Chapter 4

578 23 0
                                    


CHRISTIAN LAKE

NASA cafeteria kami ngayon ng mga kaibigan ko, pinagsalohan namin ang mga binili naming ulam dito. Puro mga fried ang sa akin at maanghang na ketchup ang sauce. Puro naman maaanghang kay Jason, gaya ng bicol express.

Habang kumakain ay tinitignan ko ngayon si Hweb na hotdog with bun lang ang kinain. "Hweb, kumain ka nga ng maayos..." sabi ko.

Natigil siya. "What? Maayos naman talaga ako kumain ah, hindi naman ako nagwala dito." Sagot niya at uminom siya ng juice.

Inabotan ko siya ng isang friend chicken. "What I mean is kumain ka ng ulam at kanin. Paano ka mabubusog sa hotdog na 'yan?" Tugon ko sa kanya.

Ngumi-ngiti pa siyang kumakain. "Ang sarap kaya ng hotdog nila, lalo na nitong sauce na puti."

Biglang natawa si Jason at muntik pa mabilaokan. "Gago ka, ang 'aga ko naka-isip ng kasalanan dahil sa 'yo..." napa ubo na siya ngayon dahil sa kakatawa niya kahit nabilaokan na, kinuha niya ang juice ni Hweb at ininom.

Halos masira ngayon ang mukha ni Hweb nang maubos na ni Jason ang juice. "Wow, thanks ha. Deserve mong mabilaokang hayop ka." Salubong ang mga kilay niya.

"Napaka-dirty minded mo talaga Chec,
mayo kasi ang tinutukoy ni Hweb." Natawa lang ako habang tinitignan sila, magkatabi kasi sila at nasa harapan nila ako.

Matapos kumain ni Hweb ay tinignan niya akong nakangiti. "So anong chika mo?" Tanong niya. Muntik ko na makalimutan 'yon.

Umayos ako sa pagkaupo at inilapit ko sa kanila ang mukha ko na parang magbubulong ako. "May nakilala ako kanina—" natigil ako nang hawakan ni Jason ang kamay ko. "Ano gwapo ba?" Tanong niya at tumango ako. "Oo subra..." sabay-sabay kaming nagsigawan.

"Kamukhang-kamukha niya si Kit Connorrr!" Muli kaming nagsigawan, tumigil si Jason at inilapit ang mukha sa akin. "Sinong Kit Connor?" Hindi pala niya kilala.

Pati si Hweb ay hinawakan na rin ang kamay ko. "Tapos ano, nakuha mo ba ang pangalan?" Tanong niya.

Ngumiti ako. "Oo, Kit din pangalan niya. Hindi ko nga lang nakuha buong pangalan dahil kasama niya kanina mga kaibigan niya, ang isa nga do'n is Ace ang pangalan." Sagot ko.

Nagtaka ako nang unti-unting nawala ang ngiti sa mukha nila, dahan-dahan nilang binitawan ang kamay ko. "What? What's the problem?" Kunot ang noo ko sa pagtataka.


Nilingon nila ang isa't isa at napailing-iling pa. Napabuntong-hininga si Hweb. "The problem is malaking problema ang pinasok mo." Tugon niya.

"Sa dami ng pwede mo magustohan, bakit siya pa? Ngayon palang, itigil mo na ang feelings mo sa kanya." Dagdag pa ni Jason.

Lalo lang akong nagulohan. "T-Taika, ano bang pinagsasabi mo? Diretsohin niyo nga ako."

Mahigpit na hinawakan ni Hweb ang kamay ko. "Layoan mo si Kit dahil siya at si Ace nag leader ng Bravo Boys." Diin niyang sabi.

"Huh? Anong Bravo Boys?"

Napakamot sa ulo si Jason. "Ayan, puro ka kasi libro. Wala ka ng alam sa nangyayari sa paligid. Isa lang ang Bravo Boys sa mga kilalang grupo dito sa HA. Kilala sila dahil one of the football team sila ng Football Community sa Sports Society. Sila ang Bravo Team. At ang yayabang ng team nila." Habang tinitignan ko siya ay parang nanakot ang mga mata niya.

"Hindi sila napapaalis dito dahil ini-ingatan ng Sports Society ang bawat athletes. Kaya nandito pa rin sila, kahit ilang beses na silang ini-reklamo dahil sa pagiging bullies. Sobrang gross at ang iingay nila." Si Hweb naman ngayon ang naglapit ng mukha sa akin. "In short, delikado sila."

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now