Chapter 53

80 3 0
                                    

Last time...?

WARNING :

SCENES IN THIS CHAPTER WILL BE R-18. AGAIN, MAY EK EK EK RED WANG WANG SCENE PO DITO.

NEEM'S POINT OF VIEW

HINDI KO alam ang gagawin kaya naman nagtitigan na lang kami rito. Naka-upo ako ngayon habang ang mga lalaki ay nasa kabila at paismpleng sumisipol dahil sa tensyon kanina.

Si Zeb ay panay ang nakaw ng tingin sa akin. Mamaya lang ay bumukas ang pinto. Agad na pumasok si Starlette na hingal na hingal at basang basa, “PUTAAA! ANG BILIS NILA, BEH!” reklamo niyang bungad at huli na nang ma-alalang nandito na ang ka-share namin sa red room.

Napangiwi siya at matatapilok pang tumabi sa akin. Pinanlakihan niya ako ng mga mata, “Anong meron? May pinagalitan?” pang-aasar niya kaya kinurot ko siya sa hita niya na ikinakibot ng labi niya.

Pinandilatan ko siya ng mga mata, “Letse, maka-mura, ah. May minor doon, oh.” nginuso ko sina Sixteen sa gilid na nagkwekwentuhan at mukhang libang na libang sa kausap niya.

Umingos naman siya at humalukipkip, “Ano... Alis na ako. Basang basa ako, wala akong pamalit. Uwi ka na din?” tanong niya sa akin.

Ngumuso ako, “Iiihh...” magrereklamo pa sana ako ng humalukipkip siya.

“Balikan na lang kita dito, no?” suhestyon niya na tinanguan ko.

Ngumiti ako sa kanya, “Talagang babalik ka, ah!” sigaw ko sa kanya na tinawanan niya.

Pinanlakihan niya ako ng mga mata, “Ito, walang tiwala? Tsk, oo nga! Geh, alis na ako—!”hindi niya natuloy ang sasabihin dahil paglingon niya ay saktong pagtayo ni Sabvier.

Nag-angat kami ng tingin kay Sabvier, “Sundan ko sina Collette—Aray! Gagi, bakit ka nambabato?!” sigaw niya kay Starvion na nilagok ang baso ng juice.

Nangunot ang noo niya, “Juice?! Akala ko alak, tsk. Uy, akin na nga iyang alak na dala mo, Ambrose. At, Sabvier my friend, huwag mo ng sundan iyon. Uuwi na iyong mga iyon.” nakangising ani pa ni Starvion.

Nangunot ang noo ni Sabvier at uupo na sana nang magkatinginan sila ni Starlette, “Ahhmm... Uuwi ka na? Hatid na kita.” aya niya sa kaibigan ko na agad kong ikinangiti.

Tumayo ako at hinila si Starlette papatayo rin siyaka si Sabvier at pinagtabi ang dalawa, “Sige, sige... Pagbihisin mo na si Starlette para makabalik dito, hehe. Ingat kayo, ah. Huwag ka na mag-ano diyan, my friend. Kung sasakyan natin gagamitin mo, di ka na babalik, eh.” kinindatan ko pa siya. I'm a little excited to enjoy din kasi with her.
It's been a long time na, eh. Nakakalungkot lang na umuwi na si Zaira.

She seemed awkward with it but still, she blushed! May pag-asa pa ang StarVier heart ko! Aacckk!

Binalot ni Sabvier ang braso niya sa baywang ni Starlette pero inalis niya rin para hubarin ang coat niya at itakip iyon sa katawan ng kaibigan ko na ikinangisi ko habang nakanguso.

Napailing-iling ako sa nakita, “Tsk, tsk, tsk.” tumingin na lang ako sa taas.

Wow, may red light pala dito?! Mabuti nga pala tumigil na ang tugtog, no, haha! Ebarg na Dark Tulips iyan, tsk.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dirty SecretWhere stories live. Discover now