Chapter 13

344 17 0
                                    


CHRISTIAN LAKE

RIFAH looks stunning today with just a simple attire, naka black pants lang siya at white t-shirt na may print pa ng 1989 album ni Taylor Swift, she's also a fan of her.

Sinundo ko siya sa front yard namin at inabot ko pa ang kamay ko. "May I take your hands, your highness." Nakangiti ako pero tinawanan lang niya ako. "Sira ka talaga..." sa aking braso siya humawak.

Nagkasundo naman kami na dahan-dahan ang lakad namin na parang mga principe at prinsesa na papunta sa kaharian. Pagpasok namin sa loob ng bahay ay nakatayo sila Mama at Papa sa gilid ng lamisa at nakangiti habang hinihintay kaming makalapit.

Hindi mapigilang matawa ni Rifah na mukhang nagtataka sa akin. "Ano pong pakulo ito Tita, Tito..." sabi niya. Kung titignan kasi kami ngayon ay parang mga royal family na magsalo-salo para sa isang occation.

Natigil ang katahimikan nang makalapit kami at agad na niyakap ni Mama si Rifah. "I miss you so much my dear..." halos maiyak sila sa tuwa, napaka emotional kasi ni Mama. Paglapit naman ni Rifah kay Papa ay nagyakapan din sila na abot tenga ang mga ngiti.

"Na-miss ko po kayo. Pati na ang bahay na 'to." Sabi ni Rifah habang nililingon ang bahay namin.


Pagkatapos namin magdasal ay kumain na kami sa hapagkainan na puno ng masasarap na pagkain. Talagang pinaghandaan nila Mama at Papa ang gabing ito. Maraming handa na parang may birthday, mula sa mga lutong Pinoy at mga desert.

Ganito din kasi kapag pumupunta kami sa bahay nila Rifah, marami silang handa. Ganito kami ka-close kay Rifah at sa pamilya niya dahil magkatabi lang ang mga business ng pamilya namin sa Hearts Market.

Restaurant ang sa pamilya ni Rifah, habang sa amin naman ay coffeeshop ni Mama at may supponsor ng mga libro ni Papa kaya pwedeng-pwede magkape do'n habang nagbabasa ng books.

Naging masaya naman ang pagsalo-salo namin dahil naging mahaba ang usapan namin, puro kami tawa dahil sa mga jokes ni Papa na sinasabayan pa ni Rifah at Mama, ako naman ay tawa lang nang tawa dahil hindi naman ako kasing galing nila sa humor.


Pagkatapos namin kumain ay magkasama kami ngayon ni Rifah sa loob ng kwarto ko. Tinitignan niya ang mga book collection ko nakalagay sa bookshelf. "Dumadami ang books mo ha," sabi niya. "Marami dyan galing kay Papa." Natawa naman ako.

"Good timing sa isang book lover gaya mo nagkaroon ng father na editor in chief, hindi mo na kailangan bumili sa book store." Nakangiti siya at bigla siyang may kinuha na isang libro. "Can I have this?" Hawak

Halos mataranta ako na dali-daling lumapit sa kanya dahil ang librong hawak niya ay bl novel na binasa ko nong Grade 6 palang ako at unang beses nabully. "B-Bl 'yan eh,"

Pero nakangiti lang siya na parang wala itong problema sa kanya. "Then what if bl ito? Nothing wrong with that, minsan nga mas nakakakilig pa ang bl kaysa sa ordinary na love story."

Hihirit sana ako pero muli siya nagsalita. "At binasa ko naman ang blurd niya, and nagustohan ko siya. Galing ba 'to kay Tito? Or don't tell me," nanlaki ang mga mata ko dahil mukhang alam ko na kung anong sasabihin niya habang nakatingin sa akin. "N-No, no I'm not a gay..." agad ako nag react.

Tumawa siya. "Syempre biro lang, masyado ka namang kabado..." para akong natanggalan ng tinik sa lalamunan dahil akala ko mahuhuli na niya ako. "So galing nga 'to kay Tito?" Tanong niya ulit.

Umiling ako. "No, kay Kuya ang libro na 'yan. And 'di ba alam mo naman na bisexual si Kuya." Tumango naman siya, this time hindi ako nagpapalusot dahil galing talaga kay Kuya ang libro na 'yon.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now