Chapter 20

319 19 2
                                    


CHRISTIAN LAKE

NANG mag uwian na ay naunang lumabas ng room sina Jason at Hweb, hinabol ko sila para kausapin. "Mga ackla sabay na tayo..." nakangiting sabi ko at huminto naman sila. "Huwag na, may training ka pa." Ramdam ko ang pagiging cold ni Hweb ngayon.

Napa-simangot ako. "O-Oo nga pala." Nagpatuloy na sila. "Do'n ka na sa mga bago mong kaibigan." Mukhang nagtatampong sabi ni Jason.

Gusto ko silang makausap kaya dali-dali akong pumunta sa harapan nila at natigil sila sa paglakad. "Nagtatampo ba kayo sa 'kin?" Tanong ko. "Is ain't obvious?" Mukhang sarcastic na sagot ni Jason.

Nagmarka ang lungkot sa mukha ko. "A-Ang akala ko masaya kayo sa 'kin, dahil hindi na ako sinasaktan ng grupo ni Ace." Sabi ko. Napabuntong hininga si Hweb. "Masaya kaming kaibigan mo na sila. Pero hindi mo ba nakikita, nilalayo nila ang loob mo sa amin..." sagot niya.


"Mukhang hindi naman, gusto lang nila ako makilala pa." Tugon ko. "Hindi mo talaga 'yon makikita dahil masaya kang kasama sila, masaya ka dahil nando'n si Kit...mas gusto mo pa siyang makasama, kaysa sa amin na mga tunay mong kaibigan."

Umiling ako. "Hindi totoo 'yan dahil gusto ko din kayo makasama." Paliwanag ko. "Pero mas lamang sa kanya. Don't deny it, alam naman naming you have a massive crush to Kit." Ayaw pa rin ako paniwalaan ni Hweb at nagtampo pa rin sila sa 'kin.

Napabuntong hininga nalang ako. "Kung 'yon ang gusto niyong paniwalaan, wala na akong magagawa. Pero sana naman huwag niyo hayaang masira ang friendship natin dahil lang dito." Naging mababa ang tuno ng boses ko.

"Napalapit ka nga sa kanila, pero lumalayo naman ang loob mo sa amin." Ayon na ang huling sinabi sa 'kin ni Hweb bago sila tuloyang umalis ni Jason.



Pagkatapos ng training namin ay dumiretso na ako sa bahay. Hindi ako mapakali dahil sa buong buhay ko ngayon lang kami magkaibigan nagkaroon ng away. Kahit kumakain sa lamisa ay tulala pa rin ako.

Bumabagabal sa akin kung ano na gagawin ko para maayos ang tampohan na 'to. Parang naiipit ako, hindi ko alam kung kanino ko ibibigay ang buo kong oras. Sa mga nauna kong kaibigan na kapag hindi ko kasama nagtatampo? O sa Bravo Team na baka i-bully lang ako ulit kapag iiwas ako?

"Ahhhhh! Hindi ko na alammm!" Napasigaw nalang ako dito sa kwarto. Napaisip-isip ako, and I come to a decision. Binuksan ko ang Instagram ko at nag message sa group chat namin.


  INSTAGRAM
christian.lake
hi guys i know nagtatampo pa kayo sakin, but i'm still hoping na pupunta kayo bukas sa tournament, gusto ko kayong makita don

ayon lang good night luv u all

Nag seen lang sila at hindi nag reply. Napabuntong hininga nalang ako at binitawan na ang cellphone tsaka natulog. Sana hindi na aabot bukas ang tampohan nila, sana magka-ayos na kami bukas.



Maaga akong nagising at hindi pa nakaalis si Papa kaya sumabay na ako sa kanya. Nasabi ko na sa kanilang mamayang gabi ang tournament namin at pupunta naman daw sila ni Mama. Pagkarating namin sa HA ay umalis na rin si Papa para pupunta na sa trabaho.

Excuse sa class ang buong student athletes na ilalaban ng Heartful Academy para sa City Sports Tournament. Kaya todo ang paghahanda at pagsasanay ng lahat para mamayang gabi.

Boyfriends Season 1 | Heartful Academy 2Where stories live. Discover now