Chapter 19

309 15 2
                                    


CHRISTIAN LAKE

KAMI lang ng mga kaibigan ko ang magkasama ngayon sa bahay dahil pinuntahan ni Mama ang coffee shop business namin at mamayang hapon pa siya makakauwi.

Habang nasa loob ng kwarto ay puro kami tawanan habang inaayosan si Rifah dahil hindi kasi siya sanay manamit pang babae at medyo boyish talaga ang galawan niya.

Nag-abot ng damit si Hweb. "Ito?" Umiling si Rifah. "Ayaw ko n'yan masyadong sexy..." nag abot naman si Jason. "This?" Umiling pa rin siya. "Naku ang cleavage masyado..."

Siya na ang tumingin sa mga damit na nakalagay sa kama. "Sa'n niyo ba kasi nakuha ang mga 'to? Ang sexy masyado, makikita ang katawan ko nito..." parang wala siyang nagustohan sa mga ito.

Napakamot sa ulo si Hweb. "Naku Rifah huwag ka na maarte dyan, kinuha ko pa 'yan sa bahay ng mga ate ko, hindi pa naman nakapag-paalam..." natawa naman si Jason. "Buti nga 'yang sa 'yo sa mga ate mo, eh ang akin galing sa lola ko, kahit may asim na..." nagtawanan na kami sa sinabi niya.

Dahil walang nagustuhan si Rifah sa mga dalang damit ng dalawa ay agad na akong pumunta sa kwarto ni Mama at kinuha ang purple dress niya na naka-hanger sa cabinet. Bumalik ako sa kwarto ko at inabot kay Rifah ang dress. "Ito baka magustohan. Hindi na 'yan nagagamit ni Mama."

Dahan-dahan niya ito tinanggap at tinitignan. "Well maganda siya, hindi makita ang dibdib ko nito." Pumunta na siya sa comfort room para magbihis. Tsaka pa kami nakahinga ng maluwag dahil akala namin hindi na namin siya mahanapan ng isusuot.


Pagbalik niya sa kwarto ko ay halos mapanganga kami ng mga kaibigan ko dahil sobrang bumagay sa kanya ang purple dress ni Mama. Nagustohan niya ito dahil hanggang tuhod niya ito at plain pa ang color.

Nilagyan na rin namin ng kunting make up ang mukha ni Rifah at halos maiyak-iyak pa siya. "Kailangan ba talaga 'to? Kasi ayaw ko talagang dinudumihan ng make up ang mukha ko..." tumango kami. "Yes, para magmukha kang babae." Sabay naming sabi.

Nang matapos na namin siya ayosan ay nagmukha na siyang disney princess ngayon habang nakatingin sa salamin. "Ikaw ba 'yan Ursula?" Sabi ni Hweb.

"Sinong Ursula? 'Yong kaaway ba ni Ariel?" Tumango si Hweb kaya nainis si Rifah. "Bwesit ka ginawa mo pa akong kontrabida..." hinabol niya ngayon si Hweb. "Yong sa live adaptation kasi, pariho kasi kayong naka purple...ang gandang babae kaya no'n..." nagpapaliwanag pa rin si Hweb.



Pagkarating ko sa sports complex ng Sports Society ay nakita ko ang Bravo Team na nasa field doing stretching para mag ready sa training. Pumunta ako sa field at tumabi kay Kit para sumabay sa stretching niya.

Magkukumustahan sana kami nang biglang lumapit si Ace kasama ng mga kaibigan niya sa team. "So, where's your girlfriend?" 'Yon ang agad niyang concern. Lumingon ako sa entrance. "There she is." Sabay-sabay silang napalingon at halos mahulog ang mga baba nila nang makita si Rifah.

Dahan-dahan ang lakad ni Rifah habang suot ang purple dress at hinahangin pa ang kanyang mga buhok. Lalo siyang gumaganda habang nasisikatan ng araw. Parang bumabalik nga ang feelings ko sa kanya ngayon.

Pagkalapit ni Rifah sa harapan namin ay natulala nga sina Ace. Ngumiti ako. "She's my girl." Nang sabihin ko ito ay umakbay sa akin si Rifah at naka angat pa siya ng tingin na mukhang seryosong-seryoso.

Dahan-dahan ko siya nilingon at inilapit ko ang mukha ko sa tenga niya. "Huwag mo silang angasan, dapat magmukha kang babae." Bulong ko sa kanya at mahinhin naman siyang tumawa dahil halos nakalimutan na niya.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now