Chapter 50

10 1 0
                                    

Preparing For The Bachelorette.

“HUY—HAHAHA!” naiiyak ko ng tawa habang nakaturo kay Neem na ngumuso pa at inamuy-amoy ang dulo ng buhok niya.

Katulad ng mga jeje na pictures sa social media.

Just like our plan, we will celebrate ny Bachelorette party now. Natatawa kong tinignan si Neem na nag-wig ng kulay pink na buhok.

May bangs ang wig na suot niya. Pastel pink ang kulay nito at straight din. Kahit na may kasagwaan ang kulay ay maganda pa rin siyang tignan. Nagsuot na din siya ng salamin na may star na gems bilang design.

Si Starlette naman ay naka-pastel pink na wig din pero kulot iyon na parang tinirentas. May suot siyang salamin na may nga heart na gems na design.

Ako naman ay naka-suot din ng pastel pink na wig pero ang bangs nito ay medyo pa-sway. Ang dulo din nito ay kulot, natatawang tinignan namin ang isa't isa.

Naluluha na din talaga kami sa katatawa sa isa't isa.

Sinong nagsabi na magwi-wig para mas pagandahin ang sarili? No! BWAHAHA! Ang suot namin na wig ay para walang makakilala sa amin.

Ang suot ko ay Chanel Spring 2016 outfit, ready-to-wear. Makapal ang damit. May stripes din ito na green sa gilid at pink naman sa gitna nito. Sa dulo din ng sleeves ay may black na stripes. Pati din sa may baywang at sa may tuhod na parte ng jeans nito. Wala akong ibang nas ailalim maliban sa sando at undies, kasi ang init talaga pero ayus lang naman.

Minsan lang kami tamaan ng kabaliwan, no. Promise, minsan lang talaga.

Si Neem ay suot ang Louis Vuitton Fall 2020 outfit. I can't describe the design, maliban na lang sa halatang mainit iyon. It's because we're hot, BWHAHAHA!

Si Starlette naman ay may suot ng Gucci Fall 2018. Halata ding mainit iyon suotin. May salamin siyang suot na napakalaki.

Tawang tawa kami sa isa't isa na nagtanguan na lang at naglakad na. Maleta ang dala ko, malalaki din ang mga bag nina Starlette at Neem.

Mapanghusga ang mga tingin ng mga taong madadaanan namin na mas nagpapahalakhak sa amin.

Nasa kanan na gilid ako at kaliwang gilid si Starlette. Sa gitna namin ay si Neem na pulang pula na kakatawa.

“H-Huy—!!!” lunuluha na siya kakatawa at wala ng boses ang tawa niya.

Na mas nagpatawa sa amin ni Starlette, sumeryoso lang kami nang mapatingin sa amin ang guard at mukhang namukhaan naman kami kahit papaano.

Napangiwi naman si manong sa amin. Nasa mall kami ngayon para maghanap ng isusuot namin mamaya kasi trip lang namin. Pero, nay twist. Sa pambatang mga sakit kami bibili. O kaya naman ay sa mga costumes.

Nasa isip ko na ang unicorn, ewan ko sa kanila.

Napatigil lang kami sa tawanan ng may makatinginan kami na mga lalaki at sobrang pamilyar nila. Kanya-kanya kaming poker face at takip ng mukha namin gamit ang mga salamin at rumampa na para bang 2000's model.

Tinuro pa kami ni Starvion, “T-Teka... Sila ba iyon o namalikmata ako?” rinig kong tanong niya kay Collette na amsayang may sinasabi sa sampo.

Kawawa ang mga anak ko. Mukhang may sayad talaga na natural ang nanay nila at mga tiyain, eh.

Binabangga ng baywnag ko ang baywang ni Neem at gano'n din si Neem kay Starlette na binabalik din ang bangga sa amin.

Nangungunot ang noo ni Kuya Sabvier na sinilip kami, “Sorry, mga miss! May ano... Kamukha kasi kayo, pero parang impossible kasi, eh.”

Dirty SecretOù les histoires vivent. Découvrez maintenant