Chapter 15

359 15 0
                                    


CHRISTIAN LAKE

I NEVER expected this to happen, and yet here I am. Mukhang mapapabilang na nga ako sa Bravo Team. Hindi ko alam kung punishment ko ba itong maituring, or stepping stone lang para mapalapit pa lalo kay Kit.

Kami lang dalawa ngayon magkasama sa changing room dahil nasa field na ang ilan sa mga kasama niya. Hapon na kasi kaya start na ng training.

Tinitignan ko ngayon ang buong changing room nila na mas malawak pa nga kumpara sa classroom namin. Dito ay may mga cabinet kung saan nakalagay ang mga jersey at damit nila. Meron ding restroom na pwede pa mag shower.

Bumalik na ako sa kung saan siya ngayon nagbibihis at napatakip pa ako sa bibig nang makita siyang walang suot pang-taas na damit at naka short lang.

Halos hindi ko siya magawang tignan ng matagal dahil nahihiya ako. Ang ganda ng katawan niya, kahit wala siyang abs ay hot pa rin siya tignan, dahil sobrang gwapo naman niya.

"What?" Tanong niyang nakangiti. Dahan-dahan ako umiling. "N-Nothing, ngayon lang kasi ako nakakita ng lalaking nagbibihis sa harapan ko, except sa sarili ko," sabay tawa ko para hindi halatang nahihiya.

"Mula ngayon dapat masanay ka na, dahil halos lahat kami dito ay dito na nagbibihis, hindi na kami pumupunta sa restroom." Sagot niya sa akin.


Pagkatapos niya magbihis ay inabotan niya ako ng isang pares na jersey na gaya ng sa kanya na kulay puti, tinanggap ko ito. Dahan-dahan ko na ngayon huhubarin ang uniform ko, nakatingin siya sa akin kaya dahan-dahan ako tumalikod dahil nahihiya talaga ako.

"Hindi mo naman kailangan pilitin ang sarili mo. May restroom do'n, do'n ka na magbihis." Mahinahon niyang sabi, napangiti naman ako at dali-daling pumunta sa restroom.

Pagkatapos ko magbihis ay lumabas na akong naka jersey na may number ng 7. Naninibago pa ako, kaya hindi ako makatayo ngayon ng maayos habang papalapit sa kanya.

"P-Pasensya na, medyo hindi pa ako sanay, first ko pa mag short sa public." Sinusubukan ko naman ngumiti habang pilit ko takpan ng kamay ang paa ko.

Nakatingin lang siya sa akin na halos matulala na. "D-Don't stare at me like that, baka matunaw ako..." pagbiro ko at tumawa naman siya.

Pakiramdam ko namumula ngayon ang pisngi ko nang dahan-dahan siya lumapit sa akin. "You look perfect in your jersey." Napangiti ako dahil itatanong ko pa sana kung okay lang ba ang dating ko ngayon but he already said na perfect akong tignan.

"T-Thank you..." pasalamat ko at hinawakan naman niya ang braso ko. "Now let's go." Tumango naman ako at sumunod sa kanya.



Nandito kami ngayon naglalakad sa hallway at papunta kami sa sports complex nila. Pagkapasok namin sa sports complex nila ay halos mahulog ang baba ko dahil sa sobrang lawak pala nito, halos katumbas nito ang pinagsamang lawak ng dalawang mall.

Marami ditong pasikot-sikot at iba't ibang facilities para sa iba't ibang sports, nandyan ang court for basketball, court for volleyball, table tennis, badminton at sipa-takraw.

Nandyan din ang mga training room sa taekwondo at gymnastics. Training ground sa arnis. Malaking swimming pool para sa mga swimmers. At kung ano-ano pang mga sports na offer ng Sports Society for HA Students.

Nakatingin ako ngayon sa malaking field na center ng sports complex, dito naglalaro at nag ta-training ang mga football team na mas marami pang bilang ng players kaysa sa ibang sports. Mukhang ang Bravo Team lang may training ngayon sa Football Community.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now