Chapter 6

490 19 1
                                    


CHRISTIAN LAKE

AFTER dinner nasa loob na ako ng kwarto. As a reader, puno ng libro ang kwarto ko. Meron akong bookshelf sa gilid ng wall ko at dito nakalagay ang mga book collection ko, mula sa mga classic hanggang sa bagong release.

May mga decorations din ako sa wall, gaya ng mga paintings na ibinigay sa akin nila Hweb at Jason na sila mismo gumawa. May mga cute din na stickers ng dolphin.

Nakadikit din sa wall ko ang poster ang dalawang album ni Taylor Swift na Lover at Folklore. Syempre hindi mawawala ang poster ng Heartstopper.

Nakahiga ako ngayon sa malambot kong kama. Kanina pa ako scroll nang scroll sa Instagram ko. Mayamaya ay dumaan ang bagong post ni Nard na hawak-hawak ang aso niya. Binasa ko ang caption.

I badly need a boyfriend that will take care Max and me. Where I can find one? #Single

Agad akong bumangon at nagsasalubong ngayon ang kilay ko sa inis. Online siya ngayon kaya agad ako nag message.


  INSTAGRAM
chistian.lake
hey!

nardzhil
good evening
what's up?

christian.lake
what's up mong mukha mo

nardzhil
huh? ano na naman?

christian.lake
bwesit ka


Napakagat ako sa labi dahil sa inis ko na nag maang-maangan na naman siya. Pinatay ko na ang cellphone at hihiga na sana ako pero biglang tumawag siya.

Ayaw ko sana sagotin, pero kailangan ko ilabas ang galit ko sa kanya dahil baka mag o-overthink na naman ako buong gabi. Nakipag video call ako sa kanya.

"Ano bang meron? Bakit galit ka na naman?" Tanong niya. Nakahiga siya ngayon.

"Tapatin mo nga ako! Mahal mo ba talaga ako!" Agad akong nagtaas ng boses.

"Yes of course. Bakit mo naman natanong?"

Binalot pa rin ako ng galit. "Did you really see me as a boyfriend?" Seryosong tanong ko.

Natagalan bago siya makasagot. "Yes naman."


Hindi pa rin ako naniwala dahil lalo lang lumalaki ang trust issues ko, lalo na sa kanya. "Then why you kept posting na single ka pa! Eh ano ba ako dito? Alien na tinatago?!"

Natawa lang siya. "Ano ka ba, post lang 'yon, huwag mong seryosohin, for a clout lang 'yon..." parang biro lang sa kanya ang makita akong galit.

"But I'm your boyfriend Nard! And you still looking for another one! Sa tingin mo, sinong hindi mamasaktan kapag ang boyfriend mo nag fe-feeling single pa rin!"

Sumeryoso ang mukha niya. "Eh 'di sorry na, delete ko nalang 'yon..." napakamot pa siya sa ulo.

"Kahit i-delete mo pa 'yon, it will never change the fact that you kept denying me as your boyfriend! Dahil hindi lang naman ito ang unang beses na nag si-single posting kahit may boyfriend ka na!"

Narinig ko ang malalim na buntong hininga niya. "Post nga lang 'yon, pero mahal kita. Bakit ba ang laki-laki ng trust issues mo!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw niya.

"Dahil lalo mong pinapalala! Lagi nalang ako nasasaktan sa ganitong set up! At ang hirap-hirap na magtiwala. Mas mabuti pang maghiwalay nalang tayo. It getting toxic now." Aangal pa sana siya pero agad ko na pinatay ang tawag.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now