diagnosed ng sakit sa kidney..kinakailangan ng mag dialysis.." Agad naman nalaglag ang puso ko sa labis na pagkahabag sa kanya. Ang pagkakaalam ko ay street sweeper ang tatay niya, at base sa kwento niya ay masipag ito at mabait.

"Ganun ba? Mahal ang gastos sa pagpapa dialysis, diba?" isang puting kotse ang naoansin kong mabilis na pababa papuntang parking sa ground floor, kaya mabilis kong hinila si Joey sa gilid at habang kausap ito.

Our Broken HeartsWhere stories live. Discover now