Chapter 3

782 23 0
                                    


CHRISTIAN LAKE

IT'S 12 noon and it's probably our lunch time, kaya patungo kami ngayon ng mga kaibigan kong sina Hweb at Jason sa cafeteria.

Habang naglalakad kami sa loob ng campus ay hindi ko mapigilang mainggit sa nakikita kong mga gay na confident rumampa sa daan na parang kasali sa beauty pagent, daig pa nila kung lumakad ang mga kasama nilang babae.

"Mabuti pa sila, loud and proud, samantalang tayo, wala namang mali sa atin, pero takot na takot tayo ipakita ang totoong tayo," napabuntong hininga nalang ako.

Hinawakan ni Hweb ang likod ko. "It's okay, everything takes time naman, soon kapag handa na tayo, we will unite with them, sasama tayo sa kanila sa pagtaas ng bandera natin," may ngiti sa labi niya.

Biglang nagtaas ng nakakuyom na kamay si Jason. "And I'm here to always support you guys..." abot tenga ang ngiti niya.

"Shhh...magiging katulad ka din namin, sinasabi ko sa 'yo," pabirong sabi ni Hweb at nagtawanan na kami.

Kahit na hindi ko pa maipakita sa lahat ang totoong ako, masaya naman ako dahil may dalawang kaibigan ako na naiintindihan ako, kahit papaano ay may mga oras na hindi ko kailangang magpanggap.




I am thankful when I meet Hweb. It all started when we are in grade 6 sa ibang school, naging mag classmate din kami no'n. Every time na pumapasok ako, siya ang binabantayan ko at kung minsan ay iniiwasan ko, dahil parang lagi niya ako ino-observed bawat galaw ko.

Pero hindi madali dahil naging magkatabi pa kami, pariho kasing sa L nag start ang mga surname namin, Lake and Last. Ganun ang setting arrangement namin dati, by alphabetical order.

There was a time na gustong-gusto ko na no'n ipagpatuloy ang pagbabasa ko sa isang pocket book na boys love o bromance. Tinignan ko muna ang paligid bago ko ito kunin sa bag ko.

Mukhang busy naman lahat ng students dahil uwian na kaya siguradong walang makakapansin sa akin. Kinuha ko na sa bag ang libro at habang nagbabasa ay sinigurado ko pang natatakpan ng mga kamay ko ang book cover nito para walang makapansin.

Sa kalagitnaan ng pagbabasa ko ay narinig ko ang malakas na sigaw ng mga students na naghahabulan sa daan, bagay na gumulat sa akin, subrang magulatin kasi ako, kaya nabitawan ko pa ang libro.


Pupulutin ko na sana ang libro ngunit naunahan ako ng isang lalaki. Dahan-dahan siyang tumayo at inabot sa akin ang libro. "Your book, nahulog mo..." mahinahong sabi niya.

Napanganga ako at hindi ko mapigilan ang kaba sa dibdib dahil si Hweb pala ito, lalo pa akong kinabahan nang tinitignan niya ang book cover ng libro habang hinihintay na kunin ko ito sa kamay niya.

"S-Salamat..." kabadong sabi ko habang dahan-dahan na kinuha ang libro.

Bigla nalang siya ngumiti. "S-Sige, mauna na ako..." sabi niya.

Habang nakalayo na siya ay nanatili naman akong nakatayo dito, hindi ko mapigilang mag-isip anong ibig sabihin ng ngiti niya at kung bakit hindi niya ako tinawanan nang makita ang binabasa ko, tulad nalang ng mga kapitbahay namin.




Sumunod na araw, dala-dala ko pa rin no'n ang libro, lagi naman talaga akong may dala ng libro sa bag, mas nakakalimutan ko pa ang pencil case ko kaysa sa libro.

Lunch time ang perfect time para magbasa ako, dahil ako lang mag-isa ngayon sa classroom, nando'n ang lahat sa canteen. Dahil ako lang isa dito ay nakuha ko pang sumigaw nang sumigaw sa subrang kilig.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now