Bonus Scenes

389 18 2
                                    




Surprise! Here's my promise that I'll be releasing a bonus scenes from the most romantic story of Heartful Academy Series, it's Boyfriends.

I just can't move on to this romantic story, so I kept it writing after the day it completed. Hope you'll love this gift from me, Lovers.

•••••••


BONUS SCENE 1: From Chapter 25

CHRISTIAN LAKE

"PANALO!" Napasigaw ako sa tuwa nang manalo ako sa snake and ladder na nilalaro namin ni Jason. "Lagi ka nalang nananalo, ayaw ko na..." napahiga nalang siya sa sahig.

"Tumigil na nga kayo sa paglaro n'yan, mabuti pa gumawa nalang tayo ng kape, 'yong bond natin before na pasarapan ng timpla ng kape." Agad kaming napatayo nang sabihin 'yon ni Rifah.

Nagsilapit kami dito sa lamisa at sinimulan ang paggawa ng kape. Marami kaming ingredients ng kape dito sa bahay, kaya kahit iba-iba pa ang gagawin naming kape ay pwede. Nagpaunahan pa kami makatapos.

Nang matapos na kami ay pinaglapit namin sa lamisa ang aming tasa ng kape. Cappuccino ang akin, Cafe Latte ang kay Hweb. Mocha kay Jason, at Black Coffee kay Rifah.


Inuna naming tikman ang kape ni Rifah at matapang nga ang lasa nito, parang puro kape ang ingredient walang sugar. Sunod kay Hweb na tamang-tama lang ang lasa. Sa akin naman at napasabi pa si Rifah na perfect. Pagdating namin kay Jason ay sabay kaming napaluwa ng kape.

"Ano ba 'to! Sobrang tamis!" Hinahawakan pa ni Rifah ang kanyang dila. "May kunting kape at milk naman 'yan." Parang natatawa pa si Jason. "Kaya nga, pero mas maraming sugar! Sana puro sugar nalang nilagay mo dito nahiya ka pa..." tugon ko naman. "Magka-diabetes kami sa 'yo Tol..." hirit pa ni Hweb.

Kahit pinagtulongan na namin si Jason ay nakuha pa rin niya tumawa. Dahan-dahan pa niya ininom ang sarili niyang kape, at napatigil nalang siya na halos hindi siya makapagsalita.

"Busit. Lasang asukal nga." Dali-dali siya ngayon pumunta sa lababu at do'n iniluwa.


Napaupo kami ngayon sa sofa at nag-uusap habang umiinom ng kape. Ginawan ko nalang ng kape si Jason dahil kawawa naman. "Ang hilig-hilig mo sa kape pero hindi ka marunong gumawa ng kape..." tinawanan siya ni Hweb.

Natigil ang tawanan namin nang biglang may kumatok sa pinto. Halos manlaki ang mga mata namin habang dahan-dahan kami nagtinginan. "M-May iba ka pa bang bisita?" Mukhahg kabado na tanong ni Jason. Umiling ako. "W-Wala na, kayo lang inasahan kong pupunta dito eh." Kahit kinakabahan ay sinubukan ko pa rin kumalma.

"B-Baka multooo..." nagsigawan na kami nang sumigaw si Jason, dali-dali kaming lumapit kay Rifah at niyakap namin siya habang nanginginig kami sa takot.




BONUS SCENE 2: From Chapter 28

CHRISTIAN LAKE

NAKITA naming nagsi-langoy na ang iba sa mga kaibigan namin. "Kumapit ka ng mahigpit sa likod ko." Biglang sabi ni Kit. "What? Bakit anong gagawin mo?" Kabadong tanong ko. "I'm a good swimmer." Pagkatapos niya sabihin 'yon ay agad siyang lumangoy habang buhat-buhat pa rin niya ako sa likod.

Nawala ang kaba ko at napalipatan ng ngiti nang parang nakasakay lang ako sa isang malaking isda na mabilis ang langoy. "Woahhh!" Napasigaw ako sa saya.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now