Chapter 48

10 1 0
                                    

The Trios Are Back.
ZaiNeeLette

MATAPOS NAMING mag-usao at kumain ni Vina ay dumiretso na ako pag-uwi, wala naman kasi akong naiisip na ibang pwedeng puntahan.

Bigla na lang rin kasing sumulpot si Savielle. Inagaw si baby sa akin, di joke lang.

Nasa loob ako ngayon ng sasakyan at aksidenteng napatingin sa repleksyon ko sa salamin, “Ganda ko talaga. I wonder why they always think me as a good girl. Gano'n ba talaga ang vibes ko?” tanong ko sa sarili ko.

Ngumisi ako sa naging tanong ko sa sarili, oh, well... Bahala sila diyan. Basta ang alam ko... hindi talaga ako mabait, haha! Tinignan ko lang ulit ang sarili ko bago ako umalis sa loob ng kotse.

Ni-lock ko ang kotse ko sa parking lot at kinabog si Darna, di joke lang, na naglakad papunta sa loob ng bahay ng makita ko sina Neem na nasa labas ng bahay namin.

She's with... Starlette.

At nagtatarayan ang dalawa, mukhang may gustong pag-usapan pero di keri ng pasensya nila. Same.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kanila.

Nagugulat na tumingin sa akin si Starlette at siniko si Neem, “Hey,” bati niya.

Simple siyang ngumiti sa akin kaya ngumiti din ako pabalik, “Ahhmm?” hindi ko alam ang sasabihin ko.

Nanalaytay ang katahimikan sa aming tatlo, si Neem naman ay nakalabi lang din at hindi alam kung may dapat ba siyang sabihin o ano. Ginalaw ko ang mukha ko at inayos ang buhok ko.

Dinilaan ko ang ibabang labi ko, “Ahmm? Ano... Bakit kayo... Nandito?” tanong ko sa kanilang dalawa.

Nagkatinginan naman ang dalawa, sina Starlette at Neem. Parang may mga gusto silang sabihin pero hindi naman nila masabi, ako tuloy ang nguguluhan ngayon. Nakita ba nila ako na naka-bill board tapos may caption na #MaguloAngBuhay? Grabe naman kasing mga tinginan nilang iyan, eh.

Bumaba ng tingin si Starlette, “Can we... Perhaps, talk to you?” mahinang boses ni Starlette na nagtanong sa akin. Muntikan ko na siyang hindi marinig.

Nangunot ang noo ko at kumibot ang mga labi ko at tumango sa kaniya, “Ofcourse, i am open to talk with. Ano ba iyon? Dito ba? O gusto niyong pumasok?” tanong ko sa kanilang dalawa. Agad na nagtaas ng kamay si Neem.

Napa-atras naman ang ulo ko, recitation yarn?

Napangiwi ako kay Neem, “Oh?” asik ko sa kaniya.

Ngumiwi din siya at mapait na tumawa, “Eh... Kasi... Pwede sa loob? Alam mo ba, Zaira? Kaninaa pa kami talaga dito. Ang init init na nga, oh! Siyaka ang sakit kaya sa balat tapos masakit pa sa ulo. Tapos pakiramdam ko ang init na din ng buhok ko at anit. Siyaka alam mo din ba? Sobrang sakit sa balat niyang init ng araw. Pinagpapawisan na nga ako, eh. Feeling ko din amoy araw na ako. Maasim na nga din atah ako, eh. Ang tagal mo kasi. Hay naku, tapos natatakot pa ako. Mamaya may aso na sumipot na lang bigla mula sa kung saan, eh. Dzuh?! Baka kagatin kaya ako, noh!” mahabang reklamo ni Neem sa akin.

Napangiwi na naman ako, kahit si Starlette ay napangiwi na lang rin sa kaniya, “Hanep ka! Sino ba kasi nagsabing magpabilad kayo, ah? At siyaka anong aso? Ahas lang meron dito, uy! Kaso hindi ka papatayin. Aagawin lang ang maagaw saiyo. Ang dami mong reklamo, ah. Eh, kung pumasok na lang kaya kayo kanina sa loob, no? Ang dami nitong daldal. Kay Kuya Zeb ka magreklamo, baka makinig iyon sa rants mo. Baka nga awayin pa no'n ang araw para saiyo, eh.” sagot ko sa mga hinaing niya sa akin na pagka-haba-haba.

Nakangiwi siyang kumamot sa batok niya.

Ngumuso siya, “Eh!” singhal niya sa akin.

Napapantistukan naman kami ni Starlette na nag-krus ng mga braso sa kaniya at tinaasan siya ng kilay, “Wow, ah! Maghahanap ka na lang ng makikinig sa rants mo... Choosy ka pa. Ikaw na nga nang-iwan, eh.” pang-aasar ni Starlette sa kaniya.

Dirty SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon