Chapter 28

338 15 13
                                    


CHRISTIAN LAKE

SECOND DAY here on Enchant Lake at excited dahil papunta na kami ngayon sa mismong mahiwagang lake na sinasabi nila.

Nandito kami naglalakad sa hindi kalakihang kalsada at napapalibutan ng mga kahoy sa gilid-gilid. Nakasuot kami ng mga pang-ligong damit, naka summer shirt at short lang kaming lahat.

"Wow artista yarn..." tawang sabi ni Hweb kay Jason na naka black sunglasses. "Huwag ka ngang mangialam dyan. Hindi ko nga pinakaalaman ang brief mong ben10..." malakas na tinawanan ni Jason si Hweb. "Sige ipagsigawan mo pa busit ka..." inis na sabi ni Hweb.


Habang nag-iingay sila ay nanatiling tahimik lang kami ni Kit sa likod, pariho naming na-appreciate ang ganda at payapa ng daanan na 'to, dahil puro matatangkad na kahoy lang ang makikita sa gilid-gilid.

Mayamaya pa ay dumaan ang malamig na hangin at may mga dahon ang nahuhulog dito sa amin. Nag-angat kami ng kamay ni Kit at sinusubukang saluin ang mga nahuhulog na green leaves.

"You know what, maraming autumn sa village namin." Sabi ko kay Kit. "Really? I wish to witness it." Nakangiting sabi niya. "You should visit our village tomorrow, or kung kailan ka pwede." Tumango naman siya.


Napahinto kami nang makitang nagpulot ngayon ng dahon sina Jason at Hweb at nilagay sa likod ng damit ni Fril. "Puta kayooo!" Sigaw ni Fril pero tinawanan lang siya ng dalawa at agad na tumakbo kaya hinabol niya ang mga ito.

Lumapit sa 'min si Rifah. "Get ready guys, dahil sa dulo nito ay makikita na natin ang lake..." tugon niya kaya napangiti kami sa sobrang excited.

Tumigil na sa paghinto ang dalawa. "Friends, I thinks we're here..." sigaw ni Hweb.

Nagtabi-tabi kaming lahat at naghawakan ng mga kamay. "Taika sali kami..." bumalik sa amin ang talo at naki-singit sa dulo. "Friends tara naaa!" Sabay-sabay namin na sigaw at dali-daling tumakbo papunta sa dulo nitong daan na halos naiilawan pa ng sunrise.



Pagkadating namin sa dulo ay bigla nalang parang tumigil ang mundo namin dahil parang dinala kami sa ibang lugar o ibang mundo. Isang mundo na puro naggagandahang kalikasan lang ang meron.

Magkahawak pa rin ang aming mga kamay at nagmarka sa mukha namin ang pagkamangha habang nakatingin sa napaka-asul na tubig sa malaki at hugis bilog na lake. Napaka-kalma at sobrang linis ng mga tubig, malinaw na makikita ang white sand sa ibaba. Meron ding mga maliliit na bato at iba-iba ang kulay na halos kumikinang pa.

Habang nililingon namin ang kapaligiran ay napakarami din ditong malalaki at matatangkad na kahoy dahil forest na ang gilid-gilid nito. Napagtanto kong ito pala ang pinakahuling bahagi ng Enchant Lake.


Wala pang ibang tao dito kundi kami palang. Kaya siguradong sasaya kami dahil sa amin ngayon ang lugar na 'to.

Dahan-dahan kaming lahat na bumitaw ng kamay at lumakad papunta sa tubig. Pagkalapit namin ay naging abot tenga ang mga ngiti namin at naging emotional pa ang iba dahil sa wakas ay natuklasan na namin ang mahiwagang ganda sa lake na 'to.

"This lake, is like a calming sky." Kalmang sabi ni Kit na nasa tabi ko. Tama siya, ang lake na ito ay parang ulap nga na bumaba, dahil sa puti nitong sand at blue na tubig

"Parang nakakahiya tuloy lumangoy dito, dahil ayaw kong masira ang perfect nitong view." Napakamot sa ulo si Samantha.


Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now