Chapter 11

408 17 0
                                    


CHRISTIAN LAKE

HINDI ko maipinta ang saya ko ngayon dahil ilang minuto din kaming nagkatitigan ni Kit kanina sa classroom nila. Parang wala na nga akong balak lumabas eh, dahil natulala na naman ako sa titig niya.

Sa sobrang kilig ko ngayon ay napatalon-talon pa akong naglalakad habang napapakanta. Hindi ko akalaing nakatulong pala ang pag-iwan ng cellphone ni Ma'am Del para makita ko siya.

Doubleng saya, dahil may nalaman na naman ako sa kanya. Alam ko na kung saan ang room niya, at alam ko nang STEM ang strand na kinuha niya.

Kahit nalaman ko kanina na may babaeng nagugustohan ang Bravo Team para kay Kit, ay muli pa ring bumalik ang pag-asa ko ngayon dahil talagang may ibang pahiwatig ang mga mata niya every time tinitigan niya ako. Lalo na kanina, mukhang masaya siya makita ako.

Kahit sabihin pa nilang may nagugustohan ang Bravo Team para sa kanya, eh ano naman ngayon, baka sila lang ang may gusto, pero away niya. I just wanna look to a brighter side.



Pagdating ng tanghali ay nagsipunta na ang mga students sa cafeteria para sa lunch time. Papunta din kami ngayon ng mga kaibigan ko, hindi para kumain dahil kakatapos lang namin sa room, kundi para bumili ng milk tea.

Napahinto kami nang marating namin ang event center, puno ito ng maraming students na masayang kumakanta, sinasabayan nila sa pagkanta ang isang band na tumutogtog sa stage.

Isa sila sa sikat na band dito sa HA, binubuo sila ng mga membro na nanggaling pa sa Music Community ng Arts Society, kaya magagaling ang mga ito. Kaya naman maraming students ang hinahangaan sila.

Muli na kaming lumakad dahil bibili pa kami sa cafeteria. Natigil kami nang makitang papalapit sa amin ang isang babaeng matagal ko na gustong makita. Ang nag-iisang babae na kaibigan ko nong bata palang ako, at hanggang ngayon siya pa rin ang tanging babae na kaibigan ko, si Rifah Cardino.

Napansin din niya ako kaya napangiti ako habang dahan-dahan kaming lumapit sa kanya. "Hi Rifah..." pagbati ko. "Hey, kumusta ka na?" Ang ganda pa rin niya ngumiti. "Ito ayos naman, medyo na-miss lang kita..." mahinhin pa akong tumawa para hindi halatang nahihiya.

"Medyo lang pala," nakasimangot siya kaya nataranta ako. "H-Hindi, na-miss kita sobra, na-miss ko 'yong bonding natin..." paliwanag ko at natawa lang siya. "Syempre biro lang, alam ko namang miss mo ako eh, dati nga umiiyak ka pa kapag aalis na ako sa bahay niyo." Pinagtawanan na nila ako. "Kumusta na pala si Tita?" Tanong niya.

"Ayon, palagi kang hinahanap ni Mama." Sagot ko. Tumango naman siya. "Sabihin mo pupunta ako sa inyo mga susunod na araw, siguro this weekend." Napangiti ako sa sinabi niya.


Pumagitna si Jason. "Pwede bang pumunta din?" Tanong niya at agad siyang hinila ni Hweb. "Huwag ka nang sumali dyan, date nila 'yan." Pabulong na sabi ni Hweb.

Nilingon ni Hweb si Rifah. "Pero ang tanong. Wala ba si Tian Martell? Baka mamaya dumating na naman 'yon at mangungulit sa 'yo Rifah." Kita ang inis sa mukha niya. "Hindi porket artista siya, basta-basta nalang siya nang-aagaw ng kaibigan."

Nagsalubong ang kilay ko nang maalala kong minsan na kami nagka-initan ni Tian Martell dahil bigla-bigla nalang siyang sumusulpot at inaagaw sa amin si Rifah.

Umiling si Rifah. "Medyo matagal na siyang wala dito sa HA. Mula kasi nong nag viral ang post na lagi silang magkasama ni Haku ay binago na ng management nila ang script. Ginawa na silang mag partner ni Haku at sa ibang location na ang taping nila. Pero pumapasok pa rin naman dito si Haku, habang si Tian naman bihira nalang pumupunta dito." Sagot niya.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now