Chapter 49

12 1 0
                                    

Girl's Talk

NAKAHIGA ako sa mga hita ni Neem habang inaayusan ni Starlette si Neem ng buhok. Nakasimangot naman si Neem, puro sunflowers na daw kasi ang buhok niya.

"Ano ba iyan! Dinaig ko pa niyan yung prinsesa sa Tangled sa dami ng sunflowers na iyan, Starlette, eh!" rinig kong reklamo niya. Natawa na lang ako at binuklit sa suusnod na pahina ang libro na binabasa ko, wala pa rin ang sampo.

Siyaka, maaga pa rin naman. Pwede pa naming gawin ang mga kabaliwan namin sa abot ng gugustuhin namin.

"Alam mo, Neem? Kaunting kaunti na lang reklamador na ang tawag ko sa iyo kahit na reklamador ka naman na talaga at matagal na." rinig ko namang hirit din ni Starlette sa kaniya.

Umingos naman si Neem, "Grabe naman kasi! Ang sakit kaya sa mata, puro na lang dilaw. Ano iyan, tae?"

Natawa ako sa sinabi niya, pati si Starlette. Rinig ko ang mahina niyang pagpalo kay Neem, "Ano ba naman iyan, eh! Ikaw na nga nagsabi, eh. Sunflowers iyan, uy, oh. Sunflowers. Hindi tae, boba ka!" rinig ko namang sagot ni Starlette kay Neem na bumusangot at ngumuso.

"Si Zaira na lang kaya ayusan mo!" hirit niya pa.

Rinig ko ang matunog na pag-ngisi ni Starlette kasabay ng pagbuklit ko sa susunod na pahina ng libro.

"Mamaya, uy." rinig kong hirit ni Starlette na ikinailing-iling ko.

"Pero, Zai... Totoo nga? Na ikakasal ka na kay Fourth, one week from now? Paano na kayo ni kuya? Yung mga bata? What about me who ship you with him? Uwu naman diyan, Zaira, oh."

Humalakhak si Starlette, "Ano ka ba naman, Neem. Hindi siya si Zaira para kay Collette." rinig ko ang matunog nilang 'mmm' na nang-aasar kaya naman binaba ko ang libro at tinignan silang dalawa.

Ganon na lang ang pagkakangisi ko sa hitsura nila. Nakangisi sila na parang aso at may alam na kalokohan o kapilyahan.

"She's wind!" parang kambing na sabay na sagot ng dalawa sa isa't isa na ikinataas ng mga mata ko.

"Tumigil-tigil na nga kayo at oo, one week from now... Ikakasal na ako kay Fourth. One week from now..." frustrated, i rolled my eyes and my breathing became fast and so does my heartbeat.

"Eh, bakit di mo atrasan o ayawan iyang kasal na iyan kung ayaw mo talaga?" asik ni Neem na ikinangiwi ko.

I tsked, mataray ko siyang binalingan ng tingin at tinaasan ng kilay.

"Akala mo ba gano'n lang iyon kadali? FYI, Neem... Hindi, hindi madali at kahit kailan hinding hindi magiging madali." seryoso ang mukha kong ani kay Neem na ngumuso sa akin.

Umingos siya, "At bakit naman hindi? Kasi nagustuhan mo na din si Fourth?" patanong niyang sagot sa akin.

Ngumiwi si Starlette, "Neem, may mga bagay na ayaw natin at kahit gusto nating tayo ang magdesiyon doon ay hindi pa rin naman natin magagawa dahil sa mga taong sinalo ang kasakiman at pagiging makasarili para sa lahat ng parte ng katawan at buhay nila. Minsan naiipit din tayo sa isang sitwasyon at gaano man natin kagusto na tumakbo papalayo doon ay madami naman ang mga nagiging dahilan para hindi natin magawa kahit sa dami na ng mga paraan natin."

Ngumuso si Neem, "Intinding intindi, ah?" nakangisi na siya ngayon na nang-aasar kay Starlette.

Starlette tsked, "Neem... Talagang naiintindihan ko iyon. Nakalimutan mo atang buong buhay ko ay napuno ako ng maling pagkakakilanlan at halos sa buong buhay ko din, hindi ko nagawa ang mga bagay na gusto kong gawin."

Tinignan ko sa mga mata si Starlette at pinakatitigan siya, "Starlette... Nandito lang kami, okay?" paalala ko sa kaniya at ngumiti naman siya ng matamis at tumango.

Dirty SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon